Vons POV
Nanginginig ang buo kong katawan ng marinig ang humahagulgol na boses ng aking kapatid. Mas lalo akong nanghina ng banggitin nito si Mama.
Naramdaman ko ang pag-aalalay sa akin ni Troy.
"Ka-kailangan n-na nating u-u-umuwi" Wala sa sariling sambit ko.
Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman sa pagkakataong ito. Nagagalit ako sa aking sarili dahil nagpapakasaya ako. Naiinis ako! Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama kay mama."Hon, lets just pray. Nagpadala na ako ng doctor sa bahay niyo" Tumango lang ako kay Troy.
Hindi na kasi pumunta ng hospital si mama dahil napagod lang daw ito sa maghapon na pag-titinda. Gastos lang daw kapag pumunta pa ito ng hospital.Pero bakit hindi ako mapakali? Sumisikip ang dibdib ko. Parang may mali. Bakit parang may hindi sinasabi si mama.
Marami akong napapansin sa kanya nitong mga nakaraang araw.
Minsan ay nahihirapan siyang huminga, walang tigil din ang pag ubo niya, nabawasan din ang kanyang timbang.
May mali eh. Alam kong may mali."Hey. Everything will be okay" Hinimas ni Troy ang aking likod.
Tumango lamang ako sa kanya.
Kaka take-off lang ng eroplano ngunit gusto ko na agad makarating ng Pilipinas. Hindi ko kayang mag hintay pa ng ilang oras. Gustong-gusto ko ng makita ang kalagayan ni Mama ngayon.Agad akong bumaba ng kotse ng maka-park ito sa harap ng bahay namin. Dumiriteso ako sa kwarto at nadatnan kong nagku-kwentuhan sina Mama at Micah.
Bumagsak ang luha ko dahil sa nakita. Hindi mo makikita kay mama ang bakas ng panghihina. Alam kong pinipilit niyang maging malakas para kay Micah."Ate!!" Lumapit ang kapatid ko sa akin at tsaka ako niyakap.
"Mic, labas ka muna. Marami kaming pasalubong ni Kuya Troy mo" Malaki ang ngiti ni Micah at dali-daling lumabas ng silid.
Agad akong lumapit kay mama ng bumagsak ang katawan nito sa kama.
"Ma~" sunod-sunod na bumagsak ang luha ko. Pinigilan kong gumawa ng ingay upang hindi marinig ng aking kapatid.
"Ma naman eh. Bakit hindi mo ako sinabihan?"
Pinilit hawakan ni mama ang aking mukha ngunit nanghihina ito. Hinawakan ko ang kanyang kamay at idinikit ang kanyang palad sa aking pisngi."V-Von, h-huwag mooo. Pa-pabayaann" Pinigilan ko si mama sa pagsasalita. Napa iling ako dahil ayaw kong marinig ang kanyang sasabihin. Hindi ako handa. Ayoko. Ayokong marinig na naghahabilin na siya.
"Ma~ pupunta tayo ng hospital huh. Magpapatingin ka sa doctor. Magpapagamot tayo. Huh? Ma-- kaya natin to. Kaya mo yan huh?"
"H-huwag na. W-wala t-tayong pera. H-hindi k-kayanin ang o-operasyon"
"Ma naman eh. Huwag mo isipin yan. May naipon na ako. Yung pang college ni Micah gamitin muna natin. Mangungutang ako, tatanggap ako ng mga trabaho. Basta magpagamot ka ma! Gagawin ko ang lahat basta lumaban ka lang huh?"
Hindi ko iniwan si mama hanggang sa ito ay makatulog.
Lumabas lang ako ng silid ng masigurado at maiayos ang kumot nito.
May pag iingat akong naglakad palabas upang hindi siya maistorbo.Tumungo ako ng sala at naabutan ko sina Micah at Troy.
Nilalaro ng kapatid ko ang pinamili naming pasalubong para sa kanya.Agad naman akong nilapitan ni Troy at tska ako niyakap. Pinigilan ko ang pag tulo ng aking luha upang hindi makita ng kapatid ko.
"How is she?" Umiling ako bilang tugon kay Troy.
"Dadalhin ko siya sa hospital bukas para mas masuri siya ng maayos" Tumango si Troy sa akin.
BINABASA MO ANG
Inlove with a Billionaire (EDITING)
RomanceShe's poor and his rich! Vanellope Von Santiago, a very simple woman with a simple dream. She has a simple life, simple family all around her was just so simple not until Troy Murphy Hemsworth came to her life. All the simplest things turned to an...