SL 8

1.9K 153 12
                                    

"Anong pinagkakaabalahan mo sa labas?!! May lalaki ka ba ha?! Pinagpalit mo na ba ako?!! Sumagot ka!!"

"Paolo ano ba?! Huhuhu, nasasaktan ako!"

"Sumagot ka!! Sino yung lalaki mo at hindi kana maka pirmi dito sa bahay!!"

"Wala akong lalaki! Ano bang pinagsasabi mo! Aray! Nasasaktan ako!!"

Halos dumagundong sa kabog yung dibdib ko ng marinig ko ang sigawan at kalabog sa loob ng bahay nila Althea at Paolo. Nagkatinginan kami ni Batchi at halos patakbong pumasok sa loob ng bahay nila. Kahit hindi pa namin nakita ang pangyayari sa loob pero alam namin na sinasaktan si Althea.

Walang sabi sabi ay marahas kung binuksan ang pintuan at agad akong pumasok sa loob ng bahay nila kasunod si Batchi. Agad kumulo ang dugo ko sa naabutan kung tagpo. Putok ang labi ni Althea habang hawak siya ni Paolo leeg.

"Bitawan mo siya hayop ka!" Sigaw ko sabay tulak sa kanya

Agad na inalalayan ni Batchi si Althea na nabigla sa pangyayari at bahagyang inilayo sa lalaki.

"Wag kang makialam Jade!"

"May pakialam ako dahil bestfriend ko ang sinaktan mo!" Sigaw ko sabay suntok sa mukha niya.

"Nasa pamamahay kita! Kaya wala kang karapatan!" Ganti naman niya sabay tulak sa akin. At dahil lalaki pa rin siya at mas malakas sa akin kaya tumilapon ako sa sahig.

"Paolo ano ba, wag mong saktan si Jade!!" Sigaw naman ni Althea.

Akmang susugod si Paolo sa kinaroroonan ko pero agad itong hinarang ni Althea. Tinulak naman ng lalaki ang bestfriend ko kaya napasubsob na rin ito sa sahig. At dahil sa nasaksihan ko ay lalong kumulo ang dugo ko sa asawa ng bestfriend ko. Dali dali akong tumayo at agad sinalubong ng suntok si Paolo. Putok ang labi nito pero nakabawi ito at nasuntok din ako sa mukha dahilan upang dumaloy ang masaganang dugo sa aking labi at napasubsob ulit ako sa sahig. Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa si Batchi na may kasamang dalawang lalaking naka uniporme. Dahil sa pagkakagulo ay hindi namin namalayan na tumawag pala ito ng mga pulis.


Nasa presinto kaming apat habang isinasalaysay ni Althea sa mga awtoridad ang naganap. Sinampahan namin ng kaso si Paolo kaya sa presinto na ito matutulog dahil nasa malayo ang mga kapatid nito at kamag anak. Nalaman ko mula sa salaysay ni Althea na laging umuuwing lasing si Paolo at madalas ay inaabuso siya nito at sinasaktan kapag tumangging makipag talik sa kanya. Sa mga sandaling yun ay nagngingitngit ako sa galit kay Paolo at the same time ay awang awa ako kay Althea. Lihim akong natuwa sa desisyon ni Althea na hiwalayan na nang tuluyan ang abusadong asawa at uuwi na siya sa bahay ng kanyang magulang. Pagkatapos namin sa presinto ay agad kaming bumalik sa bahay nila upang kunin ang kanyang anak at ang kanilang mga gamit. Tinulungan kami ni Batchi sa pag impake ng mga gamit papunta sa sasakyan ko. Walang imik at tulala lang si Althea habang pauwi kami sa bahay ng nanay niya. Si Batchi ang nagmamaneho habang nasa likuran naman kaming tatlo ng Bestfriend ko at nang baby niya. Hindi ito nagsasalita at panay lang ang tulo ng luha niya. Alam kung natatakot at nasasaktan siya sa mga nangyari. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil to let her know na nandito lang ako at hindi ko sila pababayaan.

"Don't worry Thea, everything will be alright, hindi kana masasaktan pa ulit ni Paolo, pinapangako ko." Malumanay na sambit ko at pagkatapos ay masuyo ko siyang hinalikan  sa kanyang sentido. Tumango lang ito bilang tugon at sumandal sa balikat ko.

Makalipas ang ilang araw ay nakalaya si Paolo dahil nakapag piyansa ito. Nagtangka itong  kausapin si Althea pero dahil may restraining order siya na bawal itong lumapit kay Althea kaya hindi siya nagtagumpay. Tanging ang abugado lang ni Althea ang kumausap dito at pinaalam na makikipaghiwalay na si Althea sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Althea ay ako ang may pakana para mabigyan ng restraining order ang asawa nito at ako rin ang nag hire ng abogado para kay Althea.

Secret LoveWhere stories live. Discover now