WKMG Chapter 15

10 0 0
                                    

Chapter 15

Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story

[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]

#Chapter 15
-Mesahe ng Panaginip-

"JD, wala na ako, hindi mo na ako makikita pa, pero alam ko sa puso mo never akong mawawala, JD may sasabihin akong importante sa aking pagkawala"

--Naguguluhan si JD sa kung anong sinasabi ni Yvon, nagtititigan sila sa mata--

"Basta Yvon mahal na mahal kita!! Ano ba yung sasabihin mo tungkol sa iyong pagkawala?"

--Sa pagpapatuloy--

"JD, hindi mo ba na aalala? Wala na ako"

"Yvon naman eh, Ano ba yung gusto mong sabihin na may kinalaman sa pagkawala mo"

"JD, sorry ha, kase naiwan kita, babe kung ano man ang mga bagay na hindi mo sinasadyang nagawa babe pinapatawad na kita babe alam ko na mahal na mahal mo ako, babe sana maging okey kana babe sana makahanap ka ng bagong babaeng mamahalin gaya ng pagmamahal mo saken babe, mag ingat ka sa kung sino man ang nakakasalamuha mo, wag kang masyadong magtitiwala sa mga taong nagpapakita sayo ng halaga babe, kung gagawa ka ng hakbang babe pwede bang wag mong ipaalam kahit na sino pagkat sarili mo lang ngayon ang dapat mong pagkatiwalaan at babe mag ingat araw-araw ah. Lalabas din ang totoo sa tamang panahon may dahilan ang lahat ng nangyari babe. Babe sana sa pagmulat mo ng iyong mga mata ay lumitaw na rin ang katotohanang nais mong malaman, naririto lang ako JD dito sa puso mo. JD, babe gusto kong ipagpatuloy mo ang mga pangarap natin at gusto kong ipagpatuloy mo ang buhay mo kahit na wala na ako, babe mahal na mahal kita JD"

--hinawakan ni Yvon ang mukha ni JD at inilapit niya ito sa kanyang mukha, kasabay ng isang mahinhin na lubong na 'I love you JD' at isang matamis na halik, tumulo ang luha ni JD at gumulong ito sakanyang pisngi na dahilan ng pagbalik ng kanyang ulirat, sa pagmulat ng kanyang mga mata ay aninag niya ang sumisilip na sinag ng araw, umaga na pala. Hindi parin niya mawari na panaginip lang pala ang lahat, ang kasal at si Yvon inilapat ni JD ang kayang palad sa pangalan ni Yvon na nakaukit sa kulay abong marmol sa lapida ni Yvon, tumama sakanyang mga mata ang isang napakakintab ng kinang nakagaling sa kanyang daliri, ang sing-sing! Ang couple ring nila ni Yvon, tumulo ang luha ni JD habang pilit na binabalik balikan ni JD ang mga nangyari sa kanyang panaginip. Tuluyan lang nagising ang diwa niya nang tumunog ang kanyang cellphone."

"Kring"
"Kring"
"Krinngg"

"Hello, JD hindi ka raw umuwi? Saan ka natulog? Bakit 'di mo man lang ako sinabihan"

"Mia, sino ka ba para sabihan ko? Pero salamat sa pag alala, pero kaya ko ang sarili ko"

"Saan ka ba puntahan kita"

"No, Mia nakalimutan mo na ba ang ginawa mo sakin"

"JD, I made a promise to Yvon na aalagaan kita"

"I don't need your care Mia"

"JD"

"Bye"

--tooottt--

--Sa pagbaba ni JD, sa cellphone niya ay biglang, sumagi sa isip niya ang mga huling salita na binitawan ni Yvon sakanyang panaginip "wag kang masyadong magtitiwala sa mga taong nagpapakita sayo ng halaga babe, kung gagawa ka ng hakbang babe pwede bang wag mong ipaalam kahit na sino pagkat sarili mo lang ngayon ang dapat mong pagkatiwalaan"--

"Yvon, ano bang gusto mong iparating na wag akong masyadong magtitiwala sa mga nagpapakita ng halaga saken? Yvon babe hindi ko maintindihan pero gagawin ko ang sinabi mo babe na hindi ko sasabihin kahit kanino ang mga gagawin kong hakbang sa kaso mo, salamat babe, salamat"

--Hinalikan ni JD ang sing-sing niya sa kanyang daliri, habang patuloy ang pag tirik ng araw ay unti-unti naring nahimasmasan si JD at nag desisyon ng umuwi--

"Yvon, babe iiwan na muna kita, Oo tama ka babe dapat ipagpatuloy ko ang mga nasimulan nating pangarap sa buhay, salamat babe sa lahat lahat kahit na wala kana binisita mo parin ako sa panaginip salamat babe, I love you"

--Umuwi na nga si JD, at habang siya ay pauwi at paulit ulit na bumabalik ng mga sinabi ni Yvon, na wag siyang magtitiwala sa mga taong nagbibigay halaga sakanya, nagugulohan siya pero alam ni JD na isa itong pahiwatig para sakanya, pero ang hindi niya alam kanino siya mag iingat? Sa byahe na pauwi ay nakita niya ang isang poster na may nakasulat na "Friends sometimes it's a evil" lalong naguluhan si JD sa mga tumatakbo sa isip niya, hanggang nakarating na siya sa bahay nila--

"Oh kuya 'bat ngayon ka lang? San ka natulog nag alala kami sayo"

"Ok lang ako bro, nag over night ako sa puntod ni Yvon"

"Kuya, talagang mahal na mahal mo siya ano! Ano na bang balita sa kaso ni ate Yvon kuya, bulong-bulongan nila sa school yung mga classmate kong fan mo, si ate Sheena daw ang suspect"

"Ewan, Josh kase malinis ang pagkakapatay kay Yvon, pero sa ngayon si Kevin Valdez ang naka kulong kase siya ang tinuturo ng mga ebedensya, yung hikaw yung pagnanasa niya kay Yvon, yung mga Chat convo nila sa FB messenger, pero tinananggi niya lahat parang sinasabi niya na naset up lang siya"

"Kuya lahat naman ng lalaki sa campus may pagnanasa kay Yvon eh kase matalino, maganda, maputi, makinis, sexy rin siya, kaya ang daming naiingit sayo kuya eh pero wait Kevin Valdez diba barkada mo yon dati kuya"

"Pero alam naman nilang lahat na hindi pampam si Yvon, at magbigay ka ng galang Josh ate Yvon kamo, wag mong sabihin na may gusto ka rin kay Yvon loko!-
At Oo barkada ko dati, kaso nag bago siya after niyang magnirahan sa Hawaii"

"Kuya naman eh crush lang naman,
Sabi-sabi nga nila parang naging praning daw siya siguro dahil sa drugs"

"Pag-aaral mo atupagin loko.
At Josh, wag kang magsalita ng ganyan wala kang pruweba"

"Opo kuya! Badtrip ka! Crush lang naman,
Nakaka-awa si Ate Yvon kuya no, pero sana mahuli na ang gumawa nito sakanya"

"Pag dasal nalang natin siya, oh siya may gagawin pa ako, may itetrace ako"

"Copy kuya, tulongan kita kuya magaling ako sa mga ganyan"

"Wag na"

--Tumungo na si JD sa kwarto niya at sa pagbukas niya ng pinto ay tumunog ang phone, isang text mula sa abogado ni Yvon, nakapaloob dito ang mga detalye sa unang pagtitilis sa kay Kevin pagkatapos niyang mabasa ay pumasok na ito sa loob at simulan na niya ang kanyang mga plano, sa sariling pag-iimbistiga sa kaso ni Yvon--

[Ano kaya ang makikita ni JD? Ano kaya ang mang yayari sa unang pagdinig sa kaso ni Yvon? Ano kaya ang magiging depensa ni Kevin? Alamin sa susunod na chapter]

Up Next Chapter 16

Story #6
12-25-17
Silentwolf
Tahimik na Lobo

Ps. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.

[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]

Who Killed My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon