WKMG Chapter 44

1 0 0
                                    

Chapter 44

Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story

[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]

Chapter 44
--Josh--

--Nang makarating si Kevin sa bahay nila Josh ay dali-dali siyang pumasok upang tigan si Josh ngunit wala na si Josh sa bahay, ilang minuto pa ang nakalipas at dumating na rin si Two--

"Josh! Josh! Josh!" malakas na sigaw ni Kevin habang dali-dali siyang pumasok sa bahay nila Josh.

"Kevin! Josh!" sigaw ni Two habang papasok sa bahay.

--Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na si Two--

"Two, wala na si Josh wala narin ang mga sinasabi niyang umaaligid sa dito sa bahay nila!" nag-aalalang ani ni Kevin.

"Shit! Paano na ito, anong sasabihin natin kay JD?" wika ni Two.

"Hindi ko alam, kasalanan ko ito bakit pa kase tinawag ko sa mga pulis!"

"Wala kang kasalanan Kevin wag mong sisihin ang sarili mo, ang gawin natin hanapin natin ang mga gamit ni Josh, yong mga nakalap niyang inpormasyon tungkol kay Jazz!"

--Naghanap na sila sa mga gamit ni Josh, ma-ingat nilang hinalungkat ang mga kagamitan niya upang mahanap ang laptop at ang flash drive kung saan naroon ang soft copy sa mga transaksyon ni Jazz, hindi naman sila nabigo pagkat nahanap rin nila ang mga ito kinuha nila ang mga ito upang gawin karagdagang imedensya para sa kay Jazz Antonio--

(Pulis siren)

"Shit narito ang mga pulis!" wika ni Two.

"Tao po po! si detective D ito! may tao ba?" sigaw ni detectice D.

"Kalma lang Two, akong bahala?" ani ni Kevin.

"Detective D! mabuti naman at narito na kayo. Wala na si Josh hindi namin alam kung nasaan siya!" natatarantang ani ni Kevin.

"Ha? Bakit ano bang nangyari?" tanong ni detective D.

"Tumawag siya kanina detective, tapis sinabi niya na may mga umaaligid dito sa bahay nila kaya dali-dali akong nagpunta dito at tumawag sa inyo!" sagot ni Kevin.

"Sigurado ka ba diyan Kevin? Sino naman ang kukuha sa kanya? Baka naman lumabas lang siya at may pinuntahan?"

"Hindi ko alam detective D!"

"Ireport niyo nalang ito after 24 hrs. Kaya kami pumunta dahil sabi mo may umaaligid at sa nakikita ko wala naman, in case wala pa siya after 24 hrs ibalita niyo samin para madeklara siyang missing person o kung may tumawag sa inyo na nagsabing kinidnap nipa si Josh sabihin niyo agad ireport niyo agad."

"Sige po detective D salamat po."

"Sige ingat kayo! Ma-una na kami!"
---

"Kevin kaylangan natin mahanap si Josh hindi kakayanin ni JD pag nalaman niya ito!"

"Oo nga pero saan? Saan tayo maghahanap kay Josh?" ani ni Kevin.

"Hindi ko alam, yong phone niya sigurado ako na may GPS yon pwede nating gamitin yon pang trace sa kanya."

"Tama Two, pero kaylangan na nating umalis dito, baka bumalik sila at tayo naman ang kunin nila!"

--Nagmadali ng umalis sina Kevin at Two sa bahay nila Josh bitbit ang mga gamit ni Josh, Samantala inumpisahan na ang hiring kay JD hindi na naka dalo pa sina Kevin at Two dahil sa pangangalap nila ng ebedensya para sa kaso ni JD tanging si JD at ang kanyang abogado ang dumalo, lingid sa kaalaman ng marami ang mga nangrayi sa ilang beses na hiring niya sa korte ngunit alam ni JD sa sarili niya na wala siyang kasalanan kaya kampate siyang papanig sa kanya ang disisyon ng korte, pilit man itinago ni Kevin at Two ang tungkol sa pagkawala ni Josh ay nalaman parin ni JD dahil sa balitang dumating sa kanya nang nag-apila sila sa korte ng adisyonal na witness na kanilang ihaharap, na sabi na rin kase nila Kevin at Two ang kanilang mga nakalap na ebedensya dahil doon ay sobrang nag-aalala si JD para kay Josh alam nila na ginigipit sila sa pamamagitan ni Josh alam nila na blackmail ang ginagawa nila kay JD ngunit hilim nilang tinuloy ang pag-apela sa korte. Lumipas pa ang ilang linggo hanggang sa itinakda na ang araw na hahatulan si JD ng korte. Habang sina Two at Kevin naman ay hinahanda na ang mga ebedensyang ihaharap nila sa korte ngunit ang malaking problema nila ay si Josh pagkat hanggang ngayon ay hindi pa nila nahahanap, hanggang sa--

"Booom! Two tignan mo ito!" Wika ni Kevin kay Two.

"Ano yan?" tanong ni Two.

"Sa ilang linggo nating paghahanap kay Josh eto na nahanap ko na ang lokasyon niya Two!"

"Anong gagawin natin ngayon Kevin?" tanong ni Two.

"Pupuntahan natin siya!"

"Pero pano na si JD?" tanong ni Two.

"May ilang oras pa tayong natitira kaya natin ito Two!"

--Nagmadali na silang pumunta sa lokasyon kung nasaan si Josh, habang si JD naman ay naghahanda na sa kung ano ang mangyayari sa kanya sa korte nag-aalala rin siya sa kung anong lagay ni Josh kung buhay pa ba siya, hanggang sa sinabihan na siya ng kanyang abogado na papunta na sina Kevin at Two sa kung nasaan si Josh, noon ay nabuhayan siya dahil sa pag-asang buhay pa si Josh ngunit natatakot din siya kase baka kung malaman ng mga kumuha kay Josh na papunta na sina Kevin at Two doon ay patayin siya, hindi alam ni JD ang gagawin niya gulong-gulo siya habang naka-upo lang siya, sa hindi inaasahang pagkakataon ay may tumapik sa kanya sa may balikat dahilan upang lumingon siya nakita niya si Mia na nasa loob din ng korte--

"JD! kaya mo yan mananalo ka sa kaso laban sa mga paratang nila sayo!" ani ni Mia.

"Tsk, alam kong wala akong kasalanan Mia kaya kampante ako ang kinatatakot ko lang baka mabaliktad ang disisyon ng korte!"

"Sshhh wag kang mag-alala JD narito lang ako para sayo!" mahinhin na ani ni Mia.

"Salamat Mia!"

Opening of Trial:
Please rise. The Court of the Second Judicial Circuit, Criminal Division, is now in session, the Honorable Judge Florencia Espinoza presiding.
Judge: Everyone remain standing but the jury may be seated.

--Nagsimula na nga ang Huling hiring ni JD--

"Ang apela para sa adisyonal na witness sa kampo ng nasasakdal ay sinangayunan ng korteng ito, ngayon iharap niyo na ang mga witness niyo." panimulang wika ng Judge.

--Tuwang-tuwa ang kampo ni JD dahil dito, ngunit wala pa ang kanilang mga witness, ikinagalit naman ni Jazz dahil noon ay naroon siya upang saksihan sana ang paghatol kay JD--

[Sino-sino kaya ang mga ihaharap ng kampo ni JD? Sapat ba kaya ito upang mapawalang sala siya? Mahahanap kaya ni Two at Kevin si Josh? Ano kaya ang gagawin ni Jazz? Ating alamanin sa susunod na Chapter]

Up Next Chapter 45

Story #6
03-05-18
Silentwolf
Tahimik na Lobo

Ps. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.

[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]

Who Killed My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon