WKMG Chapter 25

26 1 0
                                    

Chapter 25

Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story

[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]

#Chapter 25
--salaysay ni Zander--

--Sa pagpapatuloy--

--Sinimulan na ni Detective D ang pag-iimbistiga sa mga nakabangga ni JD noon na sina Jazz Antonio, Zander Cu at Fox Zen Pascua inisa-isa ni detective D ang mga nito hawak ang isang legal na paanyaya upang magsagawa ng imbestigasyon hindi naman siya nabigo pagkat pinaunlakan naman nila isa-isa si detective D, unang pinuntahan ni detective D si Zander Cu, isang mayamang Chinese business man ang Ama nito at siya ang tagapagmana sa negosyo nila--

"Dinngg donngg"

"Tao po"
"Tao po"

"Magandang umaga po!! Sino po sila" tanong ng isang kasambahay

"Magandang umaga rin po, ako nga po pala si Pulis Officer II Teodor Diza a.k.a Detective D natiro po ako upang kunan ng salaysay si Zander Cu nariyan po ba siya? meron po akong legal na paanyaya upang kunan siya ng pahayag hingil sa kaso ni Yvon Dela Torre" sagot ni detective D

"Ahh,, sige po tatanungin ko muna siya kung hindi siya busy, saglit lang po" tugon ng kasambahay

--Nakalipas ang ilang minuto, bumalik na ang kasambahay--

"Sir!! Sige raw po pero hindi bilisan lang po ah, pasok po kayo"

"Salamat naman at pumayag naman siya"

"Pag may oras siya, papayag naman yun Sir hindi naman siya yung tipong snob sa mga tao, minsan mainitin ang ulo kase siguro sa negosyo nila alam mo naman Sir puro negosyo nasa isip nila"

"May alam ka ba sa kaso niya noon"

"Ah, yon wala na ata yon Sir"

"Ah ok, saan ba siya? Ang lawak naman ng bahay nila"

"Doon siya Sir sa may garden sa pool"

--Sa may pool, naghihintay na si Zander Cu--

"Magandang araw Mr. Zander Cu" ani ni detective D

"Ganon din sayo Sir *sabay abot ang kamay* ano po bang atin Sir" sagot ni Zander

"Narito ako upang kunan ka ng pagayag sa kaso niyo ni JD"

"JD...J..D.. John Darel tama ba Sir? Ang star player"

"Buti naman at natatandaan mo pa siya, muntik na siyang namatay dahil sa inyo tama po ba"

"Sir, maghugas dili kayo! Alalahanin niyo Sir walang napatunayan sa korte" matapang na tugon ni Zander

"Wala nga ba iho? O nadala lang sa usapan at areglo?"

"Wala akong alam dyan Sir, yun lang ba ang pinunta niyo dito Sir? Kase kung yun lang wala akong oras para dyan"

"Hindi iho pero tinitignan lang namin ang ibang nangyari sa nakaraan noon na pwedeng iugnay sa kaso ng napatay na girlfriend ni JD"

"Ano? A..ano yun Sir? Girlfriend ni JD napatay? Sinong Girlfriend ni JD?"

"Si Yvon Dela Torre"

"Shit, Si Yvon patay na?"

"Oo kilala mo ba siya?"

"Oo naman first year palang kami noon kilala na siya sa campus, that time ganon din si JD pero hindi ko alam kung sila na noon pero hindi eh malabo kase fulltime si JD sa sport niya that time, at walang hilig sa chixs si JD" wika ni Zander

"Bakit niyo siya binugbog noon? Eto nalang iho maari ka bang imbitihan sa prisinto upang hingan ng legal na salaysay tungkol sa kaso niyo ni JD noon at sa kaso ni Yvon?"

"Sige ok lang po"

--Nagtungo na nga silq sa prisinto upang kuhanan ng salaysay si Zander--

"Iho marapat na yung totoo lang ang sabihin mo Zander"

"Opo Sir"

--Sinimulan na nga ni Zander ang kanyang salaysay--

--Sakanyang sinumpaang salaysay inilahad niya ang dating kaso nila ni JD, sinabi niya dito na wala siyang kasalanan na nipilit lang sila ni Jazz upang pagtulungang bugbugin si JD, sinabi niya bat ko siya bubugbugin wala naman siyang atraso saken, sinabi niya na pinagseselosan daw ni Jazz noon si JD dahil sa Fan ito ng Girlfriend niya kaya plinano ni Jazz ang pagbugbug kay JD, hindi daw niya alam na yun ang gagawin nila, sinabi rin niya na membro siya sa frat ni Jazz kaya rin siya sumama dahil sinabi nila na may meeting sila pero yun pala bubugbugin nila si JD. Sinabi rin niya na nasampahan sila ng kaso pero na gawhan ito ng paraan ng tatay ni Jazz dahil siya ay isang Judge. Hindi niya alam kung anong ginawa ng tatay ni Jazz pero nagpapasalamat siya dahil nakalaya sila. At sa kaso naman ni Yvon sinabi niya na wala siyang alam doon kase wala na siya sa university kase naka ban na sila dahil sa kaso nila, sinabi rin niya na baka si Jazz may kinalam sa kaso ni Yvon, sinabi rin niya na barkada niya si JD at hindi niya kayang gawin ito nasangkot lang daw siya talaga--

"Salamat Zander sa iyong salaysay, salamat sa oras Zander ngayon kung may itatanong pa kami tatawagan ka nalang namin Iho"

"Salamat rin Sir, handa akong tumulong Sir para makabawi narin kay JD, Sir pwedeng pakisabi kay JD condolence nakikiramay ako sakanya"

"Makakaratin Zander"

--Sa pagbibigay ni Zander ng kanyang salaysay nasagutan ang ilang tanong, pero wala pang malinaw na sagot sa tanong kung sino nga ba ang pumatay kay Yvon--

[Nakapagbigay na ng salaysay si Zander, ano naman kaya ng magiging salaysay ni Jazz Antonio at Fox Zen Pascua? Ating alamin sa susunod na chapter]

Up Next Chapter 26

Story #6
01-13-18
Silentwolf
Tahimik na Lobo

Ps. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.

[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]

Who Killed My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon