Chapter 50
Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]
Chapter 50
--Huling ebidensiya--"Meron pa kaming iprepresenta your honor!" ani ni Atty. Lacsamana, dahilan upang magulat ang kampo nila Jazz.
--Sa pagpapatuloy--
Gulat na gulat ang lahat ng tao sa korte pati ang midya na nagco-cover ay hindi makapaniwala sa kung anong nasasaksihan nila dahil ang akala lang nilang magaganap ay ang paghatol kay JD ngunit hindi bagkos sumiwalat lahat ng baho ng kumakandidato para sa pagkapangulo na si Judge Javier Antonio.
"Grabe ang dami niya palang katiwaliang ginagawa!"
"Oo nga hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon!" Bulung-bulungan sa loob ng korte.
--
"At sa ating breaking news, nabaliktad na nga ang usapan sa paghatol sa nasasakdal na si John darel Cruz sa pagpatay kay Yvon Dela Tore, kamakaylan ay hinuli si JD dahil umano siya ang responsable sa kaso. At ngayon araw nga ay ang araw ng paghatol sa kanya ngunit, binigyan siya nga pagkakataon upang ilabas ang huling witnesses at ibedensiyang hawak ng kampo niya, hanggang sa isa-isang isiniwalat ni Attorney Lacsamana ang mga katiwaliang ginawa ni Judge Javier Antonio na kumakandidato sa pagkapangulo kitang kita sa reaksyon ni Mr. Antonio ang galit sa kanyang mukha, ano kaya ang mangyayari sa pagkandidato niya ngayon alam na ng lahat ang kanyang mga pinag-gagagawa? At yan ang balita mula dito sa korte.""Sabi na may baho ang taong iyan!"
"Akala mo kung sinong mabait yon pala may lihim rin, salamat lay JD dahil sa kanya nabunyag lahat ng baho niya pag nagkataon tayo ang kawawa kung mananalo siya bilang Pangulo!" wika ng mga nakapanood ng balita.
--
Sa korte--"Attorney Lacsamana present your last witness." Wika ng hukom.
"Thank you, your honor! Ms. Melisa puwede bang umupo ka dito sa witness chair at ilahad mo ang lahat ng iyong nalalaman tungkol sa kaso ni Yvon at sa kaso ni JD."
Nagulat si JD sa pagbanggit sa pangalan na Melisa, matatandaan na Melisa ang pangalan mg nurse na tumulong sa kanya noon sa Mall nang mawalan siya ng malay at nag-alaga sa kanya noon sa ospital bigal napatingin ang lahat sa kung sino ang kausap ni Atty. Lacsamana kung sino si melisa. Tumayo ang isang tao at.
"Ha? Sino siya?" Bulung-bulungan ng mga tao.
"Jazz kilala mo ba iyan?" tanong ni daddy ni Jazz.
"Siya ang taong naka hoodie jacket!"
"Ha? Pero sino siya?"
"Dada hindi ko alam, ang alam ko lang siya ang taong pumasok sa bahay natin!" galit na ani ni Jazz.
"Josh sino siya?" tanong ni JD.
"Si Two kuya!"
"Alam kong si Two yan pero bakit Melisa? Sino ba talaga si Two?" muling tanong ni JD.
Nang walang ano-anoy biglang tumayo si Mia at nagpaalam na kay JD, ngunit dahil sa pinangalanan ni Josh si Mia ay hindi siya pinayagan lumabas sa korte.
--"Ms. Melisa maari mo bang ilathala ang mga nalalaman mo dito sa korte!" ani ni Atty. Lacsamana.
"Opo Attorney, hindi sinasadya ang lahat ng nangyari, hindi ko alam kung bakit o kung ano siguro ito ng daan ng Diyos upang makilala ko ang totoong ako at kung sino ba ako, naglalakad ako noon sa may pier hating gabi na noon mula sa duty, sa on the job training ko, hindi ko inaasahan ang mga nangyari noon ay hawak ko ang aking camera kase pinagvideo kami kung ano ang ginagawa namin sa OJT nang hindi ko inaasahan nakita ko ang grupo ni Jazz. Oo si Jazz at ang kanyang Ama may tila diskusyong nangyayari mula sa kanilang kausap doon ay hindi ko namalayan na nagrerecord na pala ang camera ko, Oo na kunan ko ng video ang lahat, ang pagkamatay ni Senator Wilcon Diaz walang awa nilang pinagbabaril ang dahilan negosyo at ang napipintong pagtakbo ni Sen. Diaz bilang pangulo ng Bansa. Malinaw ang kuha ng Video ko heto kung gusto niyong panoorin.."
"Atty. Lacsamana please present us the video!" wika ng hukom, noon ay pinanood na nga nila ang video na kuha ni Two.
"Jazz ano ito? Ha akala ko ba pinatay mo na ang kumuha ng video sa atin ha?" galit na ani ni Daddy ni Jazz.
"Oo pero hindi ko alam kung ano ito hindi ko alam kung sino ito malinaw naman diba." Sagot no Jazz habang natataranta siya sa kung anong mangayayari.
[Ang huling witness na nagsalita na at ngayon alam na ng lahat na si Two ang taong naka hoodie jacket at Melisa ay iisa ngunit sino siya? Ano ang parte niya sa buhay ni Yvon? Bakit tumutuling siya? Ating alamin kung sino siya sa susunod na chapter
Up Next Chapter 51
Story #6
03-25-18
Silentwolf
Tahimik na LoboPs. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.
[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]
BINABASA MO ANG
Who Killed My Girlfriend
Mistero / Thrillera mystery/thriller/tragic/love story, this is something new. the story is all about a murdered girl, the story will run on the investigation of the case, lets find out who really killed my girlfriend.