THE WEIRDOS
Pagkatapos ng oath taking ni Althea bilang ganap na abogado ay naging abala na ito sa kanyang unang hawak na kaso. Dahil isa siya sa topnotchers sa buong Pinas ay dumagsa ang offer sa kanya. Kaliwat kanang mga malalaking law firm at establishments ang nag offer ng magagandang opportunity sa kanya, pero mas pinili niyang umanib sa law firm ng ama ng kanyang mga kaibigang kambal. Malaking law firm at kilala ang Zobel Law & Associates sa husay at galing nitong humawak ng ibat ibang kaso whether corporate or private cases. Naging abala din ako sa kompanya ko at ibang mga negosyo but I made sure na magkakaroon kami ng time ni Althea sa isat isa. Kapag hindi ako busy ay ako mismo ang naghahatid at sumusundo sa kanya.
Sa paglipas ng mga araw ay lalong nagiging weird ang mga kinikilos ng kanyang kambal na ka partner sa kaso. Madalas ay inaaya ng dalawa na mag night out si Althea pagkatapos ng kanilang trabaho, madalas naman itong tinatanggihan ni Althea dahil mas gusto nitong umuwi na lang para makasama ako at si Mira. Lagi ding nagpapadala ng bulaklak at kung ano anong regalo ang magkapatid which I find weird dahil halos pareho ng regalo at klase ng bulaklak ang pinapadala nila. Hindi naman ito tinatanggihan ni Althea, pero alam kung naiilang siya dahil nag alala ito sa magiging reaction ko. I admit, naiirita ako at nagdududa sa motibo ng magkapatid pero hindi ko ito pinapahalata kay Althea. I prefer to be more understanding dahil alam kong nirerespeto ni Althea ang dalawang kaibigan bilang ka partner at anak ng kanyang amo. Lumaking mabait at respectful si Althea at never itong nagiging rude sa kahit kanino, kaya kahit naiilang ay di nito magawang tanggihan at prangkahin ang dalawa.
Minsan isang gabi ay pinagbigyan niya ang alok ng mga ito. Sumama siya na mag night out para naman walang masabi ang dalawa at para na rin makapag unwind sila from the challenging and stressful case na hawak nila. Pumunta sila sa isang exlusive bar. Althea texted me the exact address ng bar at sinabing magpapasundo siya sa akin after nilang mag unwind. Kagaya ng napagkasunduang oras ay pumunta na ako sa sinabing bar ni Althea. Exactly 12:00 midnight ay narating ko ang establisment. Ang bar ay nasa tuktok ng isang mataas na building at overlooking ang buong city. Isa itong first class bar na ang concept ay originated from New York's night life district. Nang marating ko na ang floor kung saan nandoon ang kinaroroonan ng bar ay napatingin ako sa paligid at di ko maiwasang humanga sa kapaligiran. The bar is really for people who belongs to the high class society. I tried to call Althea's phone para ipaalam dito na nandito na ako sa floor ng bar pero hindi niya ito sinasagot, kaya napag desisyunan ko na pumasok na lang.
Pagkapasok ko sa entrance ng bar ay kaagad kung sinuyod ng tingin ang buong kapaligiran upang hanapin ang kinaroroonan ng girlfriend ko. The bar has minimal lightings, minimal lang din ingay ng music. May tatlong musician sa stage na ang mga tinutugtog ay pawang jazz music. The inside interior of the bar is superb, at hindi din crowded ang lugar. I was scanning the whole place nang may mahagip ang mga mata ko at kaagad na kumalabog ang dibdib ko sa kaba. Sa isang sulok ng bar na hindi matao ay nandoon sila Althea at ang dalawang kasama nito. Nakita kong nakayapos si Tara kay Althea, nakapikit ang mga mata ng girlfriend ko at nakasandal na ito sa upuan at sa isang tingin ay parang lasing na ito. Nakatingin si Tara sa camera phone at pagkatapos ay ginawaran niya ng halik sa pisngi si Althea habang ang kakambal naman nitong si Tim ay kumukuha ng video sa dalawa. The scenario is weird, medyo na alarma ako sa aking nakita kaya agad agad akong lumapit sa kinaroroonan nila.
"What do you think you're doing to her?" Kalmado pero seryoso kong sabi sa dalawang kasama ng girlfriend ko.
"Hi Jade" Nakangiting bati ni Tara at kaagad namang inihinto ni Tim ang pagvi-video sa dalawa.
"We're just having fun, do you want a drink?" saad ni Tim na parang walang nangyari.
"No thanks, I just want to take Althea home" Seryoso kung tugon at kaagad ay inalalayan kung tumayo ang girlfriend ko. Nagmulat naman ito nang mata at sumilay ang ngiti nang maaninag niya na ako ang umalalay sa kanya. Nang makatayo na ito ay agad na yumapos sa akin at isinandal ang ulo sa balikat ko.
YOU ARE READING
Secret Love
RomanceJade Tanchingco and Althea Guevarra are best of friends since childhood. They grew up together, went to the same school, shared an apartment, they are inseparable. Unbeknownst to Althea, Jade is in love with her since time immemorial which she kept...