SL 25

1.9K 88 7
                                    

MARRY ME

| JADE |

"Huwaaag! Maawa ka please, aaahh!" Ungol ni Althea habang nakapikit ang kanyang mga mata. Halatang nananaginip ito ng masama.

"Love, gising! Love binabangongot ka!" Yugyog ko sa kanya. Nagising naman ito at gulat na napatingin sa akin.

Agad agad ay yumakap ito sa akin at napahagulgol. Nakaupo na kaming dalawa sa kama habang magkayakap.

"Sssh, nanaginip ka lang love, you're safe" Mahinahon kung sabi sabay hagod sa kanyang likod.

"Jade" Hikbi nito habang nakasubsob pa rin sa balikat ko. Kahit hindi nito sabihin ay alam kong napanaginipan na naman nito ang mga masamang nangyari.

"Calm down, I'm here, nandito lang ako, di kita iiwan" Pagpapakalma ko sa kanya at masuyo ko siyang hinahalikan sa noo.

"Hinding hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa inyo ni Mira okay? Tahan na mahal ko"

Simula nung araw na nailigtas namin si Althea ay lagi na itong nanaginip ng masama. Minsan ay bigla nalang itong nagigising ng hating gabi at umiiyak. Siguro ay na trauma siya sa nangyari. Kaya napagpasyahan kong doon muna sa bahay nila titira, para may kasama ito lagi lalo na sa pagtulog.

Maya maya pa ay kumalma na ito. Nakayakap pa rin ako sa kanya at hinahaplos ang kanyang likod.

"Gusto mo ba ng tubig? Ikukuha kita" Tanong ko at tumango lang ito. Agad naman akong lumabas ng kwarto papuntang kusina para kumuha ng tubig.

Pagbalik ko ay, nakasandal na ito sa headboard ng kama bahang nanonood ng t.v. Agad nitong ininom ang isang basong tubig na iniabot ko sa kanya.

"Okay kana?" Tanong ko habang naupo sa tabi niya.

"Oo. salamat love" Malambing niyang sabi sabay hilig ng kanyang ulo sa aking balikat.

"Nandito lang ako palagi para sayo Love, tandaan mo yan"

"Love please hug me, gusto ko maramdaman yung yakap mo. I feel safe kasi"

"Sure mahal ko" Agad naman akong umupo sa likuran niya at pinasandal siya sa dibdib ko habang nakayapos ang dalawa kong braso sa katawan niya. Nanatili kami sa ganung posisyon, habang nanonood ng palabas sa t.v. tahimik lang kami at walang nagsasalita. Pinagsaklob naman ni Althea ang aming mga kamay habang maya't maya ko siyang hinahalikan sa kanyang sentido.

Kung titingnan ay para na talaga kaming mag asawa, inaasikaso ang pangngailangan ng bawat isa. Magka agapay sa halos lahat ng bagay. Dati ay siya ang laging nag aalaga sa akin. Ngayon naman it's my turn to take care of her, to make her feel safe and comfortable. Kasal na lang talaga ang kulang sa amin. The thought of it make the smile like an idiot. Kinikilig ako kapag naiisip ko na someday magiging mag asawa na kami. Kailangan ko na palang kausapin ang mga magulang ko sa gagawin kung pagpo-propose at hihingi na rin ako ng permiso sa nanay niya.

"What are you thinking?" Pabulong niyang sabi, habang nakatuon pa rin ang paningin niya sa palabas na pinapanood.

"I'm thinking of you"

"Ano namang iniisip mo tungkol sa akin?"

I'm thinking of how lucky I am to have such a beautiful, kind, and intelligent partner"

"Ehh, binobola mo naman ako"

"Haha, no, totoo sinasabi ko, ang swerte ko sayo mahal"

"Mas maswerte ako sayo love, dahil simula mga bata pa tayo minahal mo na ako, nandiyan ka palagi para sa akin at higit sa lahat hindi mo ako sinukuan, kahit na...nagmahal at nagpakasal ako dati sa iba"

Secret LoveWhere stories live. Discover now