WKMG Chapter 36

4 0 0
                                    

Chapter 36

Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story

[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang,  kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]

Chapter 36
--JD and Kevin--

--Noon ay tinawagan na nga niya si Kevin at nagusap sila--

--Sa pagpalatuloy--

--Sa paguusap ni JD at Kevin ay nagpagpasyahan nila na magusap ng personal para mas magkaintindihan sila noon ay sinabi ni JD kung saan sila magkikita--

--Kinabukasan, ang araw na magkikita si JD at Kevin. Maagang nagbihis si JD at nagtungo na nga siya lugar kung saan sila magkikita ni Kevin--

--Sa pagdating ni JD sa lugar kung saan magkikita ni Kevin, ay nakita na niya na naroon na si Kevin at hinihintay na siya--

"Ang aga mo naman Bro"

--Lumingon si Kevin at ngumiti--

"Na-miss ko yang tawag mo saken na 'Bro' ah"

"Ako rin eh! Parang kaylan lang Kevin no"

"Grabe JD ang daming nagbago, even me and I don't even know why.. Tsk (napailing) sorry bro kung nagkalamat ang samahan natin"

"Oo nga eh (napatingin sa malayo) hays..pero wala eh ganon talaga nagbabago ang lahat pero alam ko ang mga alaala mananatili parin dito sa ating puso may mawawala pero still they here (tumingin sa puntod ni Yvon) diba babe at last ok na kami ni Kevin yong matagal mo nang sinasabi saken na magayos na kami eto na babe"

"Ohh..see si Yvon pala ang pumipilit sayo na magayos na tayo.. Salamat Yvon"

"Oo Kevin, plano ko na nga noon na magusap tayo kase gusto ko na isali kita sa plano kong pagpropropose kay Yvon sa Graduation, pero...(napatingin sa malayo at unti-unting gumigilid ang kanyang luha) pero... Nangyari ang hindi inaasahan"

(Napatingin rin sa malayo si Kevin)
"Walang may gusto nito JD, walang may gustong mawala si Yvon, siya yong napakabait na tao, siya yong nagpabago saken JD, yes may nagawa akong mali sakanya pero pinagsisihan ko na iyon at dahil don natauhan ako sa maling bisyong napasukan ko, alam mo JD kung hindi dahil sakanya baka hanggang ngayon lulong parin ako"

"Hindi ko alam kung ano ang kasalanan niya o kung ano ang dahilan kung bakit siya pinatay pero, ang sakit, sana ako nalang sana ako nalang ang pinatay nila"

--Sa Paglabas nila ng kanilang damdamin ay binalot sila ng kalungkutan, hindi na nila napigil pa ang kanilang emosyon na runagasa--

"Kevin isa lang ang hiling ko sayo sana ay tulungan mo akonv hanapin kung sino ang pumatay kay Yvon"

"Maaasahan mo ako JD tutulungan kita, siguro umpisahan natin sa kung sino ang naghack sa account ko upang i-set up ako sa chats namin ni Yvon, JD hindi talaga ako ang kausap ni Yvon sa chats na ginamit saken"

"Pero paano natin malalaman kung sino ang nag-hack sa account mo"

--Noon ay naiisip na ni JD si Josh maraming alam si Josh sa mga bagay bagay sa computer--

"Kung may kakilala lang sana tayong IT expert o magaling sa computer upang malaman natin kung sino ang nag-hack sa account ko"

"May alam ako si Josh yong kapatid ko alam ko may alam siya sa mga bagay na yan"

"Ikaw ba JD wala ka bang mga nakalap na inpormasyon na maaring magamit upang makita natin kung sino ang pumatay kay Yvon"

"Kevin may ibedensya akong hawak pero hindi ko pa ito sinasabi kahit kanino, sayo ko palang ito sasabihin"

--Nang bigalang--

"Pwede bang sumali sa usapan niyo" hindi mawaring tinig ang narinig ni JD at Kevin

"Sino ka?" Tanong ni Kevin

"Two, ikaw pala" wika ni JD

"Wait! Kilala mo siya JD?" Tanong ni Kevin

"Oo, at kakampi natin siya nagiimbistiga rin siya sa kung sino ang pumatay kay Yvon" tugon ni JD

"Pero sino siya?" Tanong ni Kevin

"Ikaw pala si Kevin, ang naging suspect sa kaso ni Yvon, pero alam ko noon pa man wala kang kasalanan" wika ni Two ang taong nakahoodie jacket

"Hindi kita pipilitin maniwala saken Kevin kung may duda ka wala akong pake basta ang gusto ko lang mapanagot ang pumatay kay Yvon" muling tugon ni Two

"Kung ganon pare-pareho pala ang gusto natin, magtulungan nalang tayong tattlo" wika ni Kevin

"JD ano yong sinasabi mong ibedensyang hawak mo?" Ani ni Kevin

"Makinig kayong mabuti" wika ni JD

...
--Samantala--

"Sir tugma nga yong kuha ng litrato, naroon nga siya noon Sir"

"Paano mo naman nalaman?" Wika ni detective D

"Sir sa footage ng CCTV malapit doon nakunan siya na bumaba sa kotse at nagtungo doon"

"Eh yong litratong may kasama siya"

"Na-validate narin namin Sir hindi na-edit ang picture at naka kuha rin kami ng footage sa dinaanan nila papunta sa bahay na iyon at mga inpormasyon sila ay may relasyon"

"Sigurado ba kayo d'yan?"

"Sir yes Sir"

"Kung ganon maghahanda na ako ng search warrant para sakanya" wika ni detective D

[Sasabihin kaya ni JD ang mga nalaman niya? Sa kanilang tattlo sino ang tunay na mapagkakatiwalaan? Sino kaya ang tinutukoy ni Detective D? Ating alamin sa susunod na Chapter]

Up Next Chapter 37

Story #6
02-07-18
Silentwolf
Tahimik na Lobo

Ps. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.

[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]

Who Killed My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon