WKMG Chapter 52 (final chap)

8 0 0
                                    

Chapter 52

Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story

[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang,  kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]

Chapter 52
--Melisa Revelation--

"Siguro nagtataka kayo, ako rin naman nagtataka noong makita ko si Yvon kung bakit kamukha ko siya, salamat kay Jazz dahil sa pangalan na sinigaw niya noon nalaman ko na may kakambal ako pero patawarin ako ng Diyos put*ng ina mo pinatay mo si Yvon sa pag-aakalang siya ang nakakuha ng video sa inyo, wala kang awa  demonyo ka, tinurture niyo pa siya para lang sabihin kung nasaan ang video!" umiiyak na ani ni Melisa.

"JD sorry kung si Yvon ang nabiktima sorry sa Mommy ni Yvon, noong gabing iyon plano kung sabihin na kay Yvon na may kakambal siya pero naunahan na nila ako noon, si Mia ang isa sa nagset-up kay Yvon sa ginanap na Aniversary ng fraternity nila Jazz, huwag mo nang ipagkaila Mia alam ko ang lahat-lahat!" muling ani ni Melisa.

"Oo ako ang nagset-up kay Yvon para pumunta sa party ako rin ang nagset-up kay Kevin para madiin sa kaso ni Yvon, pero wala akong kasalanan sa pagkakapatay ni Yvon wala ako sa crime scene o kung saan man pinatay si Yvon, Si Jazz Antonio at Detective D ang pumatay kay Yvon, sorry JD  alam kung galit ka sa akin, sana paginggan mo rin ako dahil naipit lang din ako kay Jazz kase binantaan niya akong papatayin ka niya kung hindi ko gagawin ang mga iyon!" humihikbing ani ni Mia.

Walang masabi si JD, gabuhos ang iyak niya dahil sa mga natunghayan niya noon ay niyakap siya ng Mommy ni Yvon doon sinabi ni Mommy ni Yvon na nakita lang nila si Yvon noon sa harap ng kanilang bahay noon ay naalala ni JD ang unang kwento niya na nag-agaw buhay siya noong ipanganak niya ang kuya ni Yvon, doon ay naging malinaw na ang lahat lumapit si Melisa kay JD at niyakap niya ito, habang si Atty. Lacsamana naman ay prinisenta na ang warrant of arrest para kay Jazz at Javier Antonio pati narin si Detective D.

"JD sana patawarin mo ako dapat ako ang namatay hindi si Yvon!" umiiyak na ani ni Melisa.

"Wala kang kasalanan Melisa salamat sa lahat-lahat salamat!" umiiyak na sagot ni JD.

"Ngayon matatahimik na ang kaluluwa ni Yvon salamat sa iyo Melisa, pwede ba kitang yakapin miss na miss ko na kase si Yvon!" Maluha-luhang ani ng Mommy ni Yvon habang hinahaplos ang mukha ni Melisa.
---
-6 months later-

Nakalipas ang ilang buwan tuluyan nangan nakulong sina Jazz at ang kanyang Ama at si Detective D, napawalang sala naman si Mia dahil wala siyang derektang partisipasyon sa krimen, habang si JD ay nagtapos na sa kurso niyang Accountancy naging Registered nurse na rin si Melisa.

Sa 1st death anniversary ni Yvon ay muling nagkita si Melisa at JD.

"Hi.. Long time ni see!" maligong bati ni JD kay Melisa.

"Oh! Ikaw pala JD, kamusta?" naka ngiting tugong ni Melisa.

"Heto, medyo okey na, parang kahapon lang nangyari ang lahat no pero isang taon na palang wala si Yvon!"

"Mabuti naman kung ganon, hindi na natin maibabalik si Yvon its time na siguro na mag-move on na tayo beside payapa na si Yvon at hindi niya gusto na nalulungkot ka!" naka ngiting sagot ni Melisa.

"Oo nga, napanaginipan ko nga siya eh! Bakit daw hindi pa ako magmahal ng iba, sabi ko naman wala pa akong nakikitang kasing ganda mo, alam mo ang sabi niya?"

"Ano?"

"Huwag na secret lang, may paniniwala kase na pag sinabi mo ang panaginip mo eh hindi na matutupad, gusto kung matupad ang panaginip kong iyon!" naka ngiting ani ni JD habang nakatitig sa mata ni Melisa.

"Labo mo JD tsk!"

"Gusto na kase kita, mahal na kita!" bulong ni JD sa hangin.

"Ano may sinabi ka ba?"

"Wala po wala akong sinabi!"

"Hoy, John Darel Cruz may narinig ako, sabihin mo isa!"

"Wala nga po Melisa naman eh!"

"Hay nako, Yvon pektusan mo nga itong si JD isa lang kambal please!" patawang ani ni Melisa, ilang oras pa ang dumaan at nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa paligid tanging ang liwanag mula sa munting kandila ang ilaw nila kasabay ng malamig na hanging dumadampi sa kanilang balat at muling tumama ang tingin nila sa mata ng bawat isa.

Ngumiti si JD, "Melisa hindi ko alam kung tama ba ito o mali." Hinawakan ang mukha ni Melisa habang nagtitinginan parin ang kanilang mga mata.
"Ako rin naman JD, pero ewan ko siguro dahil sa haba na rin ng pinagsamahan natin kaya ganito." nakangiting ani ni Melisa habang manunuo ang kanyang mga luha.
"Pero walang mali hindi ba, Melisa mahal kita, hindi ko alam kung kailan, ang alam ko lang mahal kita!" gumulong ang luha ni JD habang binibitawan ang mga salitang iyon.

"JD mahal din naman kita, mahal na mahal kita!" humihikbing sagot ni Melisa, agad na niyakap ni JD si Melisa kasabay ng pag-iyak nila ang paglitaw ng bulalakaw sa kalangitan na tila natutuwa rin si Yvon sa kanilang dalawa.

"Melisa tignan mo meteors shower!"
"Oo nga, ang ganda"
"Salamat Yvon!" sigaw ni JD
"Melisa, babe ko may ibibigay pala ako!"
"Babe ko? Duh ang baduy JD love na lang ang call sign natin, ano ba ang ibibigay mo?"
"Sige ba Love! Eto love!"
"Hala buti hindi mo ito nawala love!"
"Tinago ko yan kase sabi mo kukunin mo at alam ko importante sayo ito."
"Oo ito nalang kase ang alala ko kung sino ang tunay na magulang namin ni Yvon." naka ngusong ani ni Melisa, habang pinagmamasdan ang litrato nila noong baby pa sila na naiwan niya kay JD noon.

"Ssshh tahan na love, gusto mo bang hanapin natin ang tunay na magulang niyo ni Yvon?" nakangiting ani ni JD kay Melisa, isang marikit na ngiti ang bumungad sa labi ni Melisa at sa unang pagkakataon ay hinalikan ni JD ang mapupulang labi niya.

--Hindi man agad na nakuha ni Yvon ang hustisya sa huli naman ay nakamit niya ito, sadyangang walang lihim na hindi mabubunyag kahit anong pilit nating itago,
Kaya kung may mga makikita tayong mali dapat agad na nating ipagbigay alam at huwag na nating hintayin na may mapahamak pang iba.
In loving memory of Yvon Dela Tore--

END.

[Ps. Mahahanap kaya nila ang tunay na magulang ni Melisa at Yvon]

Story #6
03-25-18
Author Silentwolf

Ps. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.

[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]

Author,
Hi guys! Salamat sa pagsubaybay sa kuwento sana ay nagustuhan niyo ito, sorry kinailangan kong tapusin na dahil sa daming ganap. Sa ngayon iniisip ko pa kung ano ang susunod kong isusulat siguro about sa history o science fiction basta abangan na lang po.. Kung may sequel itong Who Killed My Girlfriend(WKMG) hindi ko pa alam puwede siguro Finding My Girlfriend Parents (FMGP)..hmmp! Abangan thank you so much --Silentwolf

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Who Killed My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon