WKMG Chapter 13

3 0 0
                                    

Chapter 13

Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story

[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]

#Chapter 13
-sementeryo-

--Naiwan nga sina JD, at ang pamilya ni Yvon sa sememteryo, Doon ay sinariwa nila ang mga alaala ni Yvon noong nabubuhay pa, pilit nilang iwinanaglit ang lungkot na bumabalot sa bawat emosyon nila, noon ay nagkwento ang Mommy ni Yvon kay JD--

"JD alam mo ba, Yvon is the most beautiful gift given by God to us, I never knew na magkakaroon ako ng anak na babae kase JD noong pinangangak ko ang kuya ni Yvon, nagkaroon ako ng problema nagka high-blood ako, ako at ng kuya ni Yvon noon 50/50, sabi ng duktor pwedeng ako ang mawala or ang baby ko ang mawala, kaya nag dasal ako noon napatnubayan kami, ipinangako ko na ibabalik ko ang lahat sakanya basta buhayin niya ang baby ko at sabi ng duktor ko wala na raw ako noon namatay na raw ako pero ang bait ng Diyos sakin JD, miracle happened at tumibok ulit ang puso tinupad ng Diyos ang hiling ko binuhay niya kami ng baby ko, pero ang pangarap ko na magkaroon ng baby girl na anak malabo na dahil sa nangyari sakin sa pagbubuntis sa kuya ni Yvon, pero JD ibinigay parin ng Diyos si Yvon at ang pagdating niya sa buhay namin ay mas naging makulay at makabuluhan ang lahat, ginawa ko lahat binigay ko ang lahat lahay kay Yvon pinalaki ko siya ng maayos pagbabalik sa kabutihan na binigay ng Diyos sakin mahal na mahal ko si Yvon isa siyang regalo mula sa langit, alam ko na hindi ako kami nagkulang kay Yvon, minahal namin siya ng buong buo, --anak Yvon kung ano man ang hindi naman nasabi sayo sana maintindihan mo at marahil ngayon alam mo na mahal na mahal ka namin anak--"

--Niyakap ni JD ang Mommy ni Yvon, noon ay nagkwento rin si JD sa kung anong naihatid ni Yvon sa buhay niya--

"Alam mo ba Tita, dati walang dereksyon ang buhay ko, yung tipikal na istudyante lang ako noon Tita, masaya na ako bilang isang star player ng basketball sa university akala ko noon Tita hanggang doon lang ako pero hindi pala, Yvon unlocked my hidden abilities, ang daming nag bago saken ang dami pa pala ako kayang gawin kung dati ok na ako sa tres (3) na grado kaya ko palang gawin uno (1). Alam mo Tita Yvon made me better person, Yvon fulfill all my emptiness, siya yung nagpapalakas ng loob ko lalo na kung down ako siya yung numero unong taga suporta ko, mas bilib pa siya saken abilidad kesa sakin, Yvon always make me smile pag malungkot ako hindi ko alam kung anong meron sa mga jokes niya kahit hindi naman nakakatawa pero tawang tawa ko, may iba sakanya na wala sa iba Yvon is not just the typical girl na makikita mo ngayon, mahal na mahal ko siya Tita, mahal na mahal, kung pwede nga lang na sana ako nalang o kung pwede nga lang sanang magpalit kami ako nalang ang mawala gagawin ko kase napakarami pa niyang plans in life, kung pwede lang sana Tita"

--Humahagulgol na kwento ni JD sabay tumayo at sumigaw ng napakalakas na kung saan ay napatingin ang lahat kay JD--

"AAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH"

"JD tatagan mo ang loob mo, makakayanan mo ito, kaya mo ito Iho" maluha-luhang mampapakalma ni Mommy ni Yvon

"Hindi ko alam Tita, gusto kong patayin si Kevin"

"Pero JD, hindi pa napapatunayan kung siya nga ang gumawa nito kay Yvon, isa pa mali yang naiisip mo paraan upang mabigyan hustisya si Yvon, alam ko ayaw ni Yvon yang iniisip mo Iho, kumalma ka ipaubaya mo ito sa kinauukulan at JD kasama mo kami sa laban para sa hustisya kay Yvon"

--Hindi na nila namalayan ang oras at dumimidilim na, si JD hindi parin maka alis sa puntod ni Yvon, hanggang sa niyaya na siyang umuwi na--

"JD, gumagabi na hindi ka pa ba uuwi?"

"Tita, mauna nalang kayo dito muna ako tita"

"Sigurado ka ba JD?"

"Opo, Tita gusto kong kasama si Yvon, dito lang ako Tita, dito lang ako" umiiyak na wika ni JD

"Iho, tahan na, pero kung yan ang gusto mo sige, pero wag mong gagawin ang mga nasa isip mo Iho ha, alam mo naman ang number namin tawagan mo lang kami kung may kaylangan ka-- oh Yvon bantayan mo si JD, nak Yvon mahal na mahal ka namin, sanay mapayapa kana anak una na kami anak, JD ingat ka una na kami" lumuluhang tugon ng Mommy ni Yvon kay JD

"Sige po Tita ayus lang ako, hindi ako papqbayaan ni Yvon, ingat kayo Tita" pabirong sagot ni JD habang umaagos ang luha niya

--Na iwan nga si JD sa puntod ni Yvon, hanggang ang liwanag ay kinain na ng dilim--

[Makakayanan ba ni JD ang mga nakambang kalungkutan na bumabalot sakanya? Makikilala na niya kaya ang taong nakahoodie jacket? Abangan sa susunod na chapter]

Up Next Chapter 14

Story #6
12-24-17
Silentwolf
Tahimik na Lobo

Ps. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.

[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]

Who Killed My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon