SL 17

2.4K 93 10
                                    

DATE AND MAKE UP

Kahit gustong gusto kung makatabi si Althea sa pagtulog pero wala akong magawa dahil alam kung nagtatampo pa rin ito sa akin. Inaamin ko, kasalanan ko naman at kahit sino ang nasa kalagayan niya ay sasama talaga ang loob. Kailangan ko siyang suyuin at kahit paulit ulit ko siyang ligawan at suyuin ay gagawin ko, maiparamdam ko lang sa kanya na siya lang ang bukod tanging babae na minahal ko.

Kinabukasan ay maaga akong gumising, I have a plan in mind, babawi ako kay Althea. Pagkatapos kung maligo ay nakita kong tulog pa rin ang mag ina kaya dahan dahan akong lumabas ng kwarto. Naabutan ko ang ina ni Althea sa may kusina kasama ang katulong nila na nag hahanda sa pagluluto. I volunteer to cook for our breakfast na sinang ayunan naman kaagad ng kanyang ina. Pagkatapos kung magluto ay kaagad akong lumabas at nagpunta sa pinakamalapit na flower shop. As usual I choose different kinds of flowers and have it arrange beautifully para sa pinakamamahal kung girlfriend. 


| ALTHEA |

When I woke up the next morning ay kaagad na tiningnan ko ang couch kung saan natulog si Jade, pero wala na ito doon. Bigla akong nalungkot nang maalala ko ang nangyari nung nagdaang gabi. Inaamin ko na sumama ang loob ko sa kanya dahil sa nalaman ko. I was hurt, dahil may ibang babae pala ang nagpapasaya sa kanya sa kama bukod sa akin, at ang lalong ikinasama ng loob ko ay hindi niya ito naipagtapat sa akin. I was threatened dahil ang babaeng kaulayaw niya ay ang babaeng naging dahilan ng kanyang tagumpay at pag angat sa buhay. Bigla akong nanliit sa kaisipang yun. Hindi ko matatapatan ang ginawa ni Bianca. Ang tanging kaya ko lang gawin ay ang alagaan at mahalin si Jade ng buong puso. Habang nag iisip ako nang malalim ay napansin ko naman ang isang kumpol ng mga bulaklak na nakalapag sa may bed side table. May kasama itong maliit na note. Biglang sumilay ang ngiti ko nang mapagtanto ko kung kanino galing ang bulaklak at sulat.

"Mahal ko, sana nagustuhan mo ang mga bulaklak. I'm really sorry for not telling you about me and my business partner. Maling mali ako dun. But believe me, hindi ko sinasadya yun. I want you to know na  wala pa akong sobrang minahal na tao sa buong buhay ko maliban sayo. I love you more than my life. Mahal na mahal kita, at ikaw lang.

P.S. I cook breakfast for us, please let's eat together and please forgive me. I'm inside our sanctuary(your old playhouse) waiting for you and Mira"

Love, 

Jade

Napangiti ako pagkatapos kung basahin ang sweet note ni Jade. Halos lumundag sa tuwa ang puso ko sa mga effort na ginagawa niya. Sobrang kinikilig ako at biglang naglaho ang lahat ng tampo at agam agam sa puso at isipan ko. Agad akong pumasok ng banyo at nag ayos ng sarili. Paglabas ko ay tamang tama at gising na rin si Mira. Kaagad kung binihisan ang bata at pagkatapos ay lumabas na kami ng bahay. Sa bungad pa lang nang pintuan ng play house ay naamoy ko na ang masasarap na pagkain. Nakita ko ang isang maliit na dining table na naka set sa may gitnang bahagi ng maliit na bahay. May nakalagay na tatlong pinggan at mga kubyertos. May nakalapag na ring mga pagkain at dalawang coffee mug. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa amin si Jade.

"Good morning love, good morning baby" Malambing na bati nito sa amin pagkatapos ay binigyan kami ng halik sa pisngi.

"Good morning" Tipid kung tugon, dahil sobra akong kinikilig.

"Halika na love upo na kayo, nagluto ako ng masarap na breakfast" Saad nito at iginiya niya kami sa upuan. 

Pina upo niya si Mira sa baby chair nito at nilagyan ng pagkain ang maliit niyang pinggan. Two years old na si Mira kaya kahit paano ay marunong na itong kumain mag isa. Pagkatapos niyang asikasuhin ang bata ay nilagyan naman niya ang piggan ko ng pagkain at ng fresh orange juice ang baso ko. Simpleng gesture na ginagawa niya pero napaka sweet para sa akin. How can I be mad at her kung laging ganito ang ginagawa niya? 

Secret LoveWhere stories live. Discover now