Chapter 32
Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]
Chapter 32
--Interogation kay Jazz----Noon ay inimbitahan na ni detective D si Jazz upang magbigay ng kanyang salaysay sa prisinto--
--Sa pagpapatuloy--
"Jazz, may kaso kayo kay JD ilang taon na ng nakaaraan at makaylan ay pinatay ang kanyang girlfriend nais lang namin malutas ang kaso lahat ng nauugnay sa nakaraan at sa kasalukay ay aming imibistigahan, kaya ipagpaumanhin mo kung nasama ka sa list of person of interest" wika ni detective D
"Alam ko po Sir, kaya nga po ako naririto upang linisin ang pangalan ko diba Sir" maangas na sagot ni Jazz
"Kung ganon simulan mo na ang paglalahad ng iyong salaysay Jazz, at paalala lang katotohanan lang ang dapat mong sabihin Jazz" tugon ni Detective D
--Noo'y sinimulan na ni Jazz ang palalahad ng kangyang salaysay, dito ay sinabi niya ang kaugnayan niya kay Yvon dati sinabi niya na dating nagkamabutihan sila ng loob at muntik na silang magkaroon ng relasyon, lagi silang magkasama lagi silang kumakain ng sabay open na rin sa bahay nila Jazz si Yvon natutulog na rin siya doon, ngunit dahil sa ilang mga bagay-bagay ay nawala ang pagmamabutihang loob nila, hanggang sa dumating si JD sa buhay nila si JD na star player na munting nang umagaw sa girlfriend ko, yun ang dahilan kung bakit ko siya nabugbog noon, alam mo na teenager kaya medyo hypher mainitin ang ulo lalo na sa usapang pagibig, pero ang kaso namin wala na yun abswelto na kami kase kinuha naman nila yung areglo, basta tapos na yon, wala akong alam sa kung anong nangyari kay Yvon labas ako dyan isa pa wala akong rason para gawin yun kay Yvon, infact bakit ko papatayin yung babaeng pinapangarap kong ma-one night stand ang gago ko naman non. Pero meron akong info a week ago nalaman ko ito about sa pagkamatay ni Yvon dahil sa mahalaga siya saken gumawa ako ng imbistigasyon. At ito ang mga nakalap kong mga inpormasyon na maaring konektado sa kaso ni Yvon..--
--Nagulat si detective D sa mga isinuwalat ni Jazz na mga inpormasyon, kalakip pa nito ang mga litrato--
"Jazz saan mo nakuha ang mga ito?" Tanong ni detective D
"Importante pa ba yun Sir, hindi 'bat nakakapagtaka ang maya iyan?" Sagot ni Jazz
"Totoong nakakapagtaka ang mga ito, pero hindi ko lubos maisip ang mga ito" tugon ni Detective D
"Minsan kase Sir kung sino ang inaakala mong mabait sila pa ang demonyo pala" sagot no Jazz
"Ipapavalidate pa natin ang mga ito sa crime lab para kung totoo ang mga ito, kase baka gawa lang ito sa makabagong teknolohiya" ani ni detective D
"Ikaw po bahala Sir, basta ako sinabi ko na ang aking nalalaman" sagot ni Jazz
"May kaylangan pa bo ba kayo saken Sir? Hinihintay na ako ng mga negosyo ko" wika ni Jazz
"Ahh-- wala na Jazz salamat sa kooperasyon mo, salamat sa oras Jazz" ani ni detective D sabay abot sa kanyang kamay
"Walang anuman Sir, salamat din po" sagot ni Jazz habang nakikipagkamay
--Noon ay umalis na nga si Jazz sa prisinto, si Detective D naman ay naguguluhan sa mga prinisentang inpormasyon ni Jazz, hindi na lubos mawari kung bakit--
"Mali! Mali! Mali 'to!! Bakit, bakit ikaw.. Ano ang mga litratong ito? Totoo ba na ikaw ang may responsable sa pagpatay kay Yvon, kung ikaw man mabigat ang ibidensyang magdidiin sayo" bulong ni detective D sa hangin habang tinitignan ang mga litrato
--Samantala sa bahay nila JD--
"Josh mag-usap nga tayo"
"Tungkol saan kuya"
"Sino yung babae kanina"
"Wala kuya si ano lang yung"
"Sino nga?"
"Si ano barkada ko lang yun kuya kasamahan ko sa frat"
"Ah...ibig sabihin Active ka pa sa Fraternity niyo"
"Kuya naman, alam mo naman na yun ang pinakamalaking kapatiran sa university..malaking tulong yun sa aking mga grades diba kuya at isa pa saka lang naman ako pumunta sa mga good activities eh 'di naman ako sumasali sa mga masasamang gawi nila"
"Bahala ka diyan Josh pag yan nasangkot sa gulo hindi kita matutulungan"
"Wag kang mag-alala kuya, walang sabit 'to makaling tao ang nakaproteka sa frat"
"Pero sino ba yung babae kanina, wag kang magsisinungaling nakita ko kayo"
"Kuya naman eh"
"Anong meron sa inyo ni Mia"
"Wala kuya, fling-fling lang kami"
"Sigurado ka..ano yung ginawa niyo kanina?"
"Kuya sabihin mo nga! Nagseselos kaba? Kuya naman lahat na nasa'yo na, pati ba naman si Mia aangkinin mo pa" pasigaw na sagot ni Josh
"Josh boses mo! Isa pa 'di ako nagseselos ang akin lang Josh baka mapahamak ka sa ginagawa mo"
"Kuya may sarili akong pag-iisip kaya ko sarili, at isa pa kuya don't act like you can protect all of us girlfriend mo nga 'di mo naprotekhan"
--Tumayo si JD at hinawakan ng dalawang kamay niya ang manggas ng damit ni Josh at tinulak sa pader--
"Ano! Anong sinabi mo ha!!" Galit na sinigaw ni JD
"Ano! Ulitin mo nga ang sinabi mo, bakit Josh ginusto ko ba yun! Ang kapal ng mukha mong sabihin yan kuya mo ako! Wala kanh respeto, ano ha? Anong gusto mo? Sige magsalita ano?" Sigaw ni JD kay Josh habang binabalibag sa pader
"Ano Josh? Ano?" Sigaw ulit ni JD at isang malakas na balibag sabay bitaw kay Josh
--Sa pagbitaw ni JD kay Josh ay agad na umalis si Josh sa kwarto at lumabas ng bahay--
[Sino kaya ang nasa litrato na dahilan upang maging magulo ang isipan ni Detective D? Ito na ba ang tunay na pumatay kay Yvon? Magkakaayos pa ba si JD at Josh? Ating alamin sa susunod na Chapter]
Up Next Chapter 33
Story #6
01-29-18
Silentwolf
Tahimik na LoboPs. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.
[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]
BINABASA MO ANG
Who Killed My Girlfriend
Mystère / Thrillera mystery/thriller/tragic/love story, this is something new. the story is all about a murdered girl, the story will run on the investigation of the case, lets find out who really killed my girlfriend.