THE CRAZIES
| JADE |
Halos paliparin ko na ang sasakyan papunta sa opisina nila Althea. Kasama ko si Batchi at ang private detective. I called Althea's phone pero can't be reach na ito. Tinawagan na rin ito ni Batchi pero ganun din, hindi na ma kontak ang kanyang telepono kaya lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.
"Dude wag masyadong mabilis baka mabangga tayo" Sita ni Batchi dahil sobrang bilis na nang takbo ng sasakyan. Wala na akong pakialam kung sitahin man kami ng traffic enforcer, but I doubt it kasi alas nueve na ng gabi at wala nang masyadong traffic enforcer.
"Kailangan natin makarating kaagad Batch, I can't affor na may masamang mangyari kay Althea!" Tugon ko at halos manginig na ang boses ko dahil sa kaba.
"Jade, relax walang masamang mangyari kay Althea, malay mo na lowbat lang yun"
"How can I relax, kung kasama niya sa isang lugar ang mga psycho!"
"Teka, tawagan ko ang tropa, para naman may kasama tayo pag sundo kay Althea"
Di nagtagal ay narating namin ang Law firm nila Althea. Kaagad kung ipinarada ang sasakyan sa harap ng building at dali dali kaming bumaba ng sasakyan. Wala na gaanong tao ang building dahil gabi na. Tanging gwardiya nalang ang aming nakita. Agad namin itong nilapitan at nagtanong kung may tao pa ba sa Zobel Law office at sinabi ng guwardiya na nandoon pa ang ibang empleyado dahil may party ang mga ito sa loob mismo ng opisina. Noong una ay ayaw kaming papasukin dahil hindi na office hours at hindi naman daw kami empleyado pero nag pumilit ako. Ipinakita ko at ibinigay ang aking ID sa guwardiya para lang makampanti ito. Pumayag na rin ito at pinaakyat kami ni Batchi, nag paiwan naman ang private detective dahil ang sabi niya ay magmamanman siya sa paligid. Agad kaming sumakay ni Batchi sa elevator paakyat sa 9th floor.
Pagkalabas namin ng elevator ay may naririnig kaming konting ingay. May nag uusap at nagtatawanan. Siguro sila na yun at nag celebrate pa rin. Grabe ang dasal ko na sana ay nandiyan lang si Althea sa loob. Nung nasa bungad na kami ng pintuan ay kaagad kung nakita ang kambal kasama ang ibang pang mga tao o mga kaupisina, pero wala si Althea kaya lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"Jade, you're here" Nakangiting bati ni Tara, at lahat sila ay nakatingin na sa dereksiyon namin ni Batchi.
"Nasaan si Althea?!" Seryoso kong tanong
"Lumabas siya kanina pa" Sagot naman ni Tara. Kalmado ang mukha nito at hindi mababakas na may bahid itong maitim na nakaraan. Hindi mo rin mabanaag sa mukha na may sayad ito. Ganoon din ang aura ng kanyang kakambal.
Siguro ay magaling lang silang magtago ng tunay na katauhan. Kadalasan naman ay ganoon yung mga psycho at serial killer. Nagpapanggap na isang maamong tupa, pero sa likod ng mala anghel na mukha, ay isa palang nakakatakot na halimaw.
"Ahm, nagpaalam kanina si Althea na lalabas siya dahil magpapahangin lang daw at may tatawagan daw siya" Sabat naman ng isang babaeng officemate nila.
"Ilang oras naba siyang lumabas? Kanina pa ba?"
"Siguro isa't kalahating oras na" Tugon ulit nung babae. Sa nakikita ko mukha naman siyang nagsasabi ng totoo.
I scan the whole room, at nakikita ko ang mga pagkain at mga ginamit na pinggan at kubyertos na nagkalat sa mesa, siguro ay patapos na sila sa kanilang selebrasyon. Nahagip naman ng mata ko ang itim na purse ni Althea, nakapatong ito sa kanyang table.
"Is that Althea's purse?" Tanong ko.
"Yes, hintayin niyo nalang baka babalik na yun mayat maya lang, kasi nandito pa ang bag niya eh" Tugon naman ni Tim.
YOU ARE READING
Secret Love
RomanceJade Tanchingco and Althea Guevarra are best of friends since childhood. They grew up together, went to the same school, shared an apartment, they are inseparable. Unbeknownst to Althea, Jade is in love with her since time immemorial which she kept...