SL 10

2K 85 14
                                    

BENDING A STRAIGHT POLE


Recap:

I 've created a plan to bring Althea and the baby with me to a remote island with Batchi's help. I was desperate to have Althea with me for a few weeks. Gusto ko siyang masolo para makabawi ako sa kanya and to finally tell her my feelings. Alam kung hindi siya papayag kaya napag pasyahan kung daanin siya sa santong paspasan. While planning the scheme, sumagi din sa isip ko na pwede mangyari na lalo niya akong kamuhian, but I don't care anymore, I have to take my chance, I don't want to waste anymore time. Nag hire at nagbayad ako ng mga taong mapagkakatiwalaan para tumulong sa amin ni Batchi. Isang tao ang inutusan ko para tumawag at mag offer ng job interview kay Althea na kaagad naman pinaunlakan ng huli. The inteview was held in one of my secret condo unit at doon siya painumin ng juice na may halong pampatulog. While Althea was on her way to the condo, Batchi and I immediately sneak inside their house. With the consent and help of her mother, we were able to pack and sneak out Althea and Mira's clothes and everything they need for our vacation. Pagkatapos malagay lahat ng bagahe sa sasakyan ay pinadala ko na rin si baby Mira sa plane na naghihintay sa private hangar. Hanggang sa tumawag ang taong inutusan ko at nagbigay ng go signal para sunduin na si Althea.


-----------------

"You're crazy!" She harshly said before storming out of the kitchen at pumasok ulit sa kwarto. Napailing nalang ako habang nakatingin sa kanya. "This is gonna be a long bumpy ride Jade" I reminded myself.

Pumunta nalang sa ako terrace at kumain mag isa. Alam kung galit pa siya kaya hindi nalang ako nagpumilit pa. Pagkatapos kung kumain ay ibinalik ko ang mga pagkain sa kusina at tinakpan nalang ang mga ito. Maya maya ay narinig ko na umiiyak na ang baby, indikasyon na gising na ito at malamang nagugutom na kaya agad akong naghanda ng pagkain para sa kanya. I prepared rice and a little meat, veggies and soup, dahil mahigit one year na si Mira ay kumakain na ito ng solid food. Nilagyan ko na rin nang pagkain si Althea at nilagay sa tray ang mga hinanda ko para sa kanilang dalawa. Dahan akong pumasok sa kwarto dala ang tray ng mga pagkain. Nakita kung kinarga ni Althea si Mira dahil umiiyak ito. Pagkatapos ay nilapag ko ang pagkain sa maliit na table.

"Gutom na yan si baby, kaya ito nag prepare ako ng pagkain niya, dinalhan na rin kita, kaya kumain kana, ako na magpapakain kay Mira" Mulamanay kung sabi. Tinapunan niya ako ng matalim na tingin bago magsalita

"Ako ang magpapakain sa anak ko" Saad nito, galit pa rin ang tono ng boses.

"Tulungan na kita para makakain kana rin"

"Pwede ba Jade, kaya kung pakainin ang anak ko!" Singhal niya.

"Okay fine, tawagin mo nalang ako kung kailangan mo ng tulong ha, diyan lang ako sa terrace" Sabi ko at pagkatapos ay lumabas na nang kwarto

Tahimik na ang silid, siguro ay nagutom lang ang bata kaya umiiyak ito kanina. Kumuha ako ng wine sa kusina at dinala ko sa terrace at doon ay uminom akong mag isa. Dinadama ang malamig na simoy ng hangin at tunog ng alon sa tabing dagat. Habang umiinom ay inisip ko ang mga gagawin kung hakbang upang mapa amo ko si Althea. Maya maya pa ay may narinig akong kalabog sa loob ng kwarto kaya dali dali akong tumayo at pumasok sa loob. Naabutan ko si Althea na abala sa pag pulot ng mga nagkalat na pagkain at kubyertos sa sahig habang si mira na naman ay naka upo sa kama, madungis ito at may mga pagkain na niwan sa pisngi at bibig. Lihim akong natawa sa hitsura ng mag ina. 

Secret LoveWhere stories live. Discover now