Chapter 19: Feelings

8.4K 131 2
                                    


-Von's POV-

Two weeks passed and hanggang ngayon ay iniiwasan ko pa rin si Troy.

Kapag nasa PE class kami hindi ko siya masyadong kinakausap, kapag nag te-text naman siya hindi ako nag re-reply at kapag tumatawag naman siya hindi ko sinasagot.
Gusto na nga rin akong makita ni Tito Sonny pero hindi na ako pumupunta sa bahay nila.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nang gabing iyun, nag bago ang lahat. May iba na akong nararamdaman kay Troy. Hindi ko alam kung gusto ko ba siya, mahal ko na ba? Or ano ba talaga? Im so confused right now. Pero isa lang talaga, sa tuwing nakikita ko siya parang sumasabog ang dibdib ko.

Oh my god. Am i breaking the 5th rule?

Eh kasi naman itong halik ni Troy hindi mawala sa isipan ko. Sabihin niyo nga anong dapat kong e react when your fake boyfriend is kissing you toridly?! Tapos unang halik ko pa yun, as in! Ninakaw niya ang una kong halik at wala siyang maalala? Wow! Nakaka bwesit lang di ba? Matapos niyang pagsawaan ang labi ko.

"Von, malalim na naman iyang iniisip mo" Sambit ng katabi kong si Samantha.
Binalingan ko siya tsaka pinangsikitan ng mata. Niyakap ko ang kanyang braso.

"Sam, anong magiging reaction mo kapag hinalikan ka ni Edward tapos hindi naman kayo?" Hindi ko man natatanaw ang mukha niya ngunit alam kong hindi maitsura ang kanyang mukha ngayon.

"Anong klaseng tanong ba yan Von! Huwag mo nga akong idamay kung confuse ka diyan sa feelings mo kay Troy"
Napangiwi na lamang ako. Eh siya din naman confuse sa feelings kay Edward.

"Nandito na po tayo" Sambit noong driver ni Sam. Bumaba na kami ng sasakyan.
Naisipan naming gumala sa mall ngayon araw. Matagal na din kasi simula noong huling gala namin.

Sa arcade namin napag desisyonang unang pumunta. We may be old for this stuf but duhh, minsan lang maging bata kaya pagbigyan niyo na.

Pagkapasok namin ay medyo naka occupied lahat ng game.
Napag desisyon na lang muna namin na mag bump car.

Ayun, sakit sa ulo lang naman ang nakuha namin. Puro yugyog sa ulo lang ang natamo namin ni Sam.

Ang sunod naming lalaruin ay basketball. At dahil may na una pa sa amin ay nag hintay muna kami sa gilid ni Samantha.

"Von, gumawa kaya tayo ng bet" Napalingon ako kay Sam.

"Kung sino ang matatalo may consequence" Sambit niyang muli. Mukhang hindi ko gusto ang trip nitong isang to huh.

"If you lose, you will confess your feelings to Troy"
Nahampas ko ng mahina si Sam. Pinagtawanan niya naman ako.

"Nababaliw ka na ba? Bakit ako magco-confess?" Iritableng sambit ko.

"Ang KJ mo Von, sige na! Isipan mo din ako ng consequence" Napa-isip ako sa sinambit niya. She want fun huh, humanda ka Samantha.

Itinaas ko ang kilay at tsaka siya tinignan.

"Sige, kapag natalo ka- jojowain mo si Edward"

"What?!" Kitams, inunahan niya tapos ngayon magrereklamo.

"Ang KJ mo Sam" Pang-aasar ko sa kanya.
Napabuntong na lamang siya at sinamaan ako ng tingin.

"Fine, fine" Napangisi ako dahil sa sinambit niya.

Nagsimula na kaming maglarong dalawa.
Hindi kami nag uusap at seryoso lamang ang tingin namin sa ring.
Sa una ay sobrang dikit lang ng laban namin ni Sam ngunit sa kalagitnaan ay sunod-sunod ang sablay ko sa tira.

10 seconds na lang at nangunguna pa rin si Sam. Ibinigay ko na lahat ng lakas ko at siniguradong pumapasok lahat ng bato ko sa bola.

3
2
1

Inlove with a Billionaire (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon