Who Killed My Girlfriend

42 2 0
                                    

Who Killed My Girlfriend
Ni Silentwolf

-mystery/thriller/tragic/ love story
#153
Story #6

[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]

-Prologue-

Sa isang kilalang unibersidad, naganap ang isang nahindik-hindik na trahedya.

Araw ng Lunes, Umagang umaga umaalingawngaw ang sirena ng kapulisan.
Ang mga tao ay nagkukumpulan at pinagmamasdan ang isang bangkay na naka bulagta sa harap ng isang dorm sa loob ng unibersidad. Sari-saring bulong-bulungan ang umuugong sa paligid.

Nag-iiyakan ang ilan sa mga tao, wala pang pagkakakilanlan ang bangkay pagkat naka dapa ito at may balot ang mukha, siguro sinakal ito kase walang bakas ng dugo. Kita din ang mga bakas na siya ay lumaban sa kung sino man ang gumawa nito sa kanya.
Ngunit ang dahilan kung bakit siya pinatay wala parin nakakaalam. Tanging mga haka-haka ang basehan marahil pagnanakaw? Paghihiganti? Inggit? O baka naman lihim na pagkahumaling?

Sino ba ang biktima?
Sino ang may gawa sa brutal na pagkapaslang ng dalaga?
Lalabas kaya ang katotohanan?
O' gaya ng pagkawala ng pangarap na biktima maglalaho nalang?

Sa pagiimbistiga ng kapulisan at ng SOCO ang mga kasagutan kaya ay kanilang mahahanap? Matutugis kaya ang may gawa nito? At kung ano ang dahilan niya para gawin ang karumaldumal na krimen?

Chapter 1 up next

Story #6
11-05-17
6-1
Silentwolf
Tahimik na Lobo

Ps. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.

Who Killed My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon