WKMG Chapter 16

9 0 0
                                    

Chapter 16

Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story

[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]

#Chapter 16
-Sariling Imbestigasyon-

--Nagresearch si JD, kung paano niya matetrace ang nawawalang phone ni Yvon, pero duda ni JD na ang phone ni Yvon ay sinira na ito o baka naman ay sinunog na, iba't ibang paraan mga application ang ginamit niya upang matrace lang ang location sa phone ni Yvon, halos limang oras na siyang naghahanap nawawalan narin siya ng pag asa na mahahanap pa niya ito. Hanggang sa--

"Oh, God tulungan mo naman ako, Yvon please help me babe" nakatingalang bulong ni JD sa hangin

--napabuntong hininga siya--

"Hayyss, okey last chance na ito kung wala na talaga maghahanap nalang ako ng ibang paraan" muling bulong ni JD sabay pindot sa enter ng keyboard ng laptop niya

--Nagsimula nang maghanap o magtrace ang app, dahil sa nagloloading pa ito lumabas muna si JD upang kumain--

"Josh, bumili ka nga muna ng softdrinks"

"Kuya naman may ginagawa pa ako"

"Sige na Josh, please"

"Kuya naman eh"

"Ano na naman ba kase ang ginagawa mo? Wag mong sabihin kalokohan na naman niya Josh"

"Hindi kuya, syempre natututo na ako kuya, alam ko na mali ang paghack sa account ng iba ang sakit kayang mabugbog haha buti nga nakita mo kundi baka wala na rin ako"

"Mabuti naman kung ganon Josh at alam mo na ang mabuti sa hindi, oh siya bili kana ng softdrinks dali na"

--Lumabas din sa kwarto si Josh, at bumili ng softdrinks para kay JD, ngunit sa pag alala sa nakalipas ay muling bumalik ang nakaraan noong si Josh ay nabugbog--

(Flash back)

"Hoy, Hoy! Anong ginagawa niyo" malakas na sigaw ni JD tungo sa mga nagsusuntukan

"Hoy ! Tigilan niyo na" pasunod niyang sigaw

--Dahil sa walang laban si Josh, nakisali na si JD sa suntukan nila, malaki ng katawan ni JD, matikas, malalaki ang mga muscles niya, bukod sa maganda ang katawan niya ay matangkad din siya, nakaganti rin siya para sakanyang nakababatang kapatid na si Josh sa mga nambugbog, na dahilan upang ang ito tumakbo na palayo--

"Josh, Josh! Ayos ka lang ba"

"Oo, kuya ayus lang ako"

"Sigurado ka ba? Ano bang atraso mo sakanila ha?"

"Wala, kuya ewan ko, siguro inggit lang sila"

"Langya, kakausapin ko Kevin diba kapatid niya yung walang sawang bumabanat sayo kanina"

"Wag na kuya, ayaw bata lang yung wag kanang sumawsaw pa kuya"

"Ano ba kase ang dahilan"

"Nagpustahan kami, kuya kung sino ang makakapasagot kay Yvon"

"Yvon? Sino yun?"

"Tsk, yan kase kuya dahil sa sobrang busy mo sa buhay mo at sa sport mo wala kanang alam sa ibang mga bagay bagay, Yvon Dela Tores, kuya same course pa nga kayo tas hindi mo kilala, tsk"

"Sino nga yun? Anong pustahan ba pinagsasabi mo"

"Si Yvon kuya ang pinakamagandang babae dito sa campus, chix yung, ang dami ngang nag-uunahan sakanya, kaya ayun nagpustahan kami ni Alfred kung sino ang makakakuha kay Yvon"

"Oh, bakit ka binugbunog ha? Kase natalo mo siya?

"Hahahahaha!! Hindi kuya pero nakakatawa yung ginawa ko pati ako natatawa doon eh haha"

"Ano nga? Josh anong ginawa mo"

"Hinack ko ang FB ni Alfred at kung ano-ano ang pinangsesend ko kay Yvon mga kalibugan mga kagaguhan at iba pa ayun blinock niya si Alfred"

"G*go ka rin pala eh, nararapat lang yan napala mo loko, dapat hindi pala kita tinulungan, gusto mo ako na mambugbog sayo ah"

"Kuya, naman"

"Pano ba nalaman ni Josh na ikaw yung nanghack sa Facebook niya"

"Hinala niya lang na ako yun pero hindi niya alam talaga, pero tama ang hinala niya, pero at least block na siya kay Yvon, hahaha"

"Josh, wag mo nang uulitin yun, alam mo bang pwede kang makulong sa ginawa mo ha, gusto mo bang masira ang buhay mo dahil lang sa pustahan ha Josh"

"Kuya, hindi lang dahil sa pustahan yun kuya dahil kay Yvon"

"Sino ba yang Yvon kase"

"Tsk, hanapin mo sa Facebook para makita mo kung sino si Yvon"

"Oh, siya ano gusto mo bang dahil kita sa ospital?"

"Wag na kuya pasa lang naman ang wala namang sugat eh, ayus lang ako kuya kaya ko 'to"

"Umuwi ka at lagyan mo ng ice yang mga pasa mo, pasalamat ka nakita ko kayo baka kung hindi hindi lang yan ang inabot mo"

"Oo, na kuya, yaan mo mag gi-gym narin ako"

"Tsk"

---

--Doon nagsimula ang lahat kung bakit nakilala ni JD si Yvon, nagkataon na si Yvon ay Bestfriend ni Mia na buddy-buddy ni JD--

"Kuya, laway mo mahuhulog" pang gulat ni Josh kay JD pagpasok sa kusina

"Kuya ! Laway mo uy" muli niyang wika kay JD

"Ahhhh!! Nariyan kana pala Josh"

"Oh, ito na softdrink mo kuya, bakit kaba nakatunganga"

"Salamat ! Kumuha ka ng baso at saluhan mo ako, wala naalala ko lang si Yvon, kung pano ko siya nakilala, buti pala at nabugbog ka noon ano kase doon ko unang nakilala si Yvon"

"Kuya! Sana hindi nalang bakasakaling naging girlfriend ko si Yvon"

"G*go ka ba? Ha gusto mo bugbugin ulit kita"

"Kuya naman joke lang"

"Oh, hugasan mo mga 'to balik na ako sa ginagawa ko"

--Bumalik na si JD sa kwarto niya at laking gulat niya sakanyang nakita, pagkat may location na sa kung nasaan yung phone ni Yvon--

[Saan kayang location ang phone ni Yvon? May ugnayan ba ang nakaraan sa kasalukuyan kung minsan nang nagkagusto si Josh na kapatid ni JD at si Alfred na kapatid ni Kevin kay Yvon Dela tores?
Ating alamin sa mga susunod na Chapter]

Up Next Chapter 17

Story #6
12-27-17
Silentwolf
Tahimik na Lobo

Ps. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.

[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]

Who Killed My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon