WKMG Chapter 40

1 0 0
                                    

Chapter 40

Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story

[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang,  kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]

Chapter 40
--Josh at Kevin--

--Sa pagpapatuloy--

--Natapos na silang kumain at nakaraan pa ang ipang minuto ay natapos narin ang oras ng pagbisita, noon ay nagpaalam na sila sa isa't isa--

"JD basta magpakatatag ka." Wika ni Kevin

"Oo bro para kay Yvon." Dagot ni JD

"JD sige na, magingat ka dito wag mong haayan may mangyaring masaama sayo." Ani ni Two

"Kung meron man.."

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan JD."

"Basta mag ingat din kayo Two, Kevin."

--Umalis na nga sila, nagpasya si Kevin na puntahan si Josh upang alamin kung kamusta siya--

"Tao po!!"

"Josh nandyan ka ba?"

"Si Kevin 'to."

--Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na si Josh, ngunit iba ang reaksyon ng mukha ni Josh na parang natatakot, kasabay nito ang pagtanaw nya sa paligid na parang may tinatakasan--

"Kuya Kevin napa dalaw ka?"

"Oh! Josh ok ka lang ba? Bat patang aligaga ka at natatakot?"

"Ahh..eehh..wala nagulat lang ako, bakit ka pala narito kuya Kevin?"

"Ahh...Oo galing kami kay JD binisita, sabi niya kase puntahan daw kita upang tignan"

"Si kuya talaga oh ako pa ang inaalala talaga, tara sa loob kuya"

"Alam mo naman si JD malalahanin tagala, ba't di ka pala pumunta?"

"Oo nga eh, nakakalimutan na niyang alalahanin ang sarili niya, may tinatapos kase akong report sa school"

"Ahh..ano kamusta pala?"

"Eto naninibago kay kuya, nga pala kuya Kevin kamusta si kuya?"

"Medyo masamang balita Josh"

"Bakit kuya! Ano nangyari?"

"Ang hinala namin may sa kung sino man ang gustong magdiin kay JD upang akuin niya ang pagpatay kay Yvon, binubugbog siya sa loob, upang aminin niya na siya ang pumatay kau Yvon"

"Ano bakit? (Nag-aalala) pero sino naman yon?"

"Malamang yong tunay na pumatay kay Yvon, gusto niyang i-cover up ang sarili niya at i-set up si JD gaya ng ginagawa nila saken, matalino ang gumawa nito siguro di siya nag-iisa."

"Grabe naman paano na si kuya ok lang ba siya?"

"Ok lang naman siya may mga pasa lang siya sa kanyang katawan."

"Ano ba kase ang meron kay ate Yvon bakit siya pinatay, bakit pati si kuya, wag naman sana?"

"Shhh wag kang magsalita ng ganyan Josh, hindi mamamatay si JD."

"Pero kung nagagawa ng pumatay kay ate Yvon na ipabugbog si Kuya sa loob malamang kaya niya ring ipapatay si Kuya sa loob at palabasing nag-suicide si kuya."

"Sana wag mangyari yan kaya dapat gumawa na tayo ng paraan upang malutas ang kaso upang may ipakita tayo sa korte pagnulitis si JD, may alam ka ba o haka-haka kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito."

"Wala akong ideya kung sino."

"Wait! Diba kaya mong pumasok sa mga social media?"

"Oo pero di ko na ginagawa yan kase mali yon."

"Pwede ba nating pasukin ang account ni Jazz?"

"Jazz? Si Jazz Antonio? Nako mahirap yan malaking tao yan, sigurado may security ang account niya."

"Pero kaya mo ba?"

"Kaya ko yon, para kay kuya kakayahin ko."

"Ilang oras ba bago mo mapasok?"

"Hindi ko alam matagal na rin kase akong di gumagawa ng ganon syempre back to zero tayo, tas dapat magdoble ingat kase baka matunugan tayo delikado dapat smooth ang pagpasok."

"Oo nga..."

"Kuya Kevin, ilegal tong gagawin natin, pwede tayong kasuhan kung mahuhuli tayo."

"Kaya dapat wag kang papahuli."

"Subukan ko po kuya."

"Para kay JD, may ginagawa rin ako hinahanap ko yong ebedensyang sinasabi ni Detective D laban kay JD at least kung alam natin ang hawak nila madedepensahan natin, ganon din si Two."

"Two? Sino siya?"

"Hindi ko rin kilala pero pinagkakatiwalaan ni JD kaya nagtitiwala rin ako sakanya, kakampi natin siya, siya yong kasama namin sa puntod ni Yvon noong hinuli si JD."

"Ah..yung naka hoodie Jacket kuya."

"Oo siya nga."

"Para kay kuya, makikipagtulungan ako, sana makakuha tayo ng ibang inpormasyon upang mabaling sa iba at hindi kay kuya ang kaso ni ate Yvon."

"Nga pala Josh, kaya mo bang i-trace kung sino ang nagmanipula sa account ko?"

"Pwede kuya pero hindi yong mismong tao yong IP address lang."

"Mahirap din pala, pero malaki ang hinala ko na kung sino man ng nagmanipula sa account ko ay may malaking parte sa pagpatay kay Yvon o baka siya ang tunay na pumatay kay Yvon."

"Sige kuya ite-trace natin yong kuya Kevin."

"Salamat Josh, pagtutulungan natin to, oh siya Josh kung may kaylangan ka sabihin mo lang saken, nangako ako kay JD na ako bahala sayo at Josh mag ingat ka palagi kase nasa kung saan-saan lang ang killer ni Yvon."

"Salamat kuya Kevin, opo mag iingat ako kayo rin po kuya."

"Oo naman, sige na mauuna na ako may gagawin pa ako."

"Sige kuya ingat, salamat tawagan ko nalang kayo pag may nakuha na akong inpormasyon."

"Sige basta wag mong sabihin sa iba dapat tayo-tayo lang."

--Umalis na nga si Kevin sa bahay nila Josh at nagkaroon siya ng masmalaking tsansa sa kaso ni JD sa kung sino ang pumatay kay Yvon--

[Sa pagtutulungan nina Josh, Kevin at Two mapapalaya kaya nila si JD at mapapanagot na kaya ang tunay ng killer? Mapapasok kaya ni Josh ang account ni Jazz Antonio? Sino nga kaya ang nag-set up kay Kevin noon? Ating alamin ang mga kasagutan sa susunod na Chapter]

Up Next Chapter 41

Story #6
02-19-18
Silentwolf
Tahimik na Lobo

Ps. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.

[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]

Who Killed My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon