WKMG Chapter 3

9 0 0
                                    

Chapter 3

Who Killed My Girlfriend
Ni Silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story
-
[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]

#Chapter 3
-interrogation-

-Inimbitahan na nga sa prisinto si Sheena Gonzales. Ayon sa profile ni Sheena, siya ay batch mate ni Yvon mula sa elementarya hanggang 2nd year high school, nagtransfer siya sa ibang eskwelahan noong 3rd year at 4th year sa high school sa dahil sa personal reason. Second honor siya noong elementarya, at si Yvon ang first honor, noong high school siya ang top two siya sa ranking sa batch nila at si Yvon ang top one, hanggang nag transfer siya sa ibang school.-

"Iha, marapat na pawang katotohanan lang iyong sabihin sa iyong salaysay pagkat kung hindi ito totoo maari kang kasuhan ng falsification of document"- ani ni detective D

"Alam ko po iyon sir" -sagot ni Sheena

"Kung gangoy simulan muna" -tugon ni detective D

"Ilang linggo narin ang nakakaraan, nagkasabay kami ni Yvon mauwi sa dorm kase magkalapit kami ng dorm, at dahil sa tumatawag noon ang aking mommy umupo muna ako sa harap ng dorm ko samantalang si Yvon ay pumasok na sa dorm niya, nang 'di nagtagal dumating si JD sa dorm ni Yvon dahil sa nakasarado kumatok siya 'di ko man narinig pero nakita ko na may sinabi siya habang kumakatok siya, marahil sinabi niya na "Si JD 'to", 'di kalaunay pinagbukasan ito ni Yvon, aking rin nakita si Yvon 'di pa siya nakaka pagpalit ng damit kase naka bra lang siya, noon ay pumasok na silang dalawa sa loob at sinara ang pinto. Natapos narin ang paguusap namin ni mommy kaya pumasok narin ako sa loob ng aking dorm. Habang ako ay nagpapalit ng damit ay rinig ko ang tawanan nila Yvon at JD, para bang naglolokohan sila yung humahagikgik si Yvon parang kinikiliti ni JD, dahil doon kinuha ko ang aking phone at nagpatugtog para 'di ko sila marinig, nakalipas ang ilang minuto dahil sa nagugutom ako lumabas ako para bumili ng makakain, dumaan ako sa harap ng dorm ni Yvon at ang dating hagikgikan ay napalitan ng parang patatalo narinig ko ang sinasabi ni Yvon ay "Ayoko nga ng ganyan, JD ano ba, ayoko ko nga, ibibigay ko rin ito pero sa tamang panahon" pero parang pinipilit ni JD kase ang sinasabi niya "sige na pls. Yvon macocontrol ko naman Yvon babe sige ngayon lang pagbigyan mo na ako" narinig ko rin ang tugog ng paghalik marahil hinahalikan ni JD si Yvon at bago pa ako makalampas sa dorm niya at narinig ko ang malakas na tunog "PLAAKK" siguro sinampal ni Yvon si JD dahil sa pagpilipit nito. Hindi ko man kita ang nangyayari sa loob pero malinaw ang aking mga narinig, at sa pagbalik ko galing sa tindahan ay nakita ko ang paglabas ni JD sa dorm ni Yvon at nakita ko rin si Yvon at nagbeso-beso sila. Patay malisya nalang ako noon kase nakakailang tignan yung mga ganon yun lang po ang aking isasalaysay Sir"-wika ni Sheena

"Napaka importante ang iyong salaysay iha, ito ay sobrang makakatulong sa imbestigasyon, ngayon si JD ay kasali na sa mga Person of interest sa kaso ni Yvon" -Ani ni detective D

-noong araw na iyon ay pinatawag si JD sa prisinto upang sagutin ang mga katanungan hingil sa nangyari kay Yvon base sa salaysay ni Sheena-

"JD iho, may mga nakalap kaming inpormasyon na nagkaroon kayo ng pagtatalo ni Yvon noon ilang linggo na ang nakakalipas bago ang pagpaslang sa kanya maaari mo bang isalaysay ang iyong panig iho"- wika ni detective D

"Detective D, (namumuo ang luha) ano 'to ako na ba ang suspect sa pagpatay kay Yvon? Detective D, hindi ko magagawa yon sa girlfriend ko, at ano bang pagtatalo ang sinasabi niyo detective? Sino ba ang nagsabi sa inyo na nagtatalo kami kase detective D never pa kaming nag argue ni Yvon kase kung meron kaming 'di pagkakaintindihan nag gigive way na ako para 'di kami umabot sa pagpapalitan ng salita"- ani ni JD na lumuluha.

"Nagbigay ng salaysay si Sheena yung nagdodorm malapit sa dorm ni Yvon at nakasad dito sa salaysay niya na narinig nuya kayong nagtatalo sa loob ng dorm ni Yvon na parang pinipilit mo daw siya"- tugon ni detective D

"Sheena?? Naalala ko na, marahil detective D iba lang ang pagkakaunawa ni Sheena sa kanyang narining, kase noong time na pumunta ako sa dorm ni Yvon kakaupdate ko lang sa snapchat ko kaya pinipilit ko suyang mag picture-picture kami may video pa nga kami, alam niyo ang sakit-sakit sa loob na ako ang pinagbibintangan nyong gumawa sa pagkamatay ni Yvon, Sir hindi ko magagawa yon mahal na mahal ko si Yvon, siguro kaya sinabi ni Sheena ang mga yon kase baka may galit pa siya saken, naalala ko pa noong umamin siya sakin--

(Flashback)
-Chat Convo-

Sheena-hi Mr. Star player ng university!

JD- hello, salamat sa pag recognize.

Sheena- alam mo super fan mo ako, always nga akong naglilike sa mga post mo sa fb pero seems like hindi mo napapansin?

JD- sorry po, pero thank you sa suporta.

Sheena- can you send me some pic.?

JD- pic? Para saan?

Sheena- sige na magsesend din ako, at alam ko magugustohan mo ang isesend ko.

JD- huh??? Wait 'di ko gets yan sinasabi mo mo miss.

Sheena- magsesend ako ng nude pic ko sayo if gusto mo, alam mo ba na nag first runner up ako sa miss university dito sa school, mas sexy pa ako kesa doon sa nag miss university nachoked lang ako kase sa Q&A kaya first runner up lang. Ano magsesend ako ng nude sure maglalaway ka.

JD- huh?? Miss alam mo mali yan ginagawa mo.

Sheena- ano bang mali eh, gusto kita mahal kita bakit ayaw mo ba?

JD- Miss mali yun, yung magsend ng nude pic. Tas hindi ako gaya ng ibang lalake dyan. Tas isa pa may Girlfriend ako si Yvon yung nag miss universty at kahit 'di siya sexy ok lang mahal na mahal ko yun.

Sheena- ano ha? Gf mo si Yvon? Pati ba naman sa gusto kong lalake kaagaw ko siya? What a destiny! Habang buhay nalang ba kaming magkokompetensya? Kaylan ko ba siya malalamangan?

JD- Seems like kilala mo siya miss.

Sheena- Oo, siyang ang number one karebal ko since elementary until now.

JD- oh!! Sorry for that pero si Yvon hindi naman siya nakikipagkompetesnya sa kung sino man mabait siya, siguro namimis-interpret mo lang.

Sheena- hays, ok seems like talo na ako kase Girlfriend mo siya. Ang swerte niya talaga How I wish na ako nalang siya.

JD- miss wag kang maingit kase lahat tayo may iba't ibang akin. Oh siya miss! wish you luck. Thank you at mahahanap mo rin yung para sayo.

Sheena- ok JD. Pero if maghiwalay kayo dito lang ako hehe.

--yan siguro ang dahilan kung bakit siya nag conclude ng ganyan about saken or about samin ni Yvon. Ngayon Sir sabihin niyo kung sino ang nagsasabi ng totoo o kung sino ang may motibo para gawin kay Yvon ang karumaldumal na krimen"- umiiyak na wika ni JD.

"Iho, salamat sa kooperasyon mo, ang nais lang naman nating lahat ay ang alamin ang totoo diba"- tugon ni detective D

-ang suspetsya kay JD ay mali, base sa salaysay niya at sa patunay na kanyang pinakita-

"Ngayon ibabaling natin sa iba ang imbestigasyon may iba na tayong person of interest si Sheena Gonzales, base sa pinakita ni JD sa chat conversation nila siya ang may mga malaking motibo sa pagkakapaslang kay Yvon"- wika ni detective D

[May ibang suspect na naman sa kaso ni Yvon ito ay si sheena, siya na kaya ang responsable sa krimen? Ating malalaman sa susunod na chapter]

Chapter 4 up next

Story #6
6-3
11-11-17
Silentwolf
Tahimik na Lobo

Ps. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.

[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang COMMENT BOX maraming salamat]

Who Killed My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon