Chapter 20
Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]
#Chapter 20
--Phone----Nang maka uwi na si JD ay gabi na. Nagpahinga muna siya at naligo. Habang siyang nagpapatuyo tinitignan niya ang patch bag na nakuha niya kung saan naroroon ang phone ni Yvon, sa isip ni JD tumatakbok ang napakaraming tanong, kung ano ba ang makikita niya kung ano ang malalaman niya kung sino ba ang mga katext o call log na makikita niya sa phone ni Yvon, umupo siya sa may kama niya at--
"Ano nga ba ang aking makikita sa phone mo Yvon? Makakaya ko ba ang aking makikita rito? O mas mabuti nang hindi ko na halungkatin ito? Pero Yvon umaasa ako na walang kataksilan gawa rito, sana kung ano man ang laman nito ay makakatulong sa kaso mo, sana naging tapat ka sakin, alam ko Yvon na alam mo kung ano ang naging nakaraan namin ni Mia, nakwento ko naman na sayo diba Yvon, pero yung nangyari samin kamakaylan ay hindi ko ginusto pinikot ako ni Mia hindi ko ginusto yun Yvon alam ko na alam mo yan, alam ko na alam mo na naging tapat ako sayo. Alam mo naman kung gaano kita kamahal Yvon" mahinang bulong ni JD sa hangin
--Kasabay ng pagbulong ni JD, ang isang pagkatok sa pinto ng kwarto niya, na gumising sakanya sa pagkakatulala--
-Tok-
-Tok-
-Tok-
"Kuya diyan kaba?""Oo!! bakit ba Josh?"
"Kuya syempre mangangamusta lang miss kita eh"
"Wag ka nga Josh, alam ko na yan ganyan tirada mo"
"Hindi kuya totoo, mangangamusta ako sa nilakad mo"
"Wag ngayon Josh, magulo utak ko"
"Sige na nga kuya, pero kuya handa na ang hapunan, sabay na tayo"
"Sige, bihis lang ako"
--Pagkabihis ni JD tinabi niya muna ang mga gamit niya lalo na ang phone ni Yvon, at lumabas na para kumain--
"Kuya, ano musta yung lakad mo?"
"Josh, pwede akin nalang muna yun"
"Tumawag si Mia kanina nasabi ko na nagmamadali kang umalis kanina, tumawag ba siya sayo? Feeling ko kuya sobra ang tama sayo ni Mia, lagi ka niyang kinakamusta kaya saken"
"Oo tumawag siya saken, next time Josh wag mo nang sabihin sakanya kung saan ako nagpupupunta o ano ang ginagawa ko ha"
"Bakit kuya, MU kayo? (Haha) joke lang kuya, pero hindi ka ba naattract sakanya? Sobrang sexy kaya niya, grabe yung katawan niya yung bang maglalaway ka sa sobrang sexy niya diba kuya"
"Josh, nasa harap tayo ng pagkain kung ano anong pinagsasabi mo, pwede bang kumain ka muna ha!! Wag mong sabihin may hidden desire ka sakanya?"
"Magsisinungaling ako kuya kung sasabihin kong wala (haha) pero ok na yun basta hehe"
"Tsk, tsk!! Nako Josh nako!! Grabe ka, sya kain na muna tayo, marami pa akong gagawin mamaya"
"Kuya, marami kang hindi alam saken kase masyado kang focus sa sport mo at kay Yvon. Maraminng nangyayari na hindi mo napapansin, kain na kuya"
--Pagkatapos nilang kumain ay sinabihan na ni JD na siya nang bahalang magligpit--
"Oh, kaw na bahala dito Ha Josh"
"Tsk, lagi naman eh, Opo kuya"
"Josh may sinasabi ka ba? Gusto mong sabihin ko kina mommy ang pinaggagagawa mo"
"Wala kuya, wala wala wala"
"Para klaro lang Josh (hahaha)"
--Bumalik na si JD sa kwarto niya upang tignan ang phone ni Yvon--
"Yvon, susubukan ko nang tignan kung anong meron sa phone mo"
--Pero pagbukas niya sa phone ay hindi maopen kaya chinarge na muna ito, habang nagchacharge ang phone ay hinalungkat niya kung ano pa ang laman ng bag, nakita niya ang isang hindi pangkaraniwang ballpen gawa ito sa itang lightwieght metal, parang aluminum kalakip din ito ang isang pares ng rubber gloves na nakalagay sa isang ice bag, hindi na niya ito ginalaw pa pagkat alam niya na ito ang maaaring gamit ng killer kung kayat walang nakuhang fingerprints sa crime scene, sa isang silid ng patch bag ay nakita niya ang nakasuksok na sim card, ang mga ilang papel na nasa bag ay kanyang iniisa isang kunuha gamit ang gwantes niya alam ni JD na balang araw ang mga ito ay ipapakita rin niya kay detective D kaya marapat na mapreserba kung ano man ibedensya ang nasa mga gamit na ito, isa-isang kunanan ni JD ng litrato ang mga ito, nakalipas ang ilang oras ay napuno narin ang phone ni Yvon--
"Nafull charge rin, hays !(hingang malalim) good luck sa makikita mo JD" ani ni JD sa sarili niya
--Binuksan nanga ni JD ang phone ni Yvon, may sira ang screen nito kunting crack at may Black spot sa LCD niya, unang tinignan ni JD ang galary ng phone, doon niya nakita ang mga sweet pictures nila ni Yvon, ang mga alaala nilang dalawa, unti unti naring gumugulong ang kanyang mga luha sa mata--
"Grabe ka Yvon, ang daming stolen shot na kinuha mo pala saken, ang sama sama mo puro nakakatawa pa naman mga itsura ko oh! Siguro tawang tawa ka pag tinitignan mo ng mga ito, grabe ka Yvon." Pangiting sambit ni JD
--Hanggang sa nakapunta siya sa mga videos ng phone ni Yvon, doon ang hikbing luha ni JD ay naging hagulgol--
"Babe naman eh, ano 'to? Hindi ko naman kaylangan mga 'to Yvon. Sorry ngayon ko lang nalaman, Oo Yvon na surprise ako kahit para sa aniversary pa sana natin ang video na ito pero eto na at pinanonood ko na, nakakalungkot lang kase dapat magkasama tayong papanoorin ito pero ako nalang kase wala kana, Yvon thank you sa surprise mo alam kong wala kag hilig sa mga video video na mga ito pero dahil saken gumawa ka thank you talaga Yvon. I love you so much Yvon isasave ko ito at sa aniversary natin panonoorin natin 'to babe" lumuluhang bulong ni JD sa hangin hang hawak hawak ang phone ni Yvon
--Dahil sa nalunod na si JD ng lungkot, pagkatapos niyang paulit ulit na pinanonood ang video na ginawa ni Yvon para sakanya ay nagpasya siyang ipagpabukas na ang pagkalkal sa phone ni Yvon, pagod na rin siya sa buong araw na kanyang ginawa, idagdag pa ang lungkot at imosyon na nagpaparihap at nagpapabigat ng kalooban niya, pagkatapos niyang itabi ang mga gamiy niya at ng patch bag nilock niya ng kwarto bahang paulit ulit parin niya pinanonood ang video ay unti-unti na rin narin siyang hinawi sa kawalang ng mahimbing na tulog--
[Marapat na bang sabihin ni JD kay detective D ang mga gamit ni Yvon na kanyang nahanap? Sasabihin din kaya ni JD ang mga ito sa taong nakahoodie jacket? Ano pa kaya ang makikita ni JD sa phone ni Yvon? Ating alamin sa susunod na chapter]
Up Next Chapter 21
Story #6
01-03-18
Silentwolf
Tahimik na LoboPs. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.
[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]
BINABASA MO ANG
Who Killed My Girlfriend
Tajemnica / Thrillera mystery/thriller/tragic/love story, this is something new. the story is all about a murdered girl, the story will run on the investigation of the case, lets find out who really killed my girlfriend.