WKMG Chapter 7

6 0 0
                                    

Chapter 7

Who Killed My Girlfriend
Ni Silentwolf Tnl
-mystery/thriller/tragic/love story
-
[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]

#Chapter 7
-Hikaw-

"Heto yung hikaw na nakita namin sa loob ng dorm ni Yvon" wika ni detective D sabay ipinakita ang hikaw

-Nagtinginan ang dalawa, kita sa mukha nila ang pagkabigla at kaba na ekspresyon-

"JD, Mia! Bakit kayo nabigla?" Tanong ni detective D

-Sa pagpapatuloy-

"Detective D, kay Kevin Valdez yang hikaw na yan" sabay na sagot ni JD at Mia

"Sigurado ba kayo sa inyong sinasabi? Meron ba kayong patunay na kay Kevin Valdez nga yan?" Tanong ni detective D

"Meron po Sir, ito" Sagot ni JD

--Ipinakita ni JD ang mga litrato nila ni Kevin Valdez, sa team picture nila sa varsity, tinignan din nila ang Facebook account ni Kevin Valdez at nakumpirma nga nila na sakanya nga yung hikaw na nakuha sa loob ng dorm ni Yvon--

"Sir, sapat na ba na ibedensya ang mga ito upang huliin niyo si Kevin Valdez? Sir, siya na ang kriminal na walang awa na pumatay kay Yvon, siguro desperado siya kase hindi niya nakuha si Yvon kaya ginawa niya ang krimen baka balak pa nga niya itong gahasain eh" (nanggigilid ang luha) wika ni JD

"Tahan na JD, tahan na" maalumamay na ani ni Mia

"JD, may punto ka, siya ang may rason para gawin ito kay Yvon, yung hakahaka mong baka gusto niyang gahasain posible pero makukumpirma lang ito kung lalabas na ang autopsy na ginawa ka bangkay ni Yvon" wika ni detective D

"Detective D, hindi pa ba sapat ang mga ibedensya?" Tanong ni Mia

"Kaylangan pa natin ang masmatibay na ibedensya na maaaring magturo kay Kevin Valdez na sya nga ang pumatay kay Yvon" sagot ni detective D

"Kaylangan nang mahuli ang gumawa kay Yvon, ano pa kaya ang maaaring maging ibedensya para magturo kay Kevin na sya nga ang gumawa nito kay Yvon?... JD may access ka ba sa Facebook ni Yvon?"

"Alam ko ang Password at Email niya, pero never ko pang inopen ang Account niya kase nirerespeto ko ang Privacy niya" wika ni JD

"Grabe JD, isa kang tunay na lalaki, ang swerte nga talaga ni Yvon sayo, ikaw ang ideal man talaga ng isang babae... Pero wait kung may access ka try natin iopen baka may mga chat si Kevin na pwedeng magdiin sakanya" sagot ni Mia

"Maganda yang iniisip mo Iha, kung meron nga pero dapat na pag inopen natin yan eh kasama natin ang ilang otoridad upang maging patas sa lahat, bamuti rin na inbitahan natin si Kevin Valdez upang madepensahan niya rin ang kanyang panig" wika ni detective D

"Tang*na ngayon palang hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kay Kevin" umiiyak na ani ni JD

"Iho wag kang magpadala sa emosyon mo, at wag kang gumawa ng kungklusyon hanggat wala pa tayong napapatunayan, kase pwede kang kasuhan ng paninirang puri JD kaya hintahin nalang natin na lumabas ang katotohanan, naiintindihan ko kung ano man ang iyong saloobin Iho" wika ni detective D

"Oo, nga JD, malapit na nating mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Yvon, basta wag kang gagawa nang hakbang na makakasira sayo at sa imbestigasyon, ipaubaya na natin sa mga otoridad" ani ni Mia

"Kung hindi kayo abala bukas pumunta ulit kayo dito sa prisinto upang tignan ang Facebook ni Yvon" wika ni detective D

"Sige po detective D, kaylangan ko munang mag-ngilayngilay upang makapag-isip ng mabuti, salamat po detective D" ani ni JD

"Oh! Marahil tama na muna ang mga ito sa araw na ito, mag aalas-singko na rin, mag ingat kayo pauwi Iho at Iha" sagot ni detective D

--Umalis na sila sa prisinto--

--Sa kotse ni JD--

"JD, gusto mong magmuni-muni diba" wika ni Mia

"Oo, gusto kong makalimot man lang sana muna kahit sandali lang" sagot ni JD

"Wait, ako na magdrive, may pupuntahan tayo" tugon ni Mia

"Alam mo ba magdrive?" Tanong ni JD

"Luh, JD, diba tinuruan mo ako noon, bago mo nakilala si Yvon" wika ni Mia

"Sorry, oo nga pala, magulo lang isip ko Mia, oh sige ikaw na mag drive" tugon ni JD

"Ok, let me do it for you JD, masaya 'to makakalimutan mo problema mo kahit sandali lang" wika ni Mia

"Kanapunta na ba ako dito?" Tanong ni JD

"Hindi, pa pero kung anong mangyayari tiyak na nangyari na dati satin yun hehe" patawang sagot ni Mia

"Ok, ikaw bahala" tugon ni JD

"Wait, malapit na tayo, pero bago pa tayo makarating mag blindfold ka muna JD" wika ni Mia

"Ha? Dami mong alam Mia, pero sige na nga para makalimot ako" sagot ni JD

"Ok dito na tayo, dahan-dahan lang JD baka matalisod ka" wika ni Mia

"Ui, Mia hagdan ba ito? Uy Mia baka mahulog ako ah" ani ni JD

"Ano kaba JD narito ako hindi kita hahayaan mahulog, oh dito na tayo!! wait upo ka lang dyan ha may kukunin lang ako" sagot ni Mia

"Ok, bilisan mo lang naiinip na ako" ani ni JD

"Oh, JD pwede mo nang tanggalin yang blindfold mo" wika ni Mia

"????????" JD (hindi nakapagsalita sa kanyang nakita)

[Si Kevin Valdez na kaya ang tunay na may gawa sa pagkamatay ni Yvon? Ano kaya ang makikita at malalaman nila sa Facebook ni Yvon? At Nasaan kaya si JD at Mia? Ano kaya ang nakita ni JD? Ano kaya ang mangyayari?
Abangan ang mga susunood na chapter]

Next Chapter 8

Story #6
11-30-17
Silentwolf
Tahimik na Lobo

Ps. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.

[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]

Who Killed My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon