SL 14

2.5K 130 17
                                    

UNLEASH HIDDEN DESIRE


WARNING: MATURE & EXPLICIT CONTENT, PLEASE DON'T READ IF YOU'RE BELOW 18

| ALTHEA |

Ang sarap sa pakiramdam na magmahal ulit lalong lalo na kung mahal ka rin nung taong nagpapatibok ng puso mo. It's been a long time since I felt this way, it was the time na nainlove ako kay Paolo but this time mas intense ang nararamdaman ko, mas kakaiba. With Jade, mas masarap sa pakiramdam at mas nakaka inspired dahil pinaparamdam niya sa akin na ako ang pinaka importanteng tao sa buhay niya. Yung kabog ng dibdib ko kapag nakikita ko siyang nakangiti, yung kasiyahang bumabalot sa pagkatao ko kapag magkasama kami, yung init at pagnanasang nararamdaman ko kapag magkayakap at magkahalikan kami ay kakaiba. Hindi kayang pantayan nang mga yakap at halik ng dati kung asawa ang nararamdaman ko kapag si Jade ang kaulayaw ko. I can't explain the happiness I felt every time Jade kiss and touch me. And I'm more than willing to submit myself to her. Alam kung nabitin siya kanina sa naudlot naming pagniniig, pero babawi ako, I promise to myself na paliligayahin ko siya. 

Buong araw ay nasa loob lang kami ng cottage nagkukulitan kasama si baby Mira. Habang tumatagal ay lalo itong napalapit kay Jade. May mga time na mas gusto pa nitong makipaglaro kay Jade kaysa sa akin. Nagiging spoiled na ito sa huli at mas nakakatuwa pa dahil tinatawag niya itong momma. Alam ko rin kung gaano kamahal ni Jade ang anak ko, at nagpapasalamat ako dahil tinuturing niya itong tunay na anak. Alam kung kapag dumating ang araw na magsasama na kami ay magiging mabuting ina at asawa ito, kabaligtaran nang yumao kung asawa. Bigla akong kinilig sa mga naisip ko. I can see myself being Jade's other half, wala na akong ibang nakikitang gusto kung makasama habang buhay kundi si Jade lamang.

Kinagabihan ay maagang nakatulog si Mira, napagod ito sa kakalaro buong maghapon. Habang naliligo si Jade sa banyo ay abala naman ako sa pag set ng table sa may terrace. Gusto kung maging espesyal ang dinner naming dalawa. Nagluto ako ng mga paborito niyang food, naglagay din ako ng mamahaling wine at kandila. The table is all set at sakto naman ang paglabas niya galing kwarto. She looks so hot sa suot na white robe at medyo basa pa ang kanyang buhok. Di ko na naman mapigilang matulala sa kanyang kagandahan

"Wow, this is amazing love!" Sambit niya na ang tinutukoy ay ang candle light dinner namin sa terrace. Excitement was written all over her face habang pinagmamasdan ang setting ng table.

"Do you like it?" Tanong ko.

"I love it! Thank you love" Tugon naman niya sabay halik sa lips ko.

"This is all for you love, I want it to be special just for you" Paliwanag ko habang nakatitig sa kanya. Bigla namang namumuo ang kanyang luha, pero nangingibabaw pa rin ang kaligayahan sa kanyang mukha.

"I love you" tugon niya sabay yakap ng mahigpit sa akin.

"I love you too, halika let's eat na, I know gutom ka na"

The dinner went well, walang kasing tamis ang mga sandaling kasama ko siya sa espesyal na hapunan. Wala kaming ginawa kundi mag subuan, at magpalitan ng mga matatamis na salita. Pagkatapos ng hapunan ay nag volunteer si Jade na magligpit ng pinagkainan habang ako ay pumasok na nang banyo para maligo. Habang nasa loob ng shower ay di ko maiwasang mag isip nang mga maaring mangyayari sa amin sa gabing ito. This is our first night bilang magkasintahan and I can't contain the happiness and excitement. Ngayon lang ako na excite nang ganito and it's because of Jade. Medyo kinakabahan ako dahil first time kung makipag make love sa babae kung sakali, pero nangingibabaw pa rin ang excitement ko dahil matagal na ring panahon na wala akong kasiping. Paglabas ko nang banyo ay kaagad akong pumunta sa closet. I've come up with a naughty idea. I have to seduce her more. Kailangang seductive ako sa paningin niya kaya I chose to wear a thin black sando and black lacey undies. A smile formed in my lips when I peek myself in the mirror.

Secret LoveWhere stories live. Discover now