Chapter 4: Enemies

13.1K 227 0
                                    


Sam's POV

Tulala ako habang nakatanaw kay Von at sa lalaking sumundo sa kanya. Sinundan ko ng tintingin ang sasakyan hanggang mawala sila sa paningin ko.

Sino ang lalaking iyun at ano siya sa buhay ng bestfriend ko?

"Young Lady, saaan po tayo pupunta?" Tanong ng Driver slash bodyguard ko. Manong George serve our family for almost 15 years kaya ganoon na lamang ang tiwala namin sa kanya. Siya ang kasama ko dito ngayon sa Pilipinas, isa iyun sa mga kondisyon ni Lola sa akin para payagan akong mag-aral dito.

"Sa mall manong. May bibilhin lang ako." Dapat sana isasama ko si Von. Hindi na kasi ako nakabili ng pasalubong sa kanya dahil nang araw na pinayagan na ako ni Lola ay siya din ang araw ng pagbili niya ng ticket kaya lahat ng oras ko ay naubos sa pag i-impake.

Palingon-lingon na ako sa paligid para mag hanap ng boutique ng maagaw ng pansin ko ang isang malaking poster ng modelo. I think i saw this guy. He's hot, handsome and has a perfect body.
Wait! Namamalik-mata lang ba ako o siya talaga yung lalaking sumundo kay Von kanina. His quite famous.
Maraming kailangan e-kwento sa akin si Von!

Napasapo ako sa aking noo ng makabangga ako ng isang tao.
"Im so sorry" pahinging tawad ko. He stared me. Medyo umatras ako dahil kahit naka sunglasses siya ay pansin ko ang matatalim niyang tingin. May suot pa siyang hikaw kaya mas natakot ako. Gwapo na sana nakapangit lang yung hikaw.

"Watch your step Lady!" He said coldly at tinalikuran ako. I rolled my eyes. Nag sorry na yung tao sinungitan pa din ako. Ang yabang!

Padabog na akong naglakad at pumasok sa isang boutique para maiwasan siya.

Madami akong nakitang maganda pero wala pa akong nakikitang bagay kay Von. Hindi naman siya mahilig ng masyadong girly. Simple lang ang kaibigan kong iyun kaya simple lang din dapat ang bibilhin ko.

Naglibot-libot pa ako ng mahagilap ko ang isang backpack. Leather ito at kulay tan. Perfect!

"Limited edition lang po yan maam." Sabi nung saleslady sa akin.

Ngumiti ako sa kanya.
"Kukunin ko po ate"

Kinuha niya ito at iginaya na ako sa counter.

"It's 1299 po Maam"
Ngumiti ako sa cashier at hinablot ang aking wallet. Kinuha ko ang aking credit card at inabot sa kanya.

"Maam, im so sorry pero meron ba kayong ibang card o di kaya ay cash? Hindi po kasi kami tumatanggap ng foreign card"
Nag check ako sa wallet at 500 lang ang meron ako. Hindi pa pala ako nakapa-transfer ng account at ubos na ang aking cash.
I smiled bitterly.

"Im so sorry pero wala akong ibang card and hindi na kasya yung pera ko. Ayos lang ba kung paki-cancel muna at babalikan ko na lang bukas"

"Sorry Maam pero hindi na kasi pwedeng e-void" I bite my lower lip. Tatawagan ko na lang siguro si Manong George. Hahablutin ko na sana ang aking cellphone ng biglang may lumapag ng tatlong libo sa may cashier.

"Keep the change" sambit ng lalaking umabot ng pera. Tinignan ko siya.

"Wait! What do you think you're doing??" Tanong ko sa kanya. Kilala ko siya! Siya yung lalaking nabangga ko.

"Naawa lang naman ako sayo miss. Sa susunod kasi kung wala ka pang bayad wag ka na lang bumili.."

Nakapamewang ko siyang hinarap.
"FYI mister! Meron akong pera, hindi lang ako--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ng bigla na lamang siyang tumalikod.
"Whatever!" He waved his hand at umalis na.
Wala talaga siyang modo!!

"Babayaran kita! And oh, THANK YOU HUH" hinablot ko ang bag na binalot na ng sales lady. Pagkatapos mag thank you sa kanila ay lumabas na din ako.

Who ever you are Mr. Yabang, babayaran kita! Ayokong magka-utang ng loob lalo na sayo!





Pumasok ako ng maaga sa school. Marami talaga akong gustong itanong kay Von.
Mabuti na lang at nandito na siya. Masigla akong lumapit sa kanya at tsaka siya binati.
"Good morning Samoy! -_-" walang gana niyang pagbati. Parang di lang naman nakapag-breakfast ang babaeng ito.

"Anong problema mo?" Tanong ko sa kanya.

"Pasensya ka na Samoy. Wala lang ako sa mood (__)" sambit niya at minudmod ang mukha nito sa mesa.

"Von wag ka ngang matulog diyan!! Marami ka pang ikukuwento eh. Sino yung lalaki kahapon? Hoooy!" Inaalog ko na siya niyan ngunit dedma pa rin eh -_-

"Samoy mamaya na lang. Please!" Hindi ko na siya kinulit pa dahil dumating na si teacher.
Hinayaan ko na lang at mamaya na lang siguro ako magtatanong kapag lunch break para naman makapag-kwentuhan kami ng maayos.


Bitbit na namin ang tray ng mga pagkain na inorder namin at nag libot na kami sa canteen upang mag hanap ng ma-uupan.
Nang maka-pwesto na kami ay sinubukan ko na siyang kuliting muli.

"Von ano na. Tell me what's your relationship with that guy?"
Tanong ko pagka-upo pa lang namin.

"Handa ka na ba?" Medyo kinabahan ako sa sinabi ni Von. Her look is so serious.

"Im ready. So please, explain me everything Von"

"Okay. Brace your self."
Ano daw? Brace myself? Ganito ba talaga ka seryoso.
Okay. Fine.
Bumuntong-hininga ako, yung sobrang lalim at nilingon siya.

"Ready"





A/N: Sa next chapter na ang karugtong nito. Special chapter kasi talaga to para kay Sam so ang kwento ni Von sa Next Part na! 😉😘

EDITED (9-3-17) 💕

Inlove with a Billionaire (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon