Chapter 18
Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]
#Chapter 18
--Autopsy Report--"Magandang hapon detective D"
"Ganon rin sayo JD, saan ka galing at bakit parang pawis na pawis ka, oh siya lahika rito at tignan mo ang report sa autopsy ni Yvon"
"May pinuntahan lng detectice D"
"JD, kung meron kang inpormasyon o kahit na anong makakatulong sa kaso ni Yvon sana ay ipaalam mo rin sakin ito para sa ikalulutas ng kaso, kase magaling ang abogado no Kevin at baka kulangin tayo sa ibedensyang isusumiti sa korte baka mapawalanh sala si Kevin. Ito ang autopsy report na ginawa kay Yvon, nagtamo siya nang fourty-two (42) stab wound gamit ang isang ice-pick, nagkaroon siya ng internal bleeding na siyang dahilan nang kanyang pagkamatay, sa hakahaka natin na ginahasa siya may sugat ang kanyang pribadong parte ngunit wala nakitang semen fluids, nakapagtataka ito, maaring nagcondom pa ang gumawa nito kay Yvon o di kaya naman pinaglaruan lang, JD hindi basta basta pinata si Yvon pinahirapan siya torture ang ginawa nila dahil sa mga..."
"Tama na" sigaw ni JD na nagpatahimik sa lahag
"Tama na po detective D, hindi ko na kaya ang mga naririnig ko, sobrang hirap ang pinagdaan ni Yvon sa kamay ng gumawa nito sakanya" lumuluhang wika ni JD
"JD, naiintindihan kita ako man din ay naaawa sa kung anong ginawa kay Yvon. Magpakatatag ka JD, baka malusutan ni Kevin ito, mahina ang mga ibedensya natin sakanya kung makukuha lang sana natin ang mga gamit ni Yvon na nawala baka may makuha tayong ibedensya namagdidiin sa supect natin ngayon na si Kevin Valdez"
"Kung hindi man si Kevin ang gumawa nito kay Yvon o kung sino man yan naniniwala ako detective D na hindi niya ito maitatago, at lalabas din ang totoo mananagot siya at mabubulok siya sa kulungan"
"Oo, JD walang hilim na hindi nabubunyag"
--Nagpaalam na si JD kay detective D, nagtungo siya puntod ni Yvon--
"Hi ! Babe" kasabay ng pag-alay niya ng kandila at bulaklak
"Namiss kita agad Yvon kaya bumalik agad. Yvon salamat sa paghatid mo saken kung nasaan ang phone mo Yvon at gaya ng sinabi mo Yvon ako nalang muna ang makakaalam nito hindi ko sasabihin kahit kanino, sana may makuha akong inpormasyon sa phone mo kung sino ang may gawa nito sayo, babe sorry sobrang naramdaman ko ang hirap na sinapit mo sa kamay ng hayop na gumawa nito sa nang makita ko ang autopsy report na ginawa sayo babe, sorry babe wala akong nagawa, sana ako nalang yung ginawhan ng ganon at hindi ikaw sana ako nalang ang nawala at hindi ikaw babe gagawin ko lahat lahat upang mapanagot ang tunay na may gawa nito sayo mahal na mahal kita" humahagulgol na salaysay ni JD sa puntod ni Yvon--Hahang hinihimas niya ang lapida ni Yvon, unti-unti itong nahimasmasan lumipas pa ang ulang minutong pagtitimpi ni JD sa puntod ni Yvon, dahil narin pagod inabutan na ng gutom si JD kinuha niya ang pagkain binili niya at--
"Babe kain tayo, medyo nagugutom na ako" pabirong wika ni JD
"Babe ito yung paborito mong pagkain oh ayaw mo ba? Babe subuan kita gusto mo" sambit ni JD sa hangin
--Habang kumaiin si JD sa tabi ni Yvon at kanyang pinagmamasdan ang kanilang mga litrato sa phone niya isa isang inaalala ang mga masasayang alaala nilang dalawa ni Yvon--
"Babe naalala mo ba ito, grabe sobrang saya ko dito ito yung unang date natin, puro kain ginawa natin dito akala ko noon hindi ka palakain pero mas malakas ka pa pala saken. Unli rice 'to eh naka seven (7) rice ka yata noon no babe" naka ngiting salaysay ni JD
"Eto ba babe noong nagride tayo sa ferris wheel, sobrang takot na takot ka noon, pero ginawa ko hinawakan ko ang mukha mo tapos nagtinginan tayong dalawa at sabi ko 'wag kang matakot naririto ako sa tabi mo hindi kita pababayaan' eksakto yun yung part na nasa tuktok tayo babe tapos nilapit ko yung mukha ko sa mukha mo, alam mo natatakot ako noon hindi sa taas natin kundi baka sampalin mo ako pero hindi hinayaan mo akong halikan ka sa lips, yun ang unang kiss natin diba babe" kinilig na pag alala ni JD
"Babe ang dami na rin tayong memories pero kulang yung time na binigay saten, ang aga mong nawala babe napakarami pa nating mga pangarap yung ikasal kita sa simbahan at magkapamilya tayo, grabe ang daya ng tadhana ang daya daya niya wala naman tayong maling ginawa diba babe bakit satin nangyari 'to, ang daming tanong sa utak ko babe pero pilit ko nalang tinatatagan ang aking kalooban, babe pwede bang paramdam ka naman pwede bang yakapin mo naman ako babe please I miss you so much babe" nang gigilid ang kanyang mga luha
--Sa pagpatak ng luha ni JD ay naramdaman niya ang haplos ng kamay sa kanyang likuran, na nagpagaan ng kanyang kalooban, ngunit hindi ito pangkaraniwang haplos ng hangin sa kawalan pagkat may diin ito at damang dama ang palad na humahagod sa likod niya, na naging dahilan upang ibaling niya ang tingin niya dito, at sa pagtingin niya ay kanyang ikinagulat na nagpatayo sakanyang balahibo at dahilan upang mabitawan niya ang kanyang phone at pagkain--
[Ano kaya ang nakita ni JD? Bakit kaya siya gulat na gulat? Ating alamin sa susunod na chapter]
Up Next Chapter 19
Story #6
12-29-17
Silentwolf
Tahimik na LoboPs. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.
[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]
BINABASA MO ANG
Who Killed My Girlfriend
Детектив / Триллерa mystery/thriller/tragic/love story, this is something new. the story is all about a murdered girl, the story will run on the investigation of the case, lets find out who really killed my girlfriend.