WKMG Chapter 45

1 0 0
                                    

Chapter 45

Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story

[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang,  kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]

Chapter 45
--Kevin, Two at Josh--

"Shit, saan natin hahanapin si Josh dito!" ani ni Two.

"Ssshh! wag kang maingay Two!"

"Pano eh napakalawak ng ware house na ito!"

"Oh kayong dalawa! Pumunta kayo sa may labasan tumawag si baby boss baka raw may bisita tayong darating para kunin tong bihag!" Malakas at nakakatakot na boses mula sa isang lalake.

"Shit! Positive narito nga si Josh, tatawag na ako ng pulis!" wika ni Kevin.

"Kevin wag, hindi natin alam kung sino ang kakampi natin!" sagot ni Two.

"Sige na pumunta na kayo doon kaming dalawa na ang bahal dito sa hibag magbantay kayong maigi apat lang tayo!" muling ani ng lalake.

"Tigan mo Kevin apat lang sila kaya natin yan, ito tubo labanan natin sila!" wika ni Two.

"Sigurado ka ba Two? pano kung may baril sila?"

"Ssshh wag kang mag-alala hindi naman tayo lalabas bigla bigla-bigla pipikutin natin sila, pumwesto ka doon sa may ikawalang poste sigurado diyan dadaan ang isa, aabangan ko naman dito ang isa!" kuha mo ba Kevin?

"Sige sige ingat ka Two!"
--

"Bwiset na Tonyo tayo pa ang pinapunta dito sa labasan!"

"Oo nga hayaan mo na at least dito pwede tayong mag-yosi -ha ha ha ha ha-" (usapan ng dalawang lalaking bantay habang naglalakad)

(Uuugghhhh)
Malakas na palo mula sa likod ang pinakawala ni Kevin para sa isang lalaki, nagulat ang isang lalaki at napalingon kay Kevin dali-dali naman pinalo ni Two ng napakalakas ang isang lalaki dahila upang mawalan ng malay, hinila nila ang dalawang tulog na lalaki sa may gilid upang hindi sila makita, dahan-dahan silang pumasok sa looban para tiganan si Josh nakita nila dito ang dalawang lalaki nag lalaro ng braha habang si Josh naman ay naka upo sa gilid may busal ang bibig at may piring ang mga mata naka kadena rin ang kayang mga kamay at paa. Dahan dahan silang lumapit sa mga nakabantay kay Josh at pinagpapalo ito dahilan upang mawalan ng malay.

"Josh? Josh si Kevin ito!"

"Kuya Kevin! Kuya Kevin!" Natatakot na ani ni Josh!

"Ssshhhh! Oo Josh wag kanang matakot ligtas kana!" wika ni Kevin habang tinatanggal ang piring ni Josh.

"Kuya salamat! Akala ko niyo na ako mahahanap akala ko ito na ang katapusan ko!" umiiyak na wika ni Josh.

"Dalian mo Kevin baka magising na sila!" wika ni Two.

"Shit na saan ang susi sa kandado? tignan mo nga diyan Two!"

"Shit wala dito?"

"Yong dalawa na lumabas nasa kanila ang susi!" ani ni Josh.

Dali-daling pinuntahan ni Two ang dalawang lalaking na-una na nilang pinalo kanina upang kunin ang susi, dali-dali rin itong bumalik kina Josh at Kevin.

"Oh ito ang susi, dali Kevin bilisan mo baka magising na sila!" natatarantang ani ni Two.

"Sshhhh, ito na ito na..wag kayong magulo natataranta ako ang dami naman kaseng susi!" sagot ni Kevin.

"Ayon tumama rin!" malakas na wika ni Kevin.

"Yes bilis tara na!" tugon ni Two.

(Haahh)
"Saan kayo pupunta?" nakakatakot na boses ng lalake dahila upang mapalingon sina Josh, Two at Kevin.

Nagtinginan ang tatlo nang walang ano-anoy lumapit ang lalaki sa kanila, agad naman na sinipa ni Two sa panga, lingid sa kaalaman nila magaling mag taekwondo si Two, nagising narin ang isa pang lalaki dahila upang magpambuno na sila, pinagtulungan ni Josh at Kevin ang isang lalaki habang patuloy naman na nilalaban ni Two ang isa, hanggang sa nawalan ng malay ang dalawang lalaki.

"Tara na bilisan niyo!" wika ni Two.

"Tara na!"

Dali-daling tumakbo na sila palabas sa ware house, hanggang sa nagulat sila nang harangin sila ng dalawang lalaki, agad na binigyan ni Two ng isang malakas na sipa ang isang lalaki inatake naman ni Josh at Kevin ang isa dahil sa nahihilo pa ang mga ito ay agad nilang napatumba ang mga ito doon ay tuluyan na silang nakalabas sa ware house at nagtungo na sila sa korte dala-dala ang lahat ng ebedensyang kanilang nakalap.

"Bilisan mo Kevin!" wika ni Two.

"Oo na ito na Two!"

"Ikaw Josh ayos ka lang ba? gusto mo bang dahil ka muna sa ospital?"

"Hindi na Ate, kaya ko ito deretso na tayo sa korte!"
--
"I'm giving you five (5) minutes to present your witness and additional evedence! Five (5) minutes court break." Ani ng Judge.

"Nasaan na ba kayo Kevin at Two nasa makaabot kayo, sana walang masamang nangyari sa inyo!" bulong ni JD, halatang kinakabahan siya sa kung ano na ng nangyari sa kanila.

[Makakaabot kaya sina Two, Kevin at Josh sa korte? Ano kaya ang kalalabas ng kaso ni JD? Maipriprisinta kaya nila ang mga nakalap nilang ebedensiya? O huli na ang lahat para kay JD? Ating alamin sa susunod na chapter]

Up Next Chapter 46

Story #6
03-11-18
Silentwolf
Tahimik na Lobo

Ps. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.

[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]

Who Killed My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon