-Sam's POV-Habang nakaharap sa salamin ay idinikit ko sa aking katawan ang plain pink shirt at denim skirt.
Ngumiti lang ako at tumango."Ito na ang susuotin ko"
Inilapag ko ito sa aking kama.
Umupo ako habang nakaharap sa salamin.
Matapos ma i-bun ang aking buhok ay naglapat ako ng kaunting bb cream sa aking mukha upang medyo mawala ang blemishes. Naglagay din ako ng mascara sa aking lashes.
Nag pahid na din ako ng kaunting blush-on sa aking pisngi.Kinuha ko ang kulay coral ko na liptint at inilapat ito sa aking labi.
Tinitigan ko ang aking mukha sa harap ng salamin."Masyado atang obvious ang tint. Baka mag mukha akong nag effort" Kumuha ako ng tissue at pinahid ito sa aking labi.
"Much better"
Nagbihis na ako ng aking susuotin. I paired my outfit with my favorite white shoes.
Nang ma satisfied ay lumabas na ako ng kwarto.
Dumiretso na ako ng garahe kung saan nag hihintay ang aking driver."Manong, daanan po muna natin si Von" Sambit ko sa kanya. Tumango ito bilang sagot sa akin.
"Hindi halatang nag effort ka besh" Nilingon ko si Von na naka-upo sa aking tabi.
Sumalubong kaagad sa akin ang nakakaasar nitong mukha."Naka plain shirt nga lang ako eh. Talo ako sa pa off-shoulder mo" Pang aasar ko din sa kanya. Itinaas niya ang kanyang damit kaya natawa na lang ako.
"Hindi naman damit mo eh. Yung make up mo" Napalingon ako sa aking refleksyon sa aking cellphone.
Hindi naman makapal ang make up ko."Okay lang naman eh"
"Pero hindi ka ganyan mag ayos kapag nasa school tayo. Naku Samantha, in love ka na" Hinampas ko si Von kaya natawa na lamang ito.
"In love ka diyan!!"
"Hala besh. Namumula ka na"
"VON!!"
Pagpasok pa lang namin ng school ay sobrang dami na ng tao. Dahil open ang school sa lahat ng University students ay expected na namin na dadagsa talaga ang lahat.
"Nandito na kaya sila?"
"Sino Sam?"
"Eh di sina Edward. Sino pa ba ang hahanapin ko" Hinampas ako ni Von kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Kailan ka pa natutong lumandi Samantha!" Sambit nito na halos kumurteng puso pa ang mga mata nito.
Maya-maya pa ay napansin ko ang pag tunog ng aking cellphone. Nakita kong rumehistro ang pangalan ni Edward.
Okay, i wont deny. Kinikilig ako ngayon!
Sinagot ko ang tawag.
Nakita ko pa kung paanong ngumisi sa akin si Von."Hello~"
(Uhmm-- Sam, nasa Andersons ka na?)
"Yeah, kararating lang namin ni Von"
(Ahh ganon ba. Nandito na kami sa locker room ng gym)
"Uhh--mm O-okay" Napakagat ako sa aking labi. Hindi ko na kasi alam ang susunod na sasabihin.
(A-ano-- baka gusto niyo pumunta dito?)
"H-huh?"
(Gusto sana kitang makita bago mag simula ang laro)
Sunod-sunod na sambit nito. Pansin ko pa na medyo shaky yung boses niya kaya napangiti na lamang ako.
"S-sige. Pupunta kami diyan. Bye~" Ibinaba ko na ang tawag. Napahawak ako sa aking pisngi dahil feeling ko umiinit ito.
BINABASA MO ANG
Inlove with a Billionaire (EDITING)
RomansShe's poor and his rich! Vanellope Von Santiago, a very simple woman with a simple dream. She has a simple life, simple family all around her was just so simple not until Troy Murphy Hemsworth came to her life. All the simplest things turned to an...