SL 11

2.3K 115 20
                                    

BURNING LOVE

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung dumating kami sa isla. Hindi pa rin ako kinakausap ng maayos ni Althea especially pagkatapos nung "muntikang pangyayari" sa terrace, she gave nothing but a cold treatment to me at parang umiiwas ito kapag magkalapit kami. But inspite of that, patuloy ko pa rin siyang sinusuyo. Araw araw ko silang pinaglulutong mag ina at binibigyan ng bulaklak tuwing umaga si Althea. Isang hapon ay naisipan kong dalhin ang bata sa dalampasigan para makalanghap ng sariwang hangin at para malibang ito. Aliw na aliw naman si Mira sa kanyang mga nakikita at gusto pa nitong tumuntong sa lupa kaya pinagbigyan ko dahil malinis naman ang buhangin. Nakasalampak kaming dalawa habang naglalaro ng buhangin nang biglang lumapit si Althea.

"What do you think you're doing?" Saad nito at mababanaag sa mukha niya ang inis.

"Naglalaro lang kami, para naman makalanghap ng preskong hangin ang bata"

"You should not do that! Paano pag napasukan ng buhangin ang mata niya? Ang likot pa naman niyan" Iritadong sambit niya.

"Althea, nandito ako, hindi ko naman hahayaang mangyari yun kay Mira, kaya relax will you?"

"Ipasok mo na siya sa loob" Walang gana nitong utos.

"Althea naman wag ka ngang kill joy..tingnan mo oh, ang saya saya ng cute na baby na to" Nakangiti kung sabi habang pinipisil ko ang pisngi ng paslit at tumatawa naman ito.

"I said ipasok mo na siya sa loob!" Singhal niya sabay karga kay Mira.

"Althea what is your problem?! Napataas na rin ang boses ko.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Gusto ko nang umuwi, kaya sana bukas pauwiin mo na kami!"

"No! Walang uuwi! Tapusin natin ang bakasyon na ito sa ayaw at sa gusto mo!"

"Pwes, manigas ka! Don't expect na maging maayos ang pakikitungo ko sayo!" Mariin niyang sambit at mabilis naglakad papuntang cottage bitbit ang bata.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa frustration. Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Hindi ko na alam kung paano ko pakikitunguhan si Althea. Nang sumapit ang gabi ay pumasok na ako sa cottage upang magluto ng hapunan. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Althea nakaupo sa couch sa may sala na tila malalim ang inisip. Bahagya pa itong tumingin sa akin, pero hindi ko nalang siya pinansin hinayaan ko nalang muna siyang mapag isa. Nagtungo ako sa kusina at nagluto ng dinner. Pagkatapos ay kumuha ako ng anim na beer in can sa refrigerator at lumabas. Umupo ako sa buhangin at nagbukas ng isang lata ng beer at kaagad itong tinungga na parang tubig. Habang umiinom ay naiisip ko ang mga kaganapan, ang cold treatment ni Althea sa akin. I felt hurt. Masakit isipin na parang wala talaga akong puwang sa puso ng bestfriend ko. Hindi ko namalayan na halos maubos ko na pala ang mga beer na dinala ko. I felt a little bit tipsy. Suddenly, naramdaman kung may bumagsak sa mukha ko na butil ng tubig. I tilt my head and the cold rain started to pour hitting my face with its raindrops. Tumingala ako sa langit at hinayaang mabasa ng patak ng ulan ang mukha ko. Parang nakiki simpatiya rin ang langit sa sakit na nararamdaman ko. I let the rain wash away my pain, and heal the bruised in my heart. Kasabay ng pagbuhos ng ulan sa kalangitan ay ang pagbuhos din ng mga luha ko. Ilang oras akong nanatili sa labas at hindi iniinda ang malakas na buhos ng ulan.

Basang basa ako ng pumasok sa loob ng cottage. Nakasalubong ko si Althea sa may pintuan at nakita ko sa mukha nito ang pag alala. Tumungo lang ako at tahimik na pumasok sa loob.

"Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinintay nag alala ako sayo!"

"Diyan lang ako sa tabing dagat" Malumanay kung sagot dahil medyo tinamaan na ako ng beer na ininom ko.

Secret LoveWhere stories live. Discover now