(WARNING: MATURE CONTENT)
"Jade, hinahanap ka ni Althea, bigla ka nalang kasi nag disappear kanina sa reception, okay ka lang ba?" Sambit ni Batchi pagkapasok sa loob ng kotse.
"Honestly Batch, I'm not okay" I replied in a bit shaky voice.
"Why? Is there something wrong? Nag away ba kayo?"
"No, hindi kami nag away, it's just that I can't take it anymore" Sagot ko at kumawala na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Teka dude naguluhan ako, bakit ka umiiyak?"
"I'll tell you everything pagdating natin sa ating pupuntahan"
It was the night of Althea's wedding when I told Batchi everything. Sa buong grupo siya kasi ang pinaka closed ko aside from Althea. Siya yung tipo ng kaibigan na laging nandiyan pag kailangan mo nang kausap at nakikinig lang sa sasabihin mo nang walang panghuhusga. Madali kaming magkaintindihan, at nagkakasundo sa halos lahat ng bagay, dahil na rin siguro sa pareho kami ng sexual preference. Ang pagkakaiba nga lang sa aming dalawa, she's an out lesbian, samantalang ako ay closeted at discreet. Pero nang ipinagtapat ko sa kanya na kagaya niya ako, di na ito nagtataka. Dinala ko siya sa abandonadong football field para makapag usap kami ng masinsinan. Sa mga oras na yun ay para na akong sasabog sa sakit na nararamdaman ko at kailangan ko nang taong mapagsasabihan at alam kong si Batchi lang ang makakaintindi sa akin.
"Alam mo dude, matagal ko nang napansin na may pagtingin ka kay Althea" Saad ni Batchi sabay tungga ng hawak na beer.
"Talaga? Paano mo napansin?"
"High school pa lang tayo napansin ko na iba talaga yung tingin at pagtrato mo sa kanya eh, may something."
"Im inlove with her Batch, ten years old pa lang kami. Una ko pa lang siyang nakita, minahal ko na siya."
"Talaga? So all those years inlove ka sa kanya, at hindi mo talaga nagawang sabihin sa kanya ang nararamdaman mo hanggang ngayon? Paano mo natiis yun dude?"
"Ayoko kasing masira ang friendship namin, natakot ako na kapag sinabi ko sa kanya na mahal ko siya higit pa sa isang kaibigan ay baka layuan niya ako."
"Eh malay mo naman mutual din yung feelings niya"
"I don't think so Batch, my bestfriend is straighter than her hair, ni hindi nga niya pinatulan si Cathleen noon diba?"
"Eh iba naman si Cathleen, at iba ka rin, malay mo hindi lang talaga niya type si Cathleen, at malay mo kung sinabi mo noon yung nararamdaman mo ikaw pala yung type niya."
"Hindi Batch, na confirmed ko na mahal ako ni Althea bilang bestfriend lang, kaya nga diba na inlove siya kay Paolo at pinakasalan niya dahil straight siya."
"Hays,, so anong balak mo ngayon?"
"Aalis ako Batch, the day after tomorrow"
"What? Saan ka pupunta?"
"Sa America, doon ako mag move on at magsisimula, kasi hindi ko kayang makita si Althea na pagmamay-ari na ng iba, ang sakit Batchi. Kahit anong pilit kung maging masaya para sa kanya pero hindi talaga, nadudurog ang puso ko knowing na wala na akong pag asa sa kanya."
"Naintindihan kita dude, kahit ako hindi ko kakayanin kung sakaling sa akin mangyari yun"
"Salamat Batch, pero meron sana akong hilingin na favor sayo"
"Ano yun?"
"Wag mong sabihin kay Althea ang pinag usapan natin"
"Sure dude makakaasa ka"
YOU ARE READING
Secret Love
RomanceJade Tanchingco and Althea Guevarra are best of friends since childhood. They grew up together, went to the same school, shared an apartment, they are inseparable. Unbeknownst to Althea, Jade is in love with her since time immemorial which she kept...