Chapter 12
Who Killed My Girlfriend
Ni silentwolf
-mystery/thriller/tragic/love story[Ang mga lugar, pangalan at karakter sa kwento ay kathang isip lamang, kung mayroon man pagkakahalintulad sa kung sino man personalidad o lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang]
#Chapter 12
-sementeryo---Sa bawat isang tao na dumudungaw sa kabaong ni Yvon dama ang malabagyong bugso ng luha at dagungdong ng kulog ng mga hagulgol at hikbi, hanggang sa lahat ng tao na ay nakadungaw na kay Yvon, tuluyan nang sinara ang kabaong ni Yvon, si JD naman ay hindi na alam kung saan pa kukuha ng lakas habang gabuhos ang kanyang mga luha ang nakita niyang taong naka hoodie jacket kanyang isinawalang bahala muna pagkat isa siya sa nag tulak sa kabaong ni Yvon tungo sa karo na magdadadala sa huling hantungan ni Yvon, alam ni JD na may gustong ipahiwatig o sabihin ang taong naka hoodie jacket ngunit dahil sa kawalan ng oras hindi pa niya ito nakakausap, sa wari ni JD may kinalaman ito sa kaso ni Yvon walang pagkakalilanlan ang tang naka hoodie jacket pagkat naka suot ito ng shade at naka mask, muling sinakay ang kabaong ni Yvon sa karo at nagprusisyon ulit sila tungo sa huling hantungan niya--
"JD, okey kalang ba? Kaya mo pa ba? Wag na tayong tumuloy sa sementeryo if hindi ka na okey JD"
"No Mia, kaya ko pa, kung ayaw mo nang sumama magpaiwan ka nalang"
"JD, don't get me wrong, nag aalala lang naman ako para sayo, yes I know this is very much hard for you ako rin naman JD nag luluksa sa pagkawala ni Yvon, tandaan mo JD nauna konh nakilala si Yvon kesa sayo, at nakilala mo lang siya dahil saken"
"Mia, ano bang gusto mo sabihin, ha? Please Mia wag ngayon, just shut-up, nagluluksa ako layoan mo muna ako Mia"
"Alam ko galit ka parin sakin sa kung ano man ang nangyari satin JD"
"Mia, can you please shut your mouth baka may makarinig pa sayo"
--Lumayo, si Mia kay JD, habang tuloy ang paglakad ng prosisiyon sa libing ni Yvon, patuloy ang pagluha ang mga tao, sa bawat hakbang palapit sa huling hantungan ni Yvon, habang patuloy ang lakad nila tumunog ang phone ni JD tinignan niya ito--
Anonymous sender-
"Nakikipagluksa ako JD, sanay makamit ni Yvon ang tunay na hustisya"--Nagulat si JD sa text na kanyang natanggap, napatingin siya paligid, doon ay nakita niya muli ang taong naka hoodie jacket, parang sumusunod ito sa kung saan mapunta si JD, naguguluhan man si JD wala siyang magawa pagkat hindi pa naililibing si Yvon, pero nais niyang malaman kung sino mang ang taong naka hoodie jacket malakas ang kutob ni JD na siya ang magpadala ng text sakanya, muling isinawalang bahal muna ni JD ang mga ito, at tuloy lang sa pagsunod sa karo tungo sa huling himlayan ni Yvon--
[Sa isip ni JD]
Yvon, alam mo na mahal na mahal kita, sana mapayapa na ang iyong kaluluwa, Yvon kung ano man ang mga plano natin tutuparin ko parin ang mga yon Yvon, isasama kita sa kung saan man ako mapadpad mahal na mahao kita Yvon, sana mapatawad mo ako kung meron man akong naging pagkukulang sayo.
--Sa pag iisip ni JD, hindi niya namalayan na nakarating na sila sa sementeryo, habang abala ang lahat si JD naman ay hindi na umalis sa tabi ng kabaong ni Yvon, sinimulan na ng pari ang isang seremonya, patuloy ang pag iyak ng mga tao ang mga kaibigan mga kapamilya lalo na si JD, na halos parang baliw na dahil sa kanyang itsura na yakap yakap ang kabaong ni Yvon, halos himatayin na siya sa kakaiya, lubos ang lungkot na nararamdaman ni JD--
"Y-y-v-o-o-nn, bakit bakit mo ako iniwan, mahal na mahal kita Yvon please gumising kana" mga salitang paulit-ulit na humahagulgol na sinasabi ni JD
"Anak, tama na, kahit anong gawin natin, anak wala na siya, palayain mo na siya mahirap man pero kaylangan nating gawin ito tanggapin na natin na wala na si Yvon, JD" pampapagaang loob na wika ni Mommy ni Yvon
"Tita, hindi ko kaya, hindi ko kayang mabuhay na wala si Yvon, gusto kong sumama sakanya Tita, si Yvon ang kumompleto sa'kin siya ang nagpakita na mahalaga ako, binago niya ako Tita, dahil sakanya naging makabuluhan ang buhay ko, naging sersyoso ako naging mas responsable ako, lahat ng ginagawa ko para sa amin para sakanga Tita, pano na ako ngayon Tita hindi ko na kaya, gusto ko nang mamatay" umiiyak na sagot ni JD
--Niyakap ni Mommy ni Yvon si JD--
"Anak, tahan na hindi gusto ni Yvon yang mga niniisip mo, I'm sure JD, Yvon want you to continue your life fulfill your dreams, gusto niya maging successful ka sa buhay mo, please JD, gawin mo lahat upang malampasan mo ito wag mo iisipin o gagawin na tapusin ang buhay mo hindi gusto ni Yvon iyon, dapat tuparin mo ang nga dreams niyo ni Yvon Anak, wag kang mag alala JD naka suporta kami sayo, you are part of our family even tho wala na si Yvon"
--Habang magkayakap sina JD, at Mommy ni Yvon, napansin ni JD ang taong naka hoodie jacket, kita ni JD ang pag punas niya ng mga luha niya sa kanyang mga mata, sa isip ni JD marahil kakilala ni Yvon ang taong nakahoodie jacket hinayaan nalang ni JD pagkat ibababa na ang kabaong ni Yvon sa hukay, kasabay ng pagkulimlim ng panahon animoy sumasabay sa pagdadalamhati ang araw pagkat natakpan ito ng makakapal na ulap, ang mga tao mga kaibigan, nagmamahal kay Yvon ay hindi na magkamayaw sa pag-iyak kasabay ng paglalagay ng rosas na pabaon kay Yvon isa isa na rin nilang pinakawalan ang mga puting lobo sa kalangitan kasabay ng isang makabagbagdamdamin na awit na maslalong nagpapalala sa emosyon ng bawat isa, sa pagbaba kay Yvon at pagsara sakanyang huling himlayan ay unti-unti naring nag-alisan ang mga tao--
"Bro, dito lang kami para sayo, anytime bro isang tawag lang pupuntahan ka namin" maalumamay na wika ng mga kateam ni JD sabay tapik sa balikat
"Bro mauna na kami""Sige mga bro, salamat sa pagkikiramay at pagsuporta samin hanggang sa libing ni Yvon"
"JD, kaya mo yan"
"Tito, Tita, una na po kami"
"JD, wag kang panghinaan ng loob si Yvon always nariyan lang sa tabi mo, kaya mo yan JD"
(Paalam ng mga kaibigan ni Yvon)--Isa isang nagbigay ng pakikiramay at suporta kay JD at sa pamilya ng Yvon ang mga nakipaglibing bago umalis, sina JD at ang Pamilya ni Yvon ay nagpaiwan muna sa puntod ni Yvon--
[Ngayon nailibing na si Yvon, maililibing narin kaya ang kaso niya? Ano kayang paghahandamg ginagawa ni Kevin upang madepensahan ang sarili niya sa korte?
Makikilala na kaya ni JD ang taong naka hoodie Jacket?
Ating alamin sa mga susunod na chapter]Up Next Chapter 13
Story #6
12-22-17
Silentwolf
Tahimik na LoboPs. Sorry kung may maling salita baguhan lang po.
[Para sa mga gustong magbigay ng kritisismo at komento paki gamit po ang REPLY BOX maraming salamat]
BINABASA MO ANG
Who Killed My Girlfriend
Misteri / Thrillera mystery/thriller/tragic/love story, this is something new. the story is all about a murdered girl, the story will run on the investigation of the case, lets find out who really killed my girlfriend.