WKMG Chapter 30

19 0 0
                                    

Chapter 30

Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story

[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]

#Chapter 30
--Jazz Antonio--

--Sa pagiimbistiga ni Detective D ay kanyang nakita ang mga ilegal na gawa ni Jazz, may mga business siyang walang mga permit, marami siyang mga sasakyan mga aset may bahay siya iba't ibang lugar, marami rin siyang mga blotter sa mga prisinto pero hindi nakakasuhan dahil sa naaareglo lang ng mga ito karamihan ay pambubugbog sa mga bars at public scandal. Dahil dito ay pumunta siya sa kanilang bahay--

"Eto na yata yung bahay ni Jazz" ani ni detective D

--Nag door bell--

"Ding dong"

"Sino sila" boses mula sa kung saan

"Aba hi-tech tong bahay niya ah" ani ni detective D, at kanyang nakita ang isang speaker sa may taas ng door bell botton

"Magandang umaga po, ako po si PO II Teodor Diza o maskilala sa pangalan Detective D"

"Magandang umaga rin po Sir! Ano po bang kaylangan natin Sir?"

"Gusto ko sanang makausap si Jazz Antonio, may ilang katanungan lang ako para sakanya" ani ni Detective D

"Ay!! Sir wala pa po siya" sagot ng babae nang biglang

--Pppaaaaaahhhpp.. Pahhpp Pahpp..--
--Isang napakamalakas na busina na gumulat kay Detective D na dahilan upang mapalingon siya sa likod, isang napakagarang sasakyan ang kanyang nakita nanakaharap sa gate ng bahay nang walang ano-anoy bumukas ang gate at umabante na ang sasakyan sa pagtapat ng drive side window kay detective D ay biglang huminto ang sasakyan at bumababa ang bintana, isang makapal na usok ang lumabas mula dito--

"Hey Sir Good morning ang aga niyo naman Sir anong ating?" Sigang wika ng driver

"Sir good morning! Mukhang may hangover tayo Sir ah, narito ako para kay Jazz Antonio at mukhang kaharap ko na siya" sagot ni Detective D

"Hahaha (devil laugh) manghuhula ka ba Sir ang galing mo tama ka ha ha ha ha" tugon ni Jazz kasabay ng pagbuga ng usok mula sa vape niya

"Welcome ka Sir sa aking munting bahay, tara Sir pasok kayo" muling ani ni Jazz

--Pumasok na nga sila sa loob ng bahay pagpark ni Jazz sa kanyang sasakyan ay sinamahan na niya si Detective D sa paglalakad--

"Ya!! Bakit naman hindi niyo pinapasok si Sir" ani ni Jazz sa katulong

"Eh Si--sir"
"Sshhhh!! Wag kanang magsalita maghanda ka nalang na makakain, gusto ko yung fresh tuna slice at freh beef gusto kong kumain ng hilaw go go go" sabi ni Jazz sa katulong

"Pasensya na Sir medyo nagiingat lang ang mga katulong ko siguro kaya hindi ka pinapasok agad kung ano man ang pinunta niyo dito sa aking bahay ay wag na muna nating isipin yon gusto kong paglingkuran ka muna feel at home Sir" muling ani ni Jazz

"Salamat Jazz sige pagbibigyan kita pero Jazz dapat ay pagbigyan mo rin ako mamaya" sagot ni Detective D

"No problem Sir, gusto mo ba ng wisky?" Tugon ni Jazz

"Hindi tubig nalang" sagot ni Detective D

"Napakalaki ng bahay mo Jazz ikaw lang ba ang nakatira dito" pasunod ni detective D

"Ha ha ha ha.. Sir naman, regalo ito ni daddy saken. Oo ako lang nakatira dito pero madalas marami akong bisista mga girls alam mo na Sir habulin ako ng girls ahh ahh ahh" ani ni Jazz

"Ahh.. Edi madalas maraming ganap dito?"

"Syempre Sir party party millenials era na ngayon Sir"

"Pero Iho magingat kayo baka kung ano ano ang ginagawa niyo dito ah"

"Sir matino naman kami Sir at kung meron man kaming gagawin walang makakaalam ha ha ha joke lang Sir"

"Hahaha(sarcastic) saan ka ba galing Jazz"

"Galing ako sa isang party ng barkada ko Sir boring nga eh may girls pero puta ampapanget nakakasuka pwe"

"Iba na talaga mga kabataan ngayon"

"Very true Sir"
"Ya matagal pa ba?"
"Eto na Sir" sagot ng katulong

"Sir kanin muna tayo, mas magandang magusap kung busog, ya may sabaw ba diyan pampawala ng hangover"

"Sandali lang Sir at ipapainit ko yung sabaw" sagot ng katulong

"Sir kain lang nang kain feel at home Sir"

"Salamat Jazz ang dami naman nito ang galente mo"

"Nako Sir kunti palang yan madalas parang pyestahan dito sa bahay lalo na kung narito ang buong grupo"

"Grupo? Ano grupo Jazz"

"Yung brotherhood at sisterhood namin Sir, fraternity pero legal yun Sir"

"Gaano ba sila kadalas dito?"

"Every saturday night dito kami party party at meeting minsan biglaan kung matrip nila sugod sila dito ha ha ha"

"Sir kain lang wag kang mahiya Sir welcome lahat ng pumupunta dito sa bahay, kumbaga pagshare ng biyaya"

"Salamat Jazz"

--lumipas pa ang ilang minuto at natapos na silang kumain, nagkwekwentohan pa sila ng kung ano ano, isang taktika sa paghuli sa kunh anong tinagago ni Jazz alam ito ni Detective D kaya sumasabay siya sa kwento ni Jazz hanggang sa--

"Sir tara sa likod doon tayo mag usap sa kung ano ang iyong pakay saken" ani ni Jazz noon ay nagtungo nanga sila sa liko ng bahay ni Jazz

--Dito ay nagulat si Detective D sa kanyang nakita--

[Ano kaya ang nakita ni detective D sa likod bahay ni Jazz? Ano kayang sagot ni Jazz sa mga itatanong ni Detective D tungkol sa kaso nila kay JD noon at sa kaso ni Yvon? May kinalaman nga ba talaga si Jazz sa pagkamatay ni Yvon? Ating alamin sa susunod na Chapter]

Up Next Chapter 31

Story #6
01-23-18
Silentwolf
Tahimik na Lobo

Ps. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.

[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]

Who Killed My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon