Note: This story is now on editing period!
INLOVE WITH A BILLIONAIRE
Written by Sydalg_Enaj
--
Story Started: Year 2013
Story Ends: Year 2013Editing Started: August 8, 2017
Story Type: Romance
Comedy
DramaFeaturing:
Park Shin Hye as Vanellope Von Santiago
Lee Min Hoo as Troy Murphy Hemsworth
Prologue
Kapag mahirap ka mababa ang tingin sa iyo ng lahat.
Lumaki ako sa isang simpleng pamilya. Kapag sinabi kong simple, literal talaga na simple.
Gawa sa kahoy ang bahay namin, maliit lang ang TV namin sa pamamahay, wala kaming ref at mas lalong wala kaming washing macahine. Palaging tuyo, noodles o di kaya sardines ang ulam namin sa bahay.
Pagtitinda ng kakanin ang pinagkaka-abalahan ni nanay. Nag-pa-part time job naman ako para makapag-aral. May bunso akong kapatid na pitong taong gulang.
Pinanganak akong mahirap ngunit wala akong pinag-sisihan. Masaya ako sa anong meron ako at palaging kong pinapasalamatan ang diyos na binigyan niya ako ng napakabait, maunawain, mapagmahal na ina at napakakulit ngunit matalinong kapatid. Sila ang yaman ko. Ang kayamanan kong hindi makukuha ng kahit na sino.
Simpleng pamumuhay, iyan ay mayroon ako. Simple na sana, tahimik na sana ngunit naging magulo ng makilala ko siya.
Kung ako ay mahirap kabaliktaran naman siya.Lumaki siya sa mayamang pamilya. Kapag sinabi kong mayaman, literal na sobrang mayaman. Isa sa pinaka-mayaman sa buong Pilipinas.
Gawa sa marble ang bahay nila na may kasama pang ginto. May sampung TV sila sa bahay puro flat screen pa. Hindi lang ref ang meron sila. May washing machine, oven, blender, aircon, computer, laptop, lahat ng bagay na pwede mong maisip ay mayroon sila.
Steak, isa sa mga paborito niyang pagkain. Hapunan lang pero akala mo may handaan sa bahay sa sobrang dami ng ulam.
CEO/Owner ang kanyang ama sa isang malaki at sikat na kumpanya na pag mamay-ari din ng pamilya nila. Nag-iisang anak lamang siya. Nag-aaral siya sa isang mamahalin at sikat na eskwelahan.
Ipinanganak siyang mayaman.
Malayo sa aking kinalakihan.
Mahirap at mayaman. Dalawang magka-ibang mundo. Sa unang tingin pa lamang imposible ng magsama ang dalawang salitang ito.
Alam kong mali, alam kong walang patutungahan, alam kong walang maidudulot na maganda.
Pero kahit anong iwas ko, kahit anong tago ko, hindi pa rin talaga maikakailang...
Im Inlove with a Billionaire
BINABASA MO ANG
Inlove with a Billionaire (EDITING)
RomanceShe's poor and his rich! Vanellope Von Santiago, a very simple woman with a simple dream. She has a simple life, simple family all around her was just so simple not until Troy Murphy Hemsworth came to her life. All the simplest things turned to an...