Chapter 11
Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]
#Chapter 11
-Libing ni Yvon---Sa desperas bago ilibing si Yvon ay nagkaroon muna ng isang necrological service doon ay nagbigay ng saloobin ang lahat ng kaibigan ni Yvon kitang kita sa mga mata ng bawat isa ang lungkot--
Kinabukasan
--Mula sa burol ni Yvon, Nagdagsaan ang mga kapamilya, kaibigan, kaeskwela, batchmates at mga nakikiisa sa pagpanaw ni Yvon, lahat ay naka suot ng puting damit na may naka imprentang "Justice for Yvon" mula sa pinagburulan kay Yvon ay sinundan nila ang karo na kumarga sa kabaong ni Yvon tungo sa simbahan, bawat isa ay may puting lobo na hawak-hawak, kita sa bawat mata nila ang kungkot na namumutawi sa pagkawala ni Yvon, bawat bahay na madaan ng prosisyon ay naghahagis ng barya patunay na makikiisa sa pagkawala niya ganon din ang mga sasakyan naghahagis sila ng barya at bumubusina, naging matunog kase ang pagkamatay ni Yvon kaya ganon nalang ang pagdadalamhati ng mga tao sakanyang pagpanaw. Si JD ang nasa unahan nakapit sa karo kita ang bawat patak ng luha niya sa bawat paisa-isang hakbang niya, naka alalay naman sakanya ang mga kaibigan nila ni Yvon ang parents at ang dalawang kapatid na lalaki ni yvon at ang basketball team ni JD, naroon din si Mia, lahat sila ay nagluluksa, hindi nila alam kung ano ang gagawin kay JD pagkat siya ang pinaka apektado sa lahat--
"JD, kaya mo pa? Eto tubig oh inom ka muna" wika ng mga kaibigan niya.
"Iho, uminom ka ng tubig wag mong hayaan manghina ka baka mawalan ka ng malay iho" wika ni Mommy ni Yvon.
"Tita, hindi ko alam ang gagawin ko, tita hindi ko pa kaya, hindi ko pa tanggap na wala na si Yvon" humahagulgol na sagot ni JD
"Iho, lahat tayo ay nabigla sa pagpanaw ni Yvon, ako rin ay nahihirapan at hindi ko rin tanggap na wala siya, wala na ang prinsesa ng buhay namin, wala na ang bunso namin JD, pero wala na tayong magagawa, nagpapasalamat nga ako sayo JD kase kahit papaano bago mailibing si Yvon ay nahuli na ang gumawa sa krimen ang pumatay kay Yvon, salamat JD" ani ni Mommy ni Yvon
--Niyakap ni JD ang Mommy ni Yvon hanggang sa makarating na sila sa simbahan kung saan idadaos ang huling basbas kay Yvon bago dalhin ito sa huling hantungan--
--Nakarating na nga sila sa simbahan, doon ay sinimulan na ang seremonya para kay Yvon, hindi para mapigil ang mga luha ng mga nagmamahal kay Yvon na nakikipagdalamhati sa kanyang pagpanaw, dumating na sa seremonya ang pagbibigay mensahe ng mga nagmamahal sakanya, pinangunahan ito ng Mommy ni Yvon sumunod ang kanyang Daddy, halos mahimatay ang kanyang Mommy sa sakit na dama niya kaya hindi na niya tinapos ang kanyang sasabihin ganon din ang kanyang Daddy, nag bigay din ng huling mensahe ang kanyang dawalang kuya, maging ang mga malapit na kamag-anak at mga naging Guro niya, hanggang sa umabot na ito kay Mia ang kanyang bestfriend--
"Ayoko ko sanang magbigay ng huling mensahe kase alam kong masasaktan lang ako sa pagbabalik tanaw sa mga alaala natin bess" umiiyak na paumpisang salaysay ni Mia
