WKMG Chapter 22

2 0 0
                                    

Chapter 22

Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story

[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]

#Chapter 22
--Pagkatapos ng Hiring--

(Nakalipas)

--Napakainit ang naging una paglilitis kay Kevin, mukhang pumapabor sa kampo ni JD ang unang paglilitis. Sa pagtatapos ng paglilitis ay kinausap ni Kevin si JD--

(Sa pagpapatuloy)

"JD uulitin ko sayo hindi ako ang pumatay kay Yvon, mali kayo ng pinagbibintangan set up lang ang lahat ng ito JD manilwa ka naman oh kilala mo naman ako diba"

"Kevin kahit pilitin kong maniwala sayo. Pero ikaw ang tinuturo ng mga ibedensya Kevin"

"Alam ng Diyos kung sino ang nagsasabi ng totoo, malinis ang konsensya ko JD. Hindi ko magagawa yun kay Yvon mahalaga siya saken"

"Kung hindi man ikaw Kevin, lalabas din ang totoo pero sa ngayon ikaw ang tinuturo ng mga ibedensya"

"Alam ko JD, sana matauhan kana. Mag-ingat ka JD kase nasa labas parin ang tunay na may gawa nito kay Yvon. Malay mo JD ikaw ang target nila kase maraming naiinggit sayo maraming gustong malawa ka, naalala mo pa ba nang minsan kanang mapatay pero ako ang napahamak, sana maalala mo yun JD"

"Kevin hindi ko makakalimutan yun, at habang buhay kong tatanawin bilang utang na loob sayo pero kung nagkasala ka hindi sapat yon upang mapatawad kita"

"Wala akong kasalan JD at papatunayan ko yan"

"Oo Kevin karapatan mo yan"

--Tumuloy na nga sina JD. Habang gulong gulo si JD sa kung ano ang paniniwalaan niya--

"Kung hindi si Kevin ang pumatay kay Yvon sino nga ba kaya? May kinalaman kaya ang mga nambugbog saken noon? May punto si Kevin. Pero bakit ang tagal na non at nakakulong pa sila, nakakulong panga ba sila? O naka laya na?" Mga tanong nagumugulo sa isipan ni JD

--Gulong gulo man si JD pero hindi parin niya mawala sa isip niya na si Kevin ang gumawa nito kay Yvon, ngunit dahil sa pagpapaalala ni Kevin sa mga nambugbog sakanya noon ay mas naging magulo na naman ang lahat, noon ay nagtanong tanong si JD kung nasaan na nga ba ang mga bumugbog sakanya noon at nagtungo siya sa prisinto--

"JD, napadalaw ka" bungad ni Detective D

"May itatanong lang sana ako detective D"

"Ano yon JD may kinalaman ba ito sa kaso ni Yvon?"

"Hindi po detective D pero maaring konektado ito sa kaso ni Yvon"

"Ano ba yon JD? Paano? May nalaman kabang bagong ibedensya?"

"Hindi detective D pero ilang taon narin kase ang nakalipas, nasangkot ako sa isang kaso nabugbog po ako noon at sa kabutihang palad nakita ako ni Kevin noon at tinulungan niya ako doon ay nasaksak siya na muntikan na niyang ikamatay, nakulong ang mga nambugbog samin noon detective D pero wala na akong balita kung nakalaya na ba sila"

"JD bakit ngayon mo lang sinabi ito? Mabigat 'to ah. Bakit ka ba nila binugbog noon?"

"Kase detective D ayaw ko ng balikan pa kase detective D. Binugbog nila ako kase yung Girlfriend ni Jazz nagfliflirt saken noon kaya yun binugbog nila ako kahit wala naman akong kasalanan"

"Jazz? Nila? sabi mo edi marami sila? Sino sino ba sila JD para macheck natin kung nakakulong pa sila o nakalaya na"

"Jazz Antonio, Zander Cu, Fox Zen Pascua may kasama pa sila pero outsider ng campus kaya hindi ko alam ang tunay na pangalan nila pero alias nila ang alam ko si
Dice at silentbreaker, may fraternity kase sila detective D pero ang nakasuhan lang noon ay sina Jazz, Zander at Fox Zen"

"JD alam mo bang malaking salaysay ang sinabi mo, kase malaki ang tsansa na may kinalaman ito sa nangyari kay Yvon pero kaylangan natin ng mabusising imbestigasyon bago natin isali sa kaso ni Yvon o isali sa suspect list, JD ano ba ang tingin mo kay Kevin?"

"Hindi ko alam detective D pero kung ano man ang totoo lalabas din naman po diba detective D"

"Oo, naman JD lalabas ang totoo. Kase walang lihim na hindi nauungkat"

"Detective D malalaman ba natin kung nakakulong pa sila?"

"Oo naman JD"

"Salamat naman detective D pwede bang malaman na ngayon detective D?"

"Try natin JD, kung makikita natin sa record sa dami ba naman nakakulong at magkakapareho ng pangalan tignan natin JD"

--Hinanap nga nila ang record nila--

[Ngayon na nahalungkat ang nakaraan may kinalaman kaya ito sa nangyarin sa kasalukuyan? Naka labas na nga ba sila? ..
Ating alamin sa susunod na Chapter]

Up Next Chapter 23

Story #6
01-07-18
Silentwolf
Tahimik na Lobo

Ps. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.

[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]

Who Killed My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon