SL 4

1.9K 72 8
                                    

GOODBYE DOESN'T MEAN FOREVER


"Congratulations to both of you! We're so proud of you sweethearts" Masayang bati ng aming mga magulang.

It was our college graduation. Isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko, hindi lang dahil tapos na kami ng pag aaral kundi iyon ang pinakamasaya at pinaka mahabang oras na nagkasama kami ng bestfriend ko.

"Thank you po!" Halos sabay naming tugon ni Thea.

"Mga dude, congrats sa ating lahat!" Bati naman ni Batchi.

"Thank you Batch, congrats sa ating lahat, finally!" Saad ko.

"So ano, tuloy ba celebration natin?" Tanong ni Batchi.

"I think we should celebrate tomorrow, invite ko kayong lahat sa aming farm sa Quezon" Cathleen added.

"Sure! Go kami diyan" Halos sabay naming tugon nila Batchi at Althea.

"Ahmm, Babe can I invite you for a dinner with us, may salo salo kasing inihanda ang pamilya ko sa bahay" Si Paolo.

"Ahm, excuse me, I think may celebration din sila Althea with her parents, kailangan mo talagang singitan ang pamilya niya?" Sarcastic na saad naman ni Cathleen, at bigla kaming natahimik dahil sa namumuong tensiyon sa pagitan ng dalawa.

"Bakit kaba sumisingit Cathleen? Ikaw ba ang mag desisyon para kay Althea?" Sabat naman kaagad ni Paolo.

"No, but feeling mo mas importante ka kaysa sa pamilya ni Thea? Excuse me boyfriend ka lang at hindi ka asawa, kaya wag kang umasta diyan na parang pagmamay-ari mo siya, may pamilya din siyang naghihintay" Mataray na sagot ni Cathleen.

"Guys please, wag naman kayong mag away, graduation natin ngayon wag natin sirain ang moment na to. Pao, sa susunod na araw na lang tayo mag celebrate okay, kasi tonight I'm going to celebrate it with my family, at pagkatapos nun ay may lakad kami ng bestfriend ko" Paliwanag ni Althea sabay tingin sa akin.

Parang gusto ko ng lumundag sa sobrang tuwa sa mga sinabi ni Althea. As she promised me before she will spend time with me alone pagkatapos ng graduation.

"Okay babe, kung yan ang gusto mo, sige sa ibang araw nalang" Dismayadong tugon ni Paolo, sabay halik sa pisngi ni Althea at pagkatapos ay umalis na rin ito papunta sa kanilang sasakyan.

Nakangiting wagi naman si Cathleen habang sinundan ng tingin si Paolo.

"So Thea, Jade and Batchi, susunduin ko kayo bukas ng 10 am ha, just bring clothes at ibang personal na mga gamit dahil baka mga ilang araw tayo dun. I'll promise mag e enjoy kayo doon sa farm." saad ni Cathleen.

"Okay Cath" Sabay naman naming tugon.

Nang gabing yun, ay napagpasyahan nang mga parents namin na mag joint celebration. Kumain kami sa isang mamahaling resto kasama ang parents at kapatid ko at parents ni Althea. Masaya kaming nagsalo-salo at nagkuwentuhan tungkol sa mga career na tatahakin namin ni Althea. Dahil accounting graduate siya, she wants to work in an accounting firm while pursuing her dreams of becoming a lawyer. Bale gusto niya magtrabaho at the same time mag aral ng abogasya. At ako bilang business management graduate, ay gusto kong magwork sa company ng daddy ko while pursuing a master's degree. Actually wala na talaga akong balak mag aral uli, pero dahil napag-alaman kung mag aaral ulit si Althea ay yun din ang gagawin ko at kung saan siyang university mag enroll ay doon din ako para magkasama pa rin kami. Lahat ng aming plano ay suportado ng aming mga pamilya na labis naming ikinatuwa. 

Secret LoveWhere stories live. Discover now