SL 12

2.2K 95 10
                                    

THIS LOVE FEELS LIKE HEAVEN

"I'm sorry Thea kung feeling mo na pinapangunahan kita sa mga desisyon at diskarte mo sa buhay. I should not do that. And I'm sorry kung nilihim ko ito sayo" Mahinahon kung sabi habang magkayakap pa rin kaming nagsasayaw.

"Sssh, let's not talk about that Jadey, e enjoy nalang muna natin ang moment na to" Bulong niya.

Patuloy kaming sumasabay sa tugtog. Ini enjoy ang bawat segundo habang magkayakap. Pareho kaming nakapikit at dinadama ang bawat galaw ng aming mga katawan. Para akong idinuduyan sa mga sandaling yun. Her warmth and heavenly smell washes away my pain. I was in a trance for moment. Nang matapos ang tugtog ay hinawakan niya ang kamay ko ay iginiya patungo sa sopa. 

"Maupo ka muna diyan, may kukunin lang ako sa kusina." She said at pagkatapos ay tumalikod na papuntang kusina.

Ilang saglit pa ay bumalik na ito bitbit ang isang bote ng Cabernet Sauvignon  red wine at dalawang kopeta. Pagkalapag niya ng alak ay agad itong nagsalin sa dalawang kopeta.

"Let's drink" Saad niya sabay bigay sa akin ng alak.

"Thanks"

Halos sabay naming tinungga ang alak. At nagsalin ulit ng pangalawa. Naka upo siya sa kaharap kong couch, at kita ko ang mga mapupungay niyang mata. Wala ng inis o galit ang mababanaag kagaya nung bago kaming dating dito sa isla. Bumalik na ang dating Althea. Pagkatapos uminom ng pangalawang baso ay malamlam ang mga matang nakatitig ito sa akin.

"So, kailan mo na confirm na inlove ka sa akin?" Sabi nito na bahagyang nakangiti at walang bahid ng awkardness ang makikita sa mukha 

Bigla namang nag init ang aking pisngi sa kanyang sinabi, agad akong nagsalin at kaagad nilagok ang alak bago sumagot.

"Since the first time I saw you, remember? Nung 10th birthday ko?"

"Wow, that was a long time ago" She said and slightly chuckled.

"Yeah" Ang tanging nasabi ko, sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Anong nagustuhan mo sa akin?"

"Everything"

"So nung hinalikan kita noon sa lips nung mga bata pa tayo, may malisya na yun? Nanunukso niyang sambit, habang nakangiti. 

"Hmm, siguro, kasi sobrang kinikilig ako nun eh, di kaya ako nakatulog kinagabihan after nung kiss" Masigla kung tugon at sabay pa kaming nagtawanan.

Habang tumatagal ay unti unting nawala yung awkwardness sa pagitan naming dalawa. Naging kumportable at masaya ang pag uusap namin habang nag iinuman. Kinuwento ko sa kanya kung gaano ako nagseselos everytime may umaaligid sa kanya noong highschool pa lang kami at kung paano ko siya binabakuran. Habang nagkukuwento, I saw amusement at pagka kilig sa mukha ni Althea at di ko maiwasang kiligin din sa kanyang mga reaction.

 Napasarap ang aming usapan kaya hindi na namin namalayan ang oras. Alas dos na nang madaling araw nang mapag pasyahan naming pumasok na sa kwarto. As usual pinagitnaan namin si baby Mira na sobrang himbing ng tulog. Kiniss pa namin ito bago kami humiga.

"Good night Jade" Halos pabulong na sambit ni Althea.

"Good night. Thank you for tonight Thea, ang saya ko" Malumanay ko namang tugon.

"Wala yun, masaya din ako Jade"

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Tulog pa si Althea at Mira kaya napagpasyahan kung mag jogging sa tabing dagat. Bago umalis ay nag iwan ako ng note para kay Althea upang paggising niya ay hindi ito magtaka na wala ako. Nilagay ko ito sa bed side table na nasa tabi niya. Habang tumatakbo ako ay nakikita ko ang mga magagandang tanawin sa isla. Maraming mga tanim na ibat ibang halaman at bulaklak ang aking nadaanan. Halata na inaalagaan nang husto nang caretaker ang isla na ito. Habang pabalik na ako ay naisipan kung mamitas ng bulaklak para ibigay kay Althea. Pumitas ako ng tatlong ibat ibang klaseng bulaklak. Pagbalik ko sa cottage ay naabutan ko si Althea na abala sa pagluluto sa kusina. She was wearing a loose white shirt na kita ang shoulder blade and cotton short at naka messy bun ang buhok. Damn, she looks so hot. Hindi ko maiwasang hagurin siya ng tingin mula ulo hanggang paa, what a beautiful sight. Hindi ko namalayang nakaharap na pala ito sa akin.

Secret LoveWhere stories live. Discover now