Chapter 37
Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]
Chapter 37
--JD, Kevin at ang taong nakahoodie jacket----Sa pagpapatuloy--
--Patuloy na naguusap sina JD, Kevin at yong nakahoodie jacket--
"Ano ba yon JD, sabihin mo na para makagawa tayo ng kongklusyon kung sino nga ba ang pumatay kay Yvon" ani ni Kevin
"Guys, nasa akin ang mga gamit ni Yvon" wika ni JD
"The fuck..." Sigaw ni Kevin
"JD, ano to" ani ng ni Two
"So all this time JD,....tsk...alam mo pala" muling sigaw ni Kevin
"Guys, let me explain" tugon ni JD
"Pero JD" ani ni Two
"JD pano yan...bakit na sayo ang mga gamit ni Yvon...alam mo ba ang nasa isip ko ngayon" ani ni Kevin
"Hindi mali ka ng iniisip" wika ni JD
"Pero matatanggal mo ba saken kung iisipin ko na ikaw ang pumatay kay Yvon, JD bakit na sayo ang mga gamit ni Yvon..sige nga ipaliwanag mo nga saken bakit JD? Wala ka nga bang alam sa nangyari kay Yvon?" Sigaw muli ni Kevin
"Kevin wag kang magsalita ng ganyan, pakinggan natin si JD, JD make sure lang na mapapaniwala mo kami sa sasabihin mo kung bakit na sayo ang mga gamit ni Yvon" ani ni Two
"Noon pa man, gumagawa na ako ng sarili kong imbestigasyon sa kaso ni Yvon at sinabi ng team at ni coach na i-trace ko raw yong phone ni Yvon, at yon nga trinace ko at nakita ko" wika no JD
"Saan mo nakita JD?" Tanong ng dalawa
"Sa abandonadong building, yong nasunog noon"
"Sa basurahan?" Wika ni Kevin
"Oo"
"JD, na saan na ang mga yon? Anong nakita mo? Ano meron bang magtuturo kung sino ang pumatay kay Yvon?" Ani ni Kevin
"Hindi ko pa nahahalungkat lahat kase gusto kong mapriserba ang mga yon para gamiting ibedensya para sa tunay na pumatay kay Yvon"
"Pero JD maaring gamitin sayo yon baka sabihin nila na ikaw ang tunay na pumatay kay Yvon" wika ni Kevin
"Yon nga ang inaalala ko" ani ni JD
--Samantala ang grupo ni Detective D ay nagtungo na sa bahay ng bago nilang suspect at ginawa ang search warrant nila--
"JD mahirap yan, dapat sa una palang sinabi mo na sa otoridad ang mga nalaman mo" wika ni Kevin
"Kevin, kinausap ako ni Yvon sa panaginip na wag daw akong magtitiwala sa kung sino-sino, alam ko na mapagkakatiwalaan ko kayo kaya ko sinabi ang mga ito" wika ni JD
"Shit, may mali! Nararamdaman ko...JD.." Wika ni Two
"Ano yon Two.."
"Wala...wala.."
"Two kung may alam ka sa kaso ni Yvon sabihin mo na upang mapagtagpi-tagpi na natin ang mga ibedensya natin" wika ni JD
"Nga pala Kevin, doon sa kaso natin noon kina Jazz, bakit napawalang sala sila?"
"JD hindi ko ginusto na mapawapang sala sila kaso si daddy kase"
"Tsk...oo nga pala..pero sa tingin mo may kinalaman kaya sina Jazz sa kaso ni Yvon"
"Kilala natin si Jazz hindi yon papayag na di makaganti, hindi ko sinasabi ng deretso pero maaaring may kinalaman siya JD"
"Sino si Jazz?"
"Siya yong bumugbog sakin noon at muntik na akong patayin, judge yong tatay non kaya nakalusot siya sa kaso niya, isang balimbing na judge"
"Judge?.." Tanong ni Two
"Oo, pero maraming bali-balita na masama tungkol sakanya gaya nong mga mamahalin mga sasakyan nila milyon-milyon ang halaga, may nagleak din na baho niya noon na tumatanggap daw siya ng suhol para ipanalo ang mga kaso, yong kaso ng mga drug lord basta maraming baho yon" wika ni JD
"Oo tama lahat yan JD" wika ni Kevin
"What the f...ck....pero ano na ang gagawin natin?" Wika ni Two
"Siguro mag-umpisa tayo kay Jazz, dapat bantayan natin ang mga kilos niya" wika ni JD
"Bat di natin simulan bago napatay si Yvon, what I mean eh kung ano ba ang mga ganap bago pinatay si Yvon" wika ni Two
"Ang alam ko bago yon si Jaz nag-organize ng isang event para sa aniversary ng brotherhood nila"
--Habang seryosong nag-uusap sina JD, Kevin at Two hindi nila inaasahan ang dumating at ang mga sumunod na nangyari nagulat nalang sila--
[Sa pagsasanib nina JD, Kevin at Two malalaman na ba nila kung sino ang tunay na pumatay kay Yvon? Ano kaya ang makikita nila Detective D sa bahay ng bago nilang Suspect? Sino kaya ang dumating na kinagulat nina JD, Kevin at Two? Ating alamin ang mga ito sa susunod na chapter]
Up Next Chapter 38
Story #6
02-11-18
Silentwolf
Tahimik na LoboPs. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.
[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]
BINABASA MO ANG
Who Killed My Girlfriend
Mystery / Thrillera mystery/thriller/tragic/love story, this is something new. the story is all about a murdered girl, the story will run on the investigation of the case, lets find out who really killed my girlfriend.