WKMG Chapter 29

5 0 0
                                    

Chapter 29

Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story

[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]

#Chapter 29
--JD's condition--

--Kinabukasan ay lumabas na lahat ng Lab. Test ni JD ito'y sinuri na ng kanyang doktor, wala namang nakitang ireguralidad sakanya--

"Hi JD kamusta pakiramdam mo" ani ng Duktor

"Dok, magandang umaga! Medyo mabuti na po" sagot ni JD

"Mabuti kung ganon, lumabas na pala ang Lab. Test result mo" wika ng Duktor

"May nakita po bang sakit Dok"

"Wala naman JD, walang nakitang ireguralidad sayo siguro ang pagkawala ng malay mo ay dahil sa stress o may naamoy kang nakakahilo like ferfume may mga pabango na hindi kaya ng sistema ng ating katawan kaya nahihilo tayo" ani ng Duktor

"Salamat sa Diyos, ah Dok sino pala ang nagdala saken dito sa ospital" tanong ni JD

"Hindi mo ba naaalala JD?"

"Hindi po dok, ang naaalala ko lang ay nakita ko si Yvon at nagsasagutan kami ni Mia tapos sinampal niya ako at.. at... at.. Ahhh!! (Hawak sa ulo) hindi ko maalala dok"

"Ok wag kang magover think JD makakasama yan sa kalusugan mo, ang nagdala sayo dito eh yung service ambulance ng Mall at yung practice nurse si melisa buti nga nakita ka agad ginigising ka raw sa mall noon kaso hindi ka magising kaya dinala ka dito sa hospital"

"Sorry dok hindi ko kase maalala eh! Nar'yan po ba siya para makapagpasalamat man lang?"

"Wala yata, pero siya yung nakausap mo kahapon siya yon JD"

"Ah siya pala! Hindi man lang ako nakapagpasalamat"

"Hayaan mo JD at ipaparating ko sakanya ng pasasalamat mo, ngayon pahinga ka muna at papaubos lang natin ang dextrose mo at pwede ka nang lumabas, at iwasan mo kase yung pagiisip ng malamin para hindi ka mastress chill out sometimes JD"

"Sige dok susundin ko ang payo mo, salamat dok"

"Walang anuman sige na JD"

--Kinahapunan ay tuluyan nang nakalabas si JD sa hospital, sinundo ito ni Josh--

"Kuya pinagalala mo ako" ani ni Josh

"Tsk! Alam mo rin pala ang magalala ah"

"Kuya naman eh syempre ikaw ang kuya ko"

"Oo na sige na thank you sa pagaalala mo, sinabi mo ba kina mommy?"

"Hindi kuya kase baka magalala sila alam mo naman sila OA, pero sinabi ko kay Abby"

"Bat? Josh naman!! Bat mo sinabi pa kay bunso mangungulit na nama yun saken"

"Kuya naman parang 'di kana sanay kay Abby makulit talaga yun, kinukulit nga ako tinatanong kung may gf daw ba ako"

"Akala niya kase bakla ka kaya ganon yun"

"Sh*t f*ck kuya!! Ako bakla? Joke ba yun kuya may bakla bang lima ang gf habulin ng chixs at gangster?"

"Hahaha, edi sabihin mo sakanya"

"Mamaya tatawagan ko siya kuya, basta ikaw ok kana kuya ah?"

"Ok na ok need some rest lang ito, at siguro need some workout kase halos 'di na ako nakakawork out eh"

"Natakot ako sayo kuya grabe, buti may tumawag Melisa yung name, kilala mo ba yon kuya?"

"Hindi pero sabi ng duktor siya daw yung nag dala saken sa ospital"

"Ay!! Ang bait naman non siguro nagwapuhan sayo kuya.. Hahaha"

"Loko kung ano ano lumalabas sa bibig mo mag drive ka nalang gusto ko nang magpahinga sa kwarto ko"

"Ok kuya sige tatahimik na ako"

--Samantala, si detective d ay patuloy na pinagaaran ang mga taong nakasuhan noon dahil sa pambubugbog kay JD, patuloy ang pangangalap niya ng mga inpormasyon sakanila nagispiya siya sa bawat galaw nila at kanyang nakita na wala naman silang kahinahinalang galaw. Nireview niya rin ang bawat salaysay ni Zander at Fox at sa kanilang salaysay iisa ang tinutukoy nila si Jazz Antonio, kaya gumawa siya ng background check kay Jazz at maraming mga bagay bagay ang kanyang natuklasan--

[Ano kaya ang natuklasan ni Detective D kay Jazz? Sino kaya si Melisa? Ang nakita ni JD sa mall totoo nga kaya? Ating alamin sa susunod na chapter]

Up Next Chapter 30

Story #6
01-22-18
Silentwolf
Tahimik na Lobo

Ps. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.

[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]

Who Killed My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon