Chapter 2
Who Killed My Girlfriend
Ni Silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story
-
[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]#Chapter 2
-gathering information--Maghapon ang team ni detective D sa crime scene mula doon ay naka kuha naman sila ng mga mahahalagang detayle mga person of interest sa krimen na kanilang inaaral sa crime lab. Ang katawan naman ni Yvon ay dumaan sa postmortem examination o autopsy para malaman kung ano ang tunay na nangyari.-
"Yvon sorry, sorry kung hindi kita naprotektahan sa kung sino man ang gumawa nito sayo, pero Yvon pangako ko gagawin ko lahat upang mahuli at mapanagot kung sino man ang gumawa sayo nito." -Umiiyak na salaysay ni JD sa hangin
"JD, nakikiramay ako sa pagkawala ni Yvon, last week lang ng saya-saya pa natin diba, tapos ngayon ganito na wala na siya, hindi ko mapapatawad ang gumawa nito kay Yvon, JD gumawa tayo ng sariling imbestigasyon"-maluha-luhang ani ni Mia.
"Oo, nga eh, ang dami pa naming plano ni Yvon, after graduation sana natin magtutour kami, tas after 2-3 years magpapakasal na sana kami, pero ang mga pangarap namin wala na, k-kase w-w-wala n-na siya"- humagulgol na tugon ni JD
-niyakap ni Mia si JD-
"JD, masakit para sa ating lahat ang nangyari, tatagan mo ang loob mo andito lang ako tutulungan kitang lutasin ang kaso ni Yvon"- pabulong na sagot ni Mia
-may biglang dumating at-
"Iho, iha- kabisado niyo ba ang mga gamit ni Yvon?" -tanong ni detective D
-nagulat ang dalawa at-
"Detective D ikaw pala"- sabay nilang tugong
"Oh, bat parang nakakita kayo ng multo? Tinatanong ko kayo kung kabisado niyo ang mga gamit ni Yvon, ngayon araw bubuksan ang dorm niya para maghanap ng mga ibedensya"- ani ni detective D
"Ako detective D alam ko ang mga gamit ni Yvon kase lagi naman akong nasa dorm ni Yvon"- sagot ni JD
"Kabisado ko rin detective D para na kaming magkapatid ni Yvon kung ano ang meron ako meron din siya kase pag nagmamall kami yung buy one take one madalas naming bilhin"- pasunod na sagot ni Mia
"Kung ganon, isasama ko kayo sa pag-iimbistiga para sa pag identify sa mga gamit ni Yvon" -wika ni detective D
-nagpunta nga sila sa dorm ni Yvon, doon ay naghalungkat sila sa mga gamit ni Yvon, at kanilang natuklasan na may mga ilang gamit si Yvon na nawawala-
"Wala ang mga ilang gamit ni Yvon, wala ang kanyang cellphone, wala din ang ipod niya, wala din ang wallet niya. Bakas din ang kumusyong nangyari dito sa loob,
Maaring pagnanakaw ang sadya ng suspek, pero bakit walang bakas na pinilit binuksan ang pinto.
Maaaring nagpakilala ito na kilalang kaibigan o kapamilya kaya pinagbuksan ni Yvon at noong nakapasok na ito saka sila nagpambulo, maaaring isa o dalawang tao lang ang may gawa nito"-salaysay ni detective D-muli nilang sinara ang kwarto ni Yvon para hindi magulo ang crime scene para sa mga susunod na pag-iimbistiga, noon ay nasilip ni detective D ang isang CCTV sa dikalayuan-
"Ang mga CCTV ba dito sa Campus niyo lahat gumagana?" -tanong ni detective D
"Oo Sir, pero yung iba hindi pag aari ng campus yung ibang CCTV sa mga bahay-bahay lang"- ani ni JD
"Kakausapin ko ang pamahalan sa unibersida na ito at ang barangay Captain dito para maka hingi ng CCTV footage bakasakaling may maitulong sa paglutas ng kaso"-wika ni detective D
-sa pagpapatuloy ng pag-iimbistiga ni detective D, nagtanong-tanong siya sa mga nagdodorm sa mga kalapit na dorm kung saan nagdodorm si Yvon at may natuklasan si detective D, may isang babae na nagngangalang Sheena Gonzales ang nagbigay salaysay na makakatulong sa imbestigasyon-
[Ang kanyang salaysay ating alamin sa susunod na chapter, masasagutan na ba ang pagkamatay ni Yvon?]
Chapter 3 up next
Story #6
6-2
11-10-17
Silentwolf
Tahimik na LoboPs. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.
[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang COMMENT BOX maraming salamat]
BINABASA MO ANG
Who Killed My Girlfriend
Mystery / Thrillera mystery/thriller/tragic/love story, this is something new. the story is all about a murdered girl, the story will run on the investigation of the case, lets find out who really killed my girlfriend.