Chapter 43
Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]
Chapter 43
--Two----Pumara si Two ng taxi at nagpahatid na ito sa tinutuluyan niya--
"Tsk, dapat hindi ako nahuli, dapat nalaman ko kung sino ang sinasabi nilang pinatay nila, shit ano ba naman, dapat buo na ang aking imbestigasyon dapat tapos ko na ito dapat handa na lahat ng ito para iharap sa korte." bulong ni Two habang pinagmamasdan ang board kung saan nakadetalye ang mga ebedensyang nakalap niya
--Kinabukasan--
--Tinawagan ni Two si Kevin upang makibalita sa ginagawa ni Josh--
"Hello Kevin!"
"Ah! Hello Two."
"Salamat pala kagabi ah, makikibalita sana ako sa ginagawa ni Josh."
"Ano ka ba wala yon, wala pa di ko pa natatawagan pero sana may nakuha na siya."
"Sige balitaan mo ako Kevin kung may nakuha na siya baka sakaling may matibay tayong ihaharap sa korteng ebedensya"
"Oo Two.. Nga pala ingat ka Two baka nakunan ka ng CCTV sa bahay nila Jazz at nakilala ka."
"Mabalo yon, hindi nila ako nakilala"
"Aba.. Oh siya sige na!"
"Haha ako pa, sige na!"
--Tooott--
--Sa pagbaba ng tawag ni Two kay Kevin, muling napatingin si Two sa board kung saan nakapaskil ang mga ebedensyang kanyang nakalap--
"Kaylan ko kaya mabubuo ang lahat ng ito, mapapanagot ko rin ang pumatay kay Yvon, Yvon sorry talaga hindi ka dapat namatay!" malungkot na wika ni Two
--Samantala--
--Tinawagan ni Kevin si Josh upang makibalita sa pagpasok niya sa account ni Jazz--
"Hello!"
"Kuya Kevin!"
"Josh ano may balita na ba?"
"Kuya hindi ka makakapaniwala sa mga nakita ko."
"So meron na?"
"Oo kuya meron pero, mukhang natunugan nila ako, mukhang magagaling ang mga IT ni Jazz."
"Bakit mo nasabi?"
"Kase kuya Kevin kahapon ko pa may nakikitang mga umaaligid sa bahay!"
"Shit! alam ba nila na may tao sa bahay niyo?"
"Hindi ko alam kuya pero sa tingin ko hindi."
"Eh! yong mga nakuha mong info?"
"Nakopya ko na lahat-lahat kuya isesend ko sayo through e-mail may soft copy rin ako nilagay ko sa flashdrive ko."
"Shit! sige send mo na saken Josh wag kang aalis diyan at pupuntahan kita!"
"Sige kuya send ko na, na-confirm ko rin kuya yong nag-hack sa account mo positive mula sa internet connection nila Jazz yong IP address ng provider, kuya yong flashdrive nasa sapatos ko sa ilalim ng kama."
"Wag kang aalis diyan Josh isara mo ang pinto make sure na hindi sila makakapasok, basta wag kang magpapakita ha!"
"Sige kuya, salamat!"
"Papunta na ako itatawag ko lang sa pulis upang may kasama ako!"
"Kuya wag ka...se.... --tooo--tt--- a--n--o ku---y---a w---a-----g --tsss--- tooo---"
"Ano Josh? chapi ka!"
"Josh ano yong sinasabi mo? Josh?"
"Ku--ya Ke--ee--vvvv---ii---n w---a---g-- tsss----tooo---tooott!" (bwiset ngayon pa nawala ng ang signal)
"Ano Josh, Chapi ka, basta wag kang lalabas papunta na ako tatawag na ako sa pulis!"
--Too--too--tooo--too--tooott--
"Shit ngayon pa nagloko ang signal bwisit nawala na!" wika ni Kevin.
--Noon ay tumawag na si Kevin sa pulis upang sabihin ang nangyayari sa bahay nila Josh--
--Tinawagan din niya si Two upang ibalita ang magandang balita--
"Hello Two!"
"Oh, hello Kevin!"
"May nakuha na si Josh!"
"Ano meron na?"
"Oo napasok na niya ang accounts ni Jazz!"
"Mabuti magandang balita!"
"Pero may umaligid daw sa bahay nila kaya pupuntahan ko siya!"
"Shit! masama ito, Kevin makinig ka wag mong itatawag sa mga pulis ito, wag kang hihingi ng tulong sa pulis! Kuha mo ba Kevin?"
"Ha? Bakit?"
"Basta! shit masama ito!"
"Nakatawag na ako kanina pa Two! Sorry di ko alam!"
"Shit the f*ck, wala bang sinabi si Josh?"
"Nagchapi na kase kanina!"
"Kevin bilisan mo puntahan mo na si Josh, magbibihis na ako magkita tayo doon basta bilisan mo yong pinakamabilis mong paraan upang makarating kay Josh!"
"Shit ano bang nangyayari? oh siya sige na pupuntahan ko na siya, magkita tayo doon!"
"Dali na bilisan mo Kevin!"
--Tooott--
--Noon ay nagmadali na nga si Kevin upang puntahan si Josh--
[Sino kaya ang mga umaaligid sa bahay nila Josh? Ano kaya ang mga info na nakuha ni Josh? Maaabutan kaya ni Kevin si Josh? Bakit ganon nalang ang pag-aalala ni Two sa pagtawag ni Kevin sa mga pulis? Ating alamin sa susunod na chapter]
Up Next Chapter 44
Story #6
02-20-18
Silentwolf
Tahimik na LoboPs. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.
[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]
BINABASA MO ANG
Who Killed My Girlfriend
Mystère / Thrillera mystery/thriller/tragic/love story, this is something new. the story is all about a murdered girl, the story will run on the investigation of the case, lets find out who really killed my girlfriend.