SL 29

1.8K 73 11
                                    

IN HEALTH AND IN SICKNESS


"Kumusta kayong dalawa?" Nakangiting tanong nito.

"We're good, it's nice to see you too" Sagot ko.

Napansin ko na medyo nag aalangan si Althea na nakatingin sa babaeng kausap namin. I know naiilang siya dahil sa nangyari noon sa pagitan niya at ng pamilya ni Cathleen. Pero parang wala akong maaninag na pagkailang o galit man lang sa mukha ng aming kausap.

"P..please have a sit, join us" Tugon ko

Agad namang umupo ang babae sa bakanteng upuan na kaharap namin. Bahagya itong sumulpyap kay Althea at Mira.

"Thanks, ahmm, hi Althea, how are you?" Tanong nito sa asawa ko.

I'm..I'm good Cassy, ikaw kumusta?" Sagot niya at nandun pa rin ang pagka ilang.

"I'm doing fine... uhm..Althea I would like to apologize to you, sa ginawa ng pamilya ko sa tatay mo noon at sa...paninisi nila sayo sa nangyari sa kapatid ko" Puno ng senseridad nitong sabi.

Bahagyang natigilan si Althea. Medyo nag iba ang expression ng mukha niya. May lungkot sa mga mata nang maalala na naman ang nakaraan. Dahan dahan itong nag angat ng mukha at masinsinang tumingin kay Cassy.

"It's okay, nakalipas na yun, at hindi ko rin naman masisisi ang pamilya mo noon. Hindi kasi biro ang mawalan ng mahal sa buhay. I'm sorry din, nang dahil sa akin ay nawalan ka ng kapatid" Mahina at puno ng senseridad din na tugon ni Althea

"No Althea, hindi mo kasalanan, and I just want you to know na hindi kita sinisisi sa pagkawala ni Cathleen. Yes masakit ang nangyari sa kanya, she's my only sister, pero walang may gusto sa pagkamatay niya"

"Thank you Cassy..it..it means a lot to me, knowing na hindi ka pala galit sa akin"

"How can I be mad at you, as what I've said hindi mo kasalanan. Anyway, I'm happy to see you both"

"Hey, why don't we have a little drink, I'll order a fine wine for us" Pag iiba ko sa usapan nila.

"Sure" Sagot naman ni Cassy.

Agad kong tinawag ang aming waiter at umorder. Maya maya pa ay pinagsaluhan na naming tatlo ang isang bote ng mamahaling red wine habang masaya kaming nag uusap. Nawala na rin ang awkwardness between Cassy and my wife. Naging relax na si Althea habang nakikipag kwentuhan sa kay Cassy.

"So, are you guys here for vacation?" Tanong niya.

"Here in California yes, but we're already a resident in Nevada, Caliente to be exact" Althea answered her.

"Ohh..so the..the two of you ay mag..?"

"We're married a year ago" Tugon ko

Rumihistro sa mukha niya ang pagkagulat na parang hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Pero agad ding sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"You mean, you two are...couple?" Mangha niyang tanong.

"Yes, we are and this is our baby" Paliwanag naman ni Althea habang karga ang natutulog na si Mira.

Medyo nanlaki ang kanyang mga mata sa mga narinig na rebelasyon pero nakangiti itong nakatingin sa aming tatlo.

"Oh my, so kayo pala ang nagkatuluyan? Wow, I'm happy for both of you. Pero diba may boyfriend ka dati Althea..how come?"

"Yes, in fact I was married to him, but he died 3 years ago" Paliwanag naman ni Althea.

"Ohh..so..sorry to hear that"

Secret LoveWhere stories live. Discover now