WKMG Chapter 27

7 0 0
                                    

Chapter 27

Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story

[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]

#Chapter 27
--Salaysay ni Fox Zen--

--Sa Prisinto kinausap ulit ni Detective D si Fox zen, sinabi niya na dapat ay ang katotohanan ang sabihin niya pagkat kung hindi maaari siyang kasuhan o masangkot sa kaso ni Yvon, nangako naman si Fox Zen na pawang ang katotohanan lang ang sasabihin niya.--

"Oh Iho alam mo na ang mga dapat at hindi dapat, sanay makipagtulungan ka Iho para alalahanin mo may namatay na walang kalaban-laban" ani ni detective D

"Opi Sir" sagot ni Fox Zen

--Sinimulan nanga ni Fox Zen ang pagbibigay salaysay sa kaso nila kay JD at Kevin noon, sinabi niya na hindi niya alam kung saan sila pupunta pagkat niyaya lang sila ni Jazz kaya sumama siya at laling gulat nalang niya noon nakita nila si JD at inatake agad agda ni Jazz sinuntok niya ito sa mukha nang pagkalakas-lakas sinundan pa niya ito ng ilang suntok at tinihod ang sikmura nito dahilan upang manghina siya hanggang sa sinigawan kami ni Jazz na "ano na 'di ba kayo tutulong sa pagbugbog sa g*g*ng 'to? Tignan lang natin kung may magkakagusto pa sayo ngayon wawasakin ko na ang pagmumukha mo, ano samahan niyo ako" sa grupo lahat takot kay Jazz kase may posisyon siya sa Frat hindi ko alam kung anong pisisyon niya kase confidential info na yun, at alam ng lahat na judge ang tatay niya kaya takot ang karamihan, kaya kahit ayaw pa naming sumali sa ginagawa niya wala na kaming nagawa kundi tulungan siya nakisali na kami sa pagbubugbog niya kay JD hanggang sa natumba na siya pero sige parin si Jazz kahit duguan na ang mukha ni JD nang biglang sumulpot si Kevin at tinulungan si JD hindi namin siya inaasahan kaya nabigla kami naunahan ba kaya hindi na kami nakapalag napuruhan ako sa may panga dahilan para manghina ako ganon din sa kasama namin at kay Jazz noon natumba na kami agad agad na binangon ni Kevin si JD at tinanong kung ok lang siya nahimasmasan si JD ay sinabing ok lang siya itinayo na ni Kevin si JD at umalis na pero nakakailang hakbang palang sila ay bumunot si Jazz ng kutsilyo at kanyang sinaksak ngunit sa kasamahang palad nakita ni Kevin kaya umikot siya at siya ang nasaksak ni Jazs pagka saksak niya ay agad agad na kaming nagtakbuhan sa kung saan hanggang sa nalaman ng university at kinick na kami dumating narin ang warrant namin noon pero bago pa yun ay kinausap na kami ni Jazz na walang magsasalita at siya naraw ang bahala kaya hindi na kami nagsalita at sila nalang ang gumawa ng paraan at napawalang sala kami hindi ko alam kung paano pero ang alam ko lang ay pumayag ang kampo ni Kevin na maareglo ang kaso kase magkakilala raw ang tatay ni Jazz at Kevin hindi ko sure pero sabi nila magkabrod daw sila sa frat yun lang detective D--

"Eh sa kaso ni Yvon Iho may gusto ka bang sabihin hingil dito" wika ni detective D

