SL 31

3.7K 97 68
                                    

A RAY OF SUNSHINE

"Pwede ba kitang yayain mag dinner date dito sa dining area magandang binibini?" Malambing na saad ng isang boses na sobrang na missed ko.

Agad akong lumingon sa pinanggalinan ng boses at nakita ko ang asawa ko na nakangiti at may hawak na isang kumpol ng mga bulaklak. Nangingilid ang luha ko habang pinagmamasdan ang babaeng kaharap ko.

"Oo naman mahal ko" Tugon ko bagamat may namuong luha sa aking mga mata ay sumilay pa rin ang ngiti sa aking labi sa sobrang galak.

"For you" Saad niya sabay lahad sa akin ng mga bulaklak na hawak niya.

"Thank you love" Sambit ko at kaagad ko siyang niyakap. 

Mahigpit din itong yumakap sa akin at kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha ay alam kung umiiyak siya dahil bahagyang yumuyogyog ang kanyang balikat.

"I'm so sorry mahal ko, I'm really sorry" She softly said in between her sobs. I'm sobbing as well habang mahigpit kaming magkayakap.

"I miss you so much asawa ko" Tugon ko

"Sobrang miss din kita wifey, sorry kung naging distant ako sayo these past months, I'm so sorry for everything"

"Sssh, it's okay mahal, ang importante bumalik kana sa dati, andito lang ako di kita susukuan, at walang iwanan okay? Haharapin natin ang problema na magkasama" Malunanay kung sabi.

Bahagya kaming naghiwalay sa pagkayakap at pinahid ang luha ng bawat isa. She caress my face at pagkatapos ay binigyan ako ng halik sa labi na kaagad ko ring tinugon. Our kiss is full of love and longing. Medyo matagal din na hindi kami naghalikan at sobra akong nangungulila sa mga halik at yakap ng asawa ko, at alam kung ganun din ang nararamdaman niya. Our kiss deepened and we can't help but moan in between. Para kaming ilang taong hindi nagkita, sabik na sabik sa isat isa. Our intimate kiss was cut off nang may magsalitang paslit sa aming gilid. Nakatingin ito sa amin ng may nakakalokong ngiti. Nagmistulang kamatis ang aming mga pisngi ni Jade sa sobrang pamumula dahil meron pala kaming audience na nakasaksi sa aming paghahalikan.

"Momma, Mommy, mamaya na po kayo mag kiss kain po muna tayo kasi nagugutom na po ako" Sambit ni Mira habang nakatingala sa aming dalawa.

"Yeah..oh..okay baby, tara let's eat" Tanging nasabi ko nalang.

Masayang natapos ang aming hapunan. Napuno na naman ng kwentuhan at kulitan ang dating tahimik na hapag kainan. Walang ginawa si Jade kundi pagsilbihan kaming mag ina at salitan kaming sinusubuan nito. Bumalik na ang dating Jade na sobrang sweet at maasikaso at walang mapaglagyan ang kaligayahan ko. Pagkatapos ng hapunan ay nagpresintang magligpit si Jade at Mira, ayoko sanang pumayag dahil ayokong mapagod naman si Jade, dahil alam kung ito ang nagluto at naghanda ng hapunan. Pero nagpupumilit ang dalawa kaya pinagbigyan ko nalang. 


Paglabas ko ng shower ay kaagad bumungad sa aking tainga ang love song na pinagtogtog ni Jade sa kanyang ipod. Naka dim light ang buong kwarto at tanging mga scented candles na nakahilera sa gilid ng room lang ang nakasindi. Biglang naging romantic ang ambiance ng aming kwarto. Napangiti nalang ako dahil sa kilig. Nakasuot ng itim na nighties ang aking asawa samantalang nakaputing roba naman ako. Dahan dahan itong lumapit sa akin at inilahad ang kanyang kamay.

"Can I have a dance with my lovely wife?"

"Sure my love"

Agad na naka angkla ang aking mga bisig sa kanyang balikat at nakayapos naman ang kanyang mga braso sa aking baywang. Dahan dahan kaming gumalaw at sinundan ang saliw ng musika. Habang malumanay na nagsasayaw ay nakatitig lang kami sa isat isa. Our face are inches apart and we just stare at each others face lovingly. Walang ibang mababanaag kundi ang mga malamlam naming mga mata at ang mga ngiti sa aming labi. Ilang taon na rin kaming magkasama ni Jade pero hanggang ngayon iba pa rin ang epekto namin sa isat isa. Walang nagbago sa nararamdaman naming dalawa. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secret LoveWhere stories live. Discover now