"Bess, bakit? Bakit mo naman kami iniwan, bess Graduating na tayo oh! Uumpisahan na natin sana ang bagong yugto ng buhay natin bess, bess ang daya daya mo, sabi mo hindi ka uuwi kase dagdag gastos lang bess diba sabi mo ililibre mo ako sa movie na panonoorin natin sa December 25 kase yun ang celebration natin sa pasko, bess pano na yun? Sino na kasama ko para manood, bess sorry kung hindi kita sinamahan, siguro kung hindi ako nagkasakit siguro nasamahan kita at siguro hindi nangyari sayo 'to siguro kasama ka pa namin dito buhay at tumatawa pa, bess sorry, bess sana mapayapa kana, sana masaya kana sa kung saan ka man ngayon, bess mahal na mahal kita, hanggang sa muli bess, I love you Yvon" humahagulgol nitong salaysay, kasabay ng mga tao sa simbahan na umiiyak din, pagka upo ni Mia ay tumayo ni JD upang siya naman ang magbigay mensahe."Babe,(humagulgol sabay talikod, huminga ng malalim at humarap ulit)--Babe, gising na oh, Babe bangon kana, babe diba papakasalan mo pa ako, diba mag tutour pa tayo, diba bubuo pa tayo ng Pamilya. Babe pano na ang mga yon babe, kaya babe pwede bang gumising kana, babe hindi mo pa ito nakikita pero a month ago binili ko itong ring babe ito yung ireregalo ko sayo sana sa graduation natin kase babe plano kong magpropose sayo after mong ideliver yung speech mo, oo babe nakaplano na lahat kinausap ko na ang pamahalaan ng university natin babe. Para sa iyo ito babe kaya babe tatanungin kita, Yvon babe will you marry me? (Gabuhos ang luha ni JD habang tinatanong ang malamig na bangkay Yvon)
Babe, babe, sorry sorry Yvon.
Babe sorry kung hindi kita naprotektahan sorry kung wala ako sa tabi mo noon para ipagtanggol, babe thank you so much for loving me unconditionally thank you so much for letting me be part of your life, thank you so much for completing my life, thank you so much, Yvon you know how much I love you babe, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon wala kana Yvon pano na ako ngayon? Ano ba ang gagawin? Yvon alam mo parang ayoko nang mabuhay, wala nang saysay ang buhay ko ngayon, Yvon mahal na mahal kita, mahal na mahal kita Yvon, lahat gagawin ko para mahuli at mapanagot ng gumawa nito sayo basta Yvon mawala ka man pero hinding hindi ka mawawala dito sa puso ko, hinding hindi kita makakalimutan Yvon, babe hiling ko na mapayapa kana sana masaya ka na sa kung saan ka man ngayon alam ko na nasa langit kana babe sana gabayan mo ako, Yvon mahal na mahal, Yvon mahirap man para saken pero susubukan kong kayanin, Yvon babe hintayin mo ako sa kabilang buhay, I love you so much babe, I love you" humahagulgol na huling mensahe ni JD kay Yvon, kanyang hinalikan at inilagay ang sing-sing sa kabaong ni Yvon.--Ang mga tao hindi na mapigil ang pag iyak nila, hanggang sa ibinigay na ang hudyat para sa huling pagtanaw kay Yvon, lalong nag iyakan ang mga tao kasabay ng malungkot na kanta at ang music video ni Yvon na kanyang ginawa habang isa isa ang naglalagay ng bulaklak sa kabaong ni Yvon, Sa hindi inaasahang pagkakataon muling nakita ni JD sa may pintuan ang taong naka hoodie jacket--
[Sino nga kaya ang taong naka hoodie jacket? May kinalaman ba ang taong ito sa kaso ni Yvon? Ating alamin sa susunod na chapter]
Up Next Chapter 12
Story #6
12-18-17
Silentwolf
Tahimik na LoboPs. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.
[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]
BINABASA MO ANG
Who Killed My Girlfriend
Mystery / Thrillera mystery/thriller/tragic/love story, this is something new. the story is all about a murdered girl, the story will run on the investigation of the case, lets find out who really killed my girlfriend.