"Sa kaso naman ni Yvon, hindi ko sure kung ano ba ang nangyari kase matagal na akong wala sa university kahit na kilala ko si Yvon noon pa man hindi ko rin inakala na papatayin siya, siguro Sir dahil sa koneksyon niya kay JD o baka dahil kay JD kaya pinatay si Yvon para gumanti, at sa nakikita ko si Jazz lang ang may rason para gumanti kay JD ganon kase si Jazz kung anong gusto niya kukunin niya kung anong meron siya dapat sakanya lang at mainitin ang ulo niya ewan ko lang kung Sir pero hinala lang yon matagal na rin kaseng wala akong kumunikasyon sakanila pati sa frat wala na rin last November gumawa sila ng event for the aniversary ng Fraternity pero hindi na ako pumunta busy narin ako sa study ko at hindi ko na kayang balikan ang masamang nangyari sa akin noon. Ang hirap kayang maghanap ng school na tatanggap sayo kung may case ka dati at pangit na record, kaya yun focus ako sa study ko ngayon, kaya narin ako pumayag na magbigay salaysalay kase may natutunan ako na dapat sabihin ang tama at panindingan ang tama hanggang sa huli kahit anong mangyari pa."

"Salamat sayo Iho sa salaysay mo, natutuwa ako dahil ngayon may paninindigan kana ipagpatuloy mo iyan Fox" wika ni dective D

"Walang ano kan Sir basta kung may katanungan pa kayo tawagan niyo lang ako. Kawawa naman kase si Yvon kung hindi niya makakamtan ang hustisiya.. Sir paki abot nalang kay JD ang aking pakikiramay"

"Pasasaan 'bat malalaman din natin kung sino ang pumatay at nagpahirap kay Yvon sa lalong madaling panahon kase walang lihim na hindi nabubunyag.. Sige Fox makakarating sakanya nga pala sana'y magka-ayos na kayo, oh siya Iho muli salamat sa kooperasyon mo" sagot ni detective D sabay abot sakanyang kamay

"Walang ano man Sir" tugon ni Fox at nagkamayan sila

--Samantala--

--Habang namamasyal si JD sa isang mall ay nakita ito ni Mia--

"JD musta anong ginagawa mo" bati ni Mia kay JD

"Tsk! Syempre nagmamall" sagot ni JD halata sa inis siya kay Mia

"JD naman hindi pa ba tayo ok, sorry na JD alam mo hindi na nga ako nakakatulog dahil sa ganitong sitwasyon natin eh, pwede bang ibalik natin ang dating samahan natin JD" paawang tugon ni Mia

"Mia akala mo ba ganon ganon napang yon? Akala mo ba madaling kalimutan yon? Mia iba na ako hindi na ako yung dating JD noon nagbago ako dahil kay Yvon" medyo pasigaw na sagot ni JD

"Yvon ! Yvon ! Yvon ! Lagi nalang si Yvon!! JD alalahanin mo ako ang una bago si Yvon ako ang dahilan kaya nakilala mo si Yvon JD ano ba wala na si Yvon pero narito ako JD naririto ako" tugon ni Mia na pasigaw

"What Mia? How could you say that! Mia una sa lahat hindi kita gusto, ibang iba kay Yvon. You will never be Yvon, Mia just leave me alone baka makalimutan ko lahat ng pinagsamahan natin at kalimutan narin kita bilang kaibigan" sagot ni JD sabay lakad palayo

--hinawakan ni Mia ang kamay ni JD, na dahilan para lumingon ito, kayang tinanggal ang nakakapit na kamah ni Mia sakanyang palad at lumakad na, sa paglakad niya palayo ay paulit ulit sa isip niya ang sinabi ni Mia na "Yvon! Yvon! Yvon!" Sa pagtanaw niya ka malayo ay nakita niya si Yvon, Oo nakita niya at buhay na buhay napatigil siya sa paglalakad at napako ang mga mata niya dito, hanggang ang babae ay lumakad na doon ay tumakbo narin si JD tungo sa babae pero biglang nawala na nito sakanyang paningin.--

[Mas pinatibay pa ng salaysay ni Fox Zen ang maaring koneksyon ni Jazz Antonio sa kaso ni Yvon ngunit sapat na ba ito upang ilagay sa suspect list si Jazz? Ano kaya ang susunod na hakbang ni detective D? Totoo kaya ang nakita ni JD O dahil lang ito sa ilusyon niya? Ating alamin sa susunod na Chapter]

Up Next Chapter 28

Story #6
01-16-18
Silentwolf
Tahimik na Lobo

Ps. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.

[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]

Who Killed My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon