WKMG Chapter 33

7 0 0
                                    

Chapter 33

Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story

[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang,  kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]

Chapter 33
--Detective D POV's--

--Dahil sa mga binigay ni Jazz kay detective D ay lalong naguluhan si Detective D sa kaso ni Yvon kung sino nga ba ang pumatay sakanya--

"Sino nga ba talaga ang pumatay sayo Yvon Dela Tore, bakit napakaraming dawit sa kaso mo? Ano ba ang tunay na dahilan sa pagpaslang sayo, may isang nagdudusa sa kulungan na siyang unang itinuro ng mga ibedensyang aming nakalap ngunit bakit sa pagpapalawig sa aming imbestigasyon ay parang may ibang mga person of interest na mas may rason upang patayin ka? Sino nga ba sakanila ang tunay na nagsasabi ng totoo" bulong ni detective D habang pinagmamasdan ang board kung saan nakapaskil ang mga dawit sa kaso ni Yvon

"Sir mukhang malalim yang iniisip mo ah" ani ng isang Pulis

"Sobrang lalim, isipin mo ah sa bawat person of interest na inimbistigahan natin sa kaso ni Yvon may lumalabas na ibang person of iterest parang pinapasa-pasa lang nila" sagot ni detective D

"Oo nga eh Sir, nagtataka nga ako Sir kase diba tapos na tayo sa kasong ito pero kayo Sir hindi ka parin bumibitaw sa kaso bilib tagala ako sayo Sir.. Hingil sa suspect akala ko tapos na dahil nakakulong na si Kevin Valdez pero hindi pa pala"

"Hindi ko rin alam pero iba ang kutob ko sa kasong ito parang may humihila saken para mapanagot ang tunay na may gawa nito kay Yvon.. Nga pala saa susunod na araw ibababa na ang hatol kay Kevin at aminado ang abogado sa kampo ni Yvon na baka mapawalang sala siya dahil sa gaan ng ibedensya laban sa kanyan" tugon ni Detective D

"Sir kung hindi si Kevin Valdez ang pumatay kay Yvon sino?

"Tignan mo ang mga ito" wika ni detective D

--Inilapag ni Detective D ang mga litratong binigay ni Jazz sa lamesa, kasabay nito ang pagpasok pa ng tatlong pulis na siyang kasama ni Detective D sa pagiimbistiga sa kaso ni YVon--

"Ang mga litratong yan ay totoo hindi naedit o dumaan sa kung ano mang teknolohiya, pinacheck ko na yan sa crime lab at tunay nga" ani ni detective D

--Nagulat ang lahat sa kanilang nakita--

"Sir diba si--" Pulis 1

"Bakit? Paano?" Pulis 2

"Anong? Ibig sabihin siya ang pumatay kay Yvon?" Pulis 3

"Tsk! Tsk! Kung ganon siya nga!" Pulis 4

"Yan din ang iniisip ko, lahat ng nasa isip niyo pero hindi naman pwedeng ganon-ganon nalang may proseso tayong dapat sundin, pagkababa sa hatol kay Kevin Valdez, doon tayo gagalaw upang siya ang ating imbestigahan pero kaylangan niyong magmanman sa kilos niya at sa bawat galaw ni Jazz. Marami akong nakitang kahinahinala sa bahay ni Jazz biruin mo may firing range sa loob ng bahay niya, hinala ko ay nagdru-drugs din siya kaya gusto ko may magmanman sa bawat galaw niya. Do you copy!" Wika ni detective D

"Sir yes, Sir" sagot ng grupo

--Samantala sa bahay nila JD--

"Ano bang ginawa ko, eto na naman ang pagiging mainitin ang ulo ko" bulong ni JD

--Ring--
--Ring--
--Ring--

--Tumunog ang phone ni JD--

"Anonymous? Sino kaya 'to"

"Hello?"

"Buti naman at sinagot mo ang tawag ko, JD kamusta kana ok ka ba?"

--Sa isip ni JD--
"Sino kaya 'to, bakit niya tinatanong kung ok lang ako?"

"Mia ikaw ba 'to?" Sagot ni JD

"No! Hindi ako si Mia, si Two ito!"

"T-t-two? Sinong Two?....ahhh alam ko na yung naka hoodie jacket! Right?"

"Yes..kala ko nakalimutan mo na ako, long time no see ah, musta kaso ni Yvon?"

"Naospital ako kase kaya hindi pa ako nakadalaw kay Yvon.. Sa susunod na araw ibababa na ang hatol kay Kevin yung suspect pero malabong mahahatulan siya ng guilty kase magaan ang ibedensya"

"Pero sa tingin mo siya ang gumawa sa pagpatay kay Yvon?"

"Hindi, hindi kayang gawin ni Kevin yun"

"Hayaan mo lalabs din ang totoo pagdating ng panahon"

"Two, may alam ka ba sa kaso ni Yvon?"

"Anong ibig mong sabihin JD?"

"Alam mo ba kung sino ang pumatay kay Yvon, kase parang sure na sure ka sa mga sinasabi mo, please naman oh kung may alam ka sabihin mo na o magwitness ka"

"JD alam mong tumutulong ako sa kaso ni Yvon pero hindi mo alam ang dahilan ko kung may alam man ako kagsasalita ako sa tamang panahon, kase baka kung magsasalita ako ngayon baka pati ako malagay sa alanganin"

"Pero--"

"JD maniwala ka lalabas din ang totoo basta mag-iingat ka"

"Alam ko naman na lalabas ang totoo pero kaylan sa batas natin ngayon pwede nang manipulahin"

"JD mananagot ang gumawa nito kay Yvon"

"Sana nga, sana nga!"

"Oh sige na JD"

"Salamat ah.. Nga pala ngayon alam ko na babae ka pala"

"Oo JD, sige na ingat ka"

"Salamat ulit, ingat ka rin"

"Wait nga pala bukas ibaba na ang hatol kay Kevin Bukas"

"JD balitaan mo ako ah"

"Sige, sige, bye na"

--Tooooott--

[Babae pala ang nakahoodie jacket pero sino siya? Sino kaya ang bagong suspect na iimbistigahan nila Detective D? Magkakaayos pa kaya si JD at Josh? Ating alamin sa susunod na Chapter]

Up Next Chapter 34

Story #6
01-31-18
Silentwolf
Tahimik na Lobo

Ps. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.

[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]

Who Killed My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon