I AM HER SUPERHERO
June 2001
"Thea, halika na dalian mo, nandito na sila Jade" Sigaw ng mama ni Althea.
Maya maya pa ay bumaba na si Althea at nakasuot na ito ng kanyang school uniform habang bibit ang bag.
Napagpasyahan niya na pumasok sa paaralan na pinapasukan ko para maging magkaklase daw kami.
Simula nung araw kung saan una kaming nagkakilala ay hindi na kami halos mapaghiwalay. It's like she's a part of me that I can't live without. I became her playmate, classmate and sleeping buddy. Madalas akong natutulog sa kwarto niya at kung hindi naman ay siya ang nakikitulog sa kwarto ko, since magkalapit lang ang mga bahay namin. At kapag nasa loob kami ng aming munting sangtuwaryo ay may sarili na kaming mundo na parang kami lang dalawa ang taong nag e exist sa mundo. Tuwang tuwa naman ang aming mga magulang sa closeness naming dalawa. Kapag nagpapaalam ako na pupunta sa bahay nila Althea ay walang pag aalinlangan nila akong pinapayagan at ganoon din ang parents niya. Sabi nila para daw kaming kambal na hindi magkamukha, magkadikit ang bituka, kung nasaan siya ay nandoon din ako. Kapag may sakit ang isa sa amin ay di pwedeng wala ang presensiya ng bawat isa. Halos lahat din ng bagay ay magkahati kami; sa laruan, pagkain, at sa damit. Kung anong meron siya, she happily shared it with me at ganoon din ako.
"Hi Thea, tara na para di tayo ma late sa school" Nakangiti kong bungad sa kanya.
"I'm excited Jadey, kasi magkaklase na tayo." Nakangiti niyang sabi.
"Ako din Thea, at pangako ipapasyal kita sa buong school at ipakilala sa mga kaibigan ko.
Pagkatapos ay magkahawak kamay kaming naglakad papuntang sasakyan namin.
Sa unang araw niya sa school ay marami kaagad ang nakapansin sa kanya, dahil bukod sa maganda na, mabait at matalino pa. Ako naman ay panay ang bakod dito. Sa di malamang dahilan ay nagseselos ako kapag may lumalapit at nakikipag kaibigan sa kanya, ma babae man ito o lalaki. Pero hindi ko ito pinapahalata sa kanya, nakapangako ako na ipapakilala ko siya sa mga kaibigan ko. Pero hindi ko maiwasan ang sarili ko na mainis sa tuwing maagaw ng iba ang atensiyon niya. Ako din ang tagapagtanggol dito kapag may umaaway o nambu-bully sa kanya.
"Thea, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Nagaalala kung tanong habang niyakap ko siya.
Nakaupo ito sa bench sa ilalim ng punong kahoy na malapit lang sa aming silid aralan. Nakita kung may dumi sa kanyang uniform at may konting galos ito sa kanyang siko.
"Tinulak kasi ako nila Emily yung kaklase nating mataray" Pagsusumbong nito habang pinahid ang kanyang mga luha.
"Loko yun ah, hayaan mo yun Thea, naiinggit lang yun kasi ikaw nag top sa klase natin at naungusan mo siya" Pag aalo ko habang pinunasan ko ang dumi sa kanyang uniform gamit ang aking panyo.
"Sabi pa niya, aabangan daw nila ako mamaya at bubogbugin"
"Ano?
"Oo Jadey, kaya natatakot ako"
"Wag kang matakot, nandito ako, akong bahala, I promise, hindi kana nila masasaktan pa"
Pagkatapos ng klase, ay magkaakbay kaming lumabas ng paaralan. Nakita namin ang kaklaseng nagtulak sa kanya kasama ang dalawa pang kaibigan nito, na nakaabang sa may gilid ng entrance. Kaagad ay naramdaman ko ang panginginig ng kamay ni Althea. I squeezed her hand to give her assurance that I'll protect her and no one can hurt her anymore. Nang makita nila kami ay kaagad lumakad sa kinroroonan namin ang tatlo, ngunit bago pa man sila tuluyang makalapit ay hinarang ko ang mga ito at isa-isang sinapak, dahil mas matangkad ako sa kanila at mas malakas ay agad bumulagta sa lupa ang tatlo. Nakita kung nanlaki ang mata ni Althea sa pagkagulat dahil sa nangyari. Bago pa man kami umalis ay binantaan ko ang tatlong batang babae na huwag na ulit lumapit at gambalain si Althea, kung hindi ay mas malala pa ang matitikman nilang suntok mula sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/106464961-288-k501385.jpg)
YOU ARE READING
Secret Love
RomanceJade Tanchingco and Althea Guevarra are best of friends since childhood. They grew up together, went to the same school, shared an apartment, they are inseparable. Unbeknownst to Althea, Jade is in love with her since time immemorial which she kept...