SL 15

2.4K 109 15
                                    

LDR

It's been a week since Althea and I became official. At wala nang mas sasaya pa sa mga araw na magkasama kami ng babaeng pinakamamahal ko dito sa aming munting paraiso. Bukas ay babalik na kami ng Manila. Habang dumadaan ang mga araw ay lalong tumitindi ang pagmamahal ko sa kanya na tila ayaw ko nang bumalik ng Maynila at gusto ko nalang manatili sa islang naging saksi ng lahat ng kaganapan sa aming dalawa. I am in pure bliss at walang araw na hindi kami nagniniig ng bestfriend ko na ngayon ay kasintahan ko na. Lalong gumanda ang isla dahil dito nabuo ang isang napakagandang kaganapan sa buhay ko kasama pinakamamahal ko.

"Hmm, ang lalim yata ng iniisip ng mahal ko?" Tanong niya sabay halik sa balikat ko. 

Magkayakap kami habang nakahiga sa sahig ng kwarto. Kakatapos lang naming pinagsaluhan ang isa na namang maiinit na lovemaking. Ayaw naming magising ang bata na mahimbing na natutulog sa kama kaya we have decided na maglatag nalang ng kutson sa sahig. Pareho pa kaming walang saplot sa katawan at tanging kumot lang ang nakatakip sa aming kahubdan.

"Iniisip ko lang love...gusto ko kayong isama ni Mira sa Amerika kapag bumalik ako doon, pero naisip ko paano ang pag aaral mo, konting panahon nalang at matatapos mo na ang kursong abogasya."

"Konting tiis nalang love, isang taon nalang at ga-graduate na ako" Tugon naman niya.

"Ibig mong sabihin pumapayag ka na isama ko kayo sa U.S.?"

"Oo naman, siyempre gusto kong magkasama tayo...ayoko nang magkalayo pa tayo nang matagal Jade"

"Ako rin love, ayoko nang malayo pa sa'yo, sa inyo ni baby. Kung pwede nga lang pabilisin ko ang panahon para maka graduate kana eh gagawin ko, para magkasama na tayo."

Pumaimbabaw ang katahimikan bagama't makayakap pa rin kami at kapwa nagpapakiramdaman hanggang sa magsalita ulit ito.

"Love, paano ang mga pamilya natin at mga kaibigan? Paano natin sabihin sa kanila ang tungkol sa atin? Ano kayang magiging reaction nila?"

"Don't worry Thea, alam kung maiintindihan nila tayo. In due time sasabihin natin sa kanila ang tungkol sa atin."

"Paano kung hindi nila matanggap itong relasyon natin?"

"Ipaglalaban ko ang relasyon natin kahit anong mangyari, kahit hindi nila matatanggap, ang importante mahal natin ang isat-isa at magkasama nating harapin to Thea."

"I love you Jade"

"I love you more mahal ko"

At muli ay naglapat ang aming mga labi at muling pinagsaluhan ang isang mainit na halik na naging daan para magising na naman ang aming pagnanasa sa isat-isa. Ilang sandali pa ay naging iisa na ang aming mga hubad na katawan at muling maririnig sa buong kwarto ang mga mahihinang halinghing dulot ng sukdulang kaligayahan.

I woke up alone in our room, wala si Althea at Mira. Marahil ay nasa labas na ang mga ito. Nasa sahig pa rin ako at tanging puting kumot lang ang nakatakip sa aking katawan. Napangiti ako nang maalala ko ang mga kaganapan kagabi. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kaming nag make love ni Althea, pero parang laging first time ang pakiramdam. Kahit ilang beses naming gawin yun ay hindi ako magsasawa. Nang bumangon ako ay nakita ko ang isang note sa gilid ng maliit na table. Mahal ko maglalakad lang kami ni Mira sa tabing dagat, pag nabasa mo ito sumunod ka, gusto ko doon na tayo kakain ng agahan...Althea. Napangiti ako pagkatapos kung basahin ang note galing kay Althea. Agad akong nagtungo ng banyo para mag ayos sa sarili.

Paglabas ko ng cottage ay kaagad kung natanaw sila Atlhea at Mira na nakaupo sa buhangin sa tabing dagat. May mga pagkain na din na nakalatag, napalingon siya sa gawi ko at agad na kumaway sa akin.

Secret LoveWhere stories live. Discover now