SL 2

2.5K 80 5
                                    

GROWING UP TOGETHER

2005

Althea and I went to an exclusive school for girls during high school years . At that time, we're already a certified bestfriends, yung tipong tinginan lang ay alam na namin ang ibig ipahiwatig ng bawat isa, yung kilalang-kilala na namin mula ulo hanggang paa ang pagkatao ng bawat isa. For me she's my other half, because I can't function without her and vice versa. Kung saan siya ay nandoon din ako. Kung anong activities ang sinasalihan ko ay sumasali din siya. Halos hindi na kami mapaghiwalay.  As we grew older, lalo ding tumitindi ang feelings na nararamdaman ko para sa kanya.

Dahil isang exclusive for girls ang pinapasukan naming dalawa, marami ding les girls ang interested sa kanya, but hell no, over my dead body na e allowed ko silang ligawan si Althea. Naging over protective ako sa kanya, at lahat ng mga nagkakagusto at nanliligaw sa kanya ay hinaharangan ko. 


"Hi Althea, may pinapabigay nga pala si Cathleen sayo"  Sabi ng isang kaklase namin sabay abot ng box ng expensive cookies at isang sulat. Pagkatapos ay umalis din kaagad ito.

"Ibalik mo yan kay Cathleen" Malumanay kung tugon, at di pinapahalata ang pagkairita ko.

Si Cathleen ay ang captain ng volley ball team ng school namin na may gusto kay Althea. Although alam kung straight ang bestfriend ko pero hindi rin naman niya ito binabasted na ikina-inis ko ng lihim. Ito ang pinaka masugid na manliligaw ni Althea sa paaralan namin. Sikat siya dahil bukod sa pagiging magaling sa sports ay matalino ito, maganda at sobrang yaman ng pamilya.

"Jade, bakit naman natin ibalik kay Cathleen ang cookies, wala namang masama kung tanggapin ko diba? Isa pa baka isipin niya na ang rude ko."

"Diba bawal nga sayo yan dahil matamis? Alalahanin mo Bes, bawal sa ating mga member ng cheering squad ang sweets at any fattening food, dahil nakakadagdag yan ng timbang" Pagpapaliwanag ko.

"Eh ngayon lang naman eh, at saka dalawa naman tayong kakain."

"Hay naku bahala ka, basta ako di ako kakain niyan"

"Sige pag di ka kumain si Batchi nalang ang bibigyan ko"

"Sige na nga, pero last na to ha, wag kanang tumanggap ng kahit anong regalo mula diyan sa Cathleen na yan" 

"Bakit ka ba nagagalit kay Cathleen?

"Hindi ako nagagalit sa kanya, ayaw ko lang siya para sayo"

"Ano ka ba Bes, as if naman papatulan ko siya"

"Oo nga, pero what if isang araw bigla nalang mahulog ang loob mo sa kanya?"

"Hmm, wala naman sigurong masama kung mahulog ang loob ko sa kanya, mabait siya, maganda at matalino pa" Nakangiti niyang paliwanag at parang naramdaman ko ang kurot sa aking dibdib sa kanyang tinuran.

"Ganun? E di dun kana sa kanya" Nakasimangot kung tugon.

Alam ko na hindi papatulan ni Althea si Cathleen, pero alam ko rin na hindi impossibleng mangyari ang sinabi niya. Tila hiniwa ang puso ko sa mga naiisip ko. Hay, kung sana may lakas lang ako ng loob na aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Pero mas nananaig ang takot ko na baka layuan niya ako kapag sinabi ko sa kanya na mahal ko siya higit pa sa isang kaibigan. Hindi ko kakayanin na mawala ang bestfriend ko.

Secret LoveWhere stories live. Discover now