Chapter 51
Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]
Chapter 51
--Melisa revelation--Sa pagpapatuloy, kanilang pinanood ang video na sinasabi ni Melisa.
Sa video--
"Senator Alam mo naman na gusto kong tumakbo bilang pangulo diba!" ani ni Mr. Javier.
"Oo alam ko naman iyon pero Mr. Javier wala namang pumipigil sa atin na magkandidato bilang pangulo diba, basta tuloy parin ang syoso natin sa negosyo ang mga drugs at pagbenta ng baril tuloy parin."
"Senator ang gusto ni Daddy siya ang tumakbong pangulo!" ani ni Jazz.
"Ijo huwag kang sasabat-sabat sa usapan ng matatanda baka mapano ang bunganga mo!" ani ni Senator Diaz.
"Put*a, eh gag* ka pala eh kami parin ang may pinakamalaking share sa negosyo alam mo ba ah!" sigaw ni Jazz.
"Anak tama na, senator Diaz walang problema sa negosyo ang gusto ko lang huwag kana sanang tumuloy sa pagkandidato sa pagkapangulo!" wika ni Mr. Javier.
"Mr. Javier bakit ano bang problema hindi ba maganda kung sino man ang manalo sa ating dalawa eh tiyak na safety ang negosyo hindi ba!" ano ng senator.
"Hindi nga puwede gusto ko ako ang manalo."
"Kung ganon pala wala na akong magagawa kundi kumalas sa grupo at magtayo ng sarili kong grupo!" galit na sigaw ni Senator.
"Nakakalimunatan mo na ba ang rule senator? Teka lang at ipapaalala ko sayo!" nanlilisik na ani ni Jazz, nikasa ang baril at tinutuok kay Senator Diaz.
"Mr. Javier huwag naman..Mr.. Jav..Mr..Jaavvier..." Nanginginig na wika ni Senator Diaz, nang bilang.
--Umalingawngaw ang hindi mabilang na putok ng baril--
Sunod-sunod na putok, walang awang pinagbabaril ng mag-ama ang senator.
-
"Iyan ang patunay na hindi namatay si senator Diaz dahil sa buy bust operation ng pulis!" Wika ni Melesa, pinagpatuloy nilang pinanood ang video.
-
"Jazz alam mo na ang gagawin mo sa bangkay ha!" wika ng kanyang ama."Yes dad, tatawagan ko na si detective D para gumawa ng blotter na may buy bust operation nanganap at papalabasin nakipagputukan si senator Diaz!" sagot ni Jazz.
"Good Anak!"
-Nang biglang may nag-flash-
"Ano yon?" ani ng daddy ni Jazz, napatingin sa paligid si Jazz at napasigaw siya."Yvon?" malakas na sigaw ni Jazz, noon ay tumakbo na si Melisa.
--
"Yan! yan ang nangyari kay senator Diaz, pinatay siya." nang-gagalaiting ani ni Melisa."Melisa, ano naman ang nalalaman mo tungkol sa kayo ni Yvon?" ani ni Atty. Lacsamana.
"Dahil sa pangalan binanggit ni Jazz noong nakita niya ako ay biglang pumasok sa isip ko kung sino ba ang taong pinangalanan ni Jazz kaya nag-imbistiga ako doon ko nakilala si Yvon. Oo nag hanap ako ng inpormasyon doon ko nalaman na hindi ako nag-iisa, plano ko nang magpagpakilala kay Yvon pero bago pa mangyari iyon ay pinatay na siya, sobrang sakit para sa aking ang nangyari kay Yvon hindi dapat siya ang namatay dapat ako ang manatay, siguro ito na ang oras para malaman niyo kung sino ako!" wika ni Melisa habang namumuo ang kanyang mga luha.
Lahat ng tao sa loob ng korte ay nagtataka kung sino nga ba siya lahat nakatutok sa bawat sinasabi ni Melisa maging si JD ay nagtataka kung sino nga ba si Melisa, habang si Jazz at ang kanyang Ama ay nanginginig at hindi mapakali sa kung ano ang nangyayari pagkat malinaw ang kuha ng video na sila ang pumatay kay Senator Diaz, unti-uniting tinanggal ni Melisa ang kanyang jacket, mahaba ang buhok nito maputi, mapupungay ang kanyang mga mata kitang kita ito kahit na namumuo ang kanyang mga luha, hindi na makapaghintay ang lahat, kita sa mukha ni JD ang hindi maipaliwanag na reaksyon maging siya ay walang ideya kung sino si Melisa o Two o ang nakahoodie Jacket, unti-unting tinanggal ni Melisa ang kanyang mask, nagtaka ang lahat, doon ay umiyak si JD maging ang Mommy ni Yvon, nagulat naman si Jazz at ang kanyang Ama.
"Jazz ano ito? Hindi ba niligpit mo na si Yvon?"
"Oo pero hindi ko alam kung bakit siya narito Dad!"
[Ano kaya ang kanilang nakita? Sino nga ba si Melisa? Ating alamin sa susunod na chapter]
Up Next Chapter 52
Story #6
03-25-18
Silentwolf
Tahimik na LoboPs. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.
[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]
BINABASA MO ANG
Who Killed My Girlfriend
Mystery / Thrillera mystery/thriller/tragic/love story, this is something new. the story is all about a murdered girl, the story will run on the investigation of the case, lets find out who really killed my girlfriend.