Von's POV
Habang naka-upo sa aking kama ay tutok na tutok ako sa isang magandang gown na nakasabit sa aking cabinet.
Kulay dilaw ito. Simple ngunit napaka- elegante.
Tumayo ako at ito'y nilapitan.
Hinawi ko ang tela ng damit, halatang mamahalin at hindi basta-basta ang ganitong gown.
Feeling ko tuloy hindi ito nababagay sa isang katulad ko."Von! Bumaba ka nga't may naghahanap sayo" Narinig kong sigaw ni mama. Agad ko namang sinunod ang sinambit ni mother earth. Pagbaba ko ng hagdan ay naabutan ko ang isang magandang lalaki.
Alam kong hindi siya babae pero sobrang ganda niya. Nakaka insecure nga dahil mas maganda pa siya kumpara sa akin.Isang malaking ngiti ang binigay niya sa akin nang ako ay makababa.
"Hello Maam Von, ako nga pala si Betty pinadala ako dito ng Young Master" ngumiti ako pabalik kay Betty.
Eni-expect ko na talagang may darating na make up artista ngayon dahil na nga din ito ang ipinangako ni Troy. Pero nakalimutan ko atang sabihan si Troy na huwag ng magpadala, hindi naman kasi ako mahilig sa mga make-up2 na ganyan."Ate Betty, alam ko pong magaling kang mag make-up pero kasi hindi ako mahilig sa ganyan" Nilapitan niya ako at hinawi ang aking buhok.
"Maganda ka na naman Ma'am, wag kang mag-alala, no make up look lang gagawin ko sayo"
"DIYOS KO LOOOOORD!!"
"Hala! Anong nangyari--- Oh my god!!
Ate Von nasaan ka?"
Nasapak ko ng wala sa oras si Micah ng bigla niya akong lampasan."Makaka-dalawa ka talaga sa akin Mic!"
"Sorry naman. Ang ganda mo kasi" Ngumiti ako kay Micah at nilingon muli ang sarili sa salamin.
Ang ganda ko. Sobra.
"Von relax, your perfect"
Mapait akong ngumiti kay Sam. Kinakabahan kasi ako. First time kong pumunta sa isang party ng mayayaman. Hindi ko alam kung babagay ba ako sa lugar na iyun.
Bilang isang mahirap na tao hindi mo alam kung papaano makisalo sa kanila.Naramdaman ko ang paghawak ni Sam sa aking kamay.
"Salamat Sam at sinamahan mo ako dito""For my bestfriend" ngumiti ako kay Sam. Paano na lang kaya kung wala siya dito.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Hinablot ko ito sa hawak kong pouch.
Matapos ma press ang answer button ay idinikit ko ito sa sking tenga."Hello?" Casual na sagot ko.
"Nasaan ka na?" Sumilip ako sa bintana ng kotse.
"Malapit na"
"Just call me if you arrive" hindi na hinintay ni Troy ang aking sagot at basta na lamang ibinaba ang tawag. As always.
Ilang minuto pa ang aming binyahe ng tuluyan naming marating ang veneu. Sa labas palang ay mapapansin na ang dami ng mga bisita, sobrang dami kasi ng mga sasakyang nakaparada sa labas.
Nang makalabas palang kami nang sasakyan ay nakaramdam na naman ako ng kaba.
"Von si Troy oh" Nilingon ko ang direksyong tinuro ni Sam. Nakita ko si Troy na nakasandal sa kanyang kotse habang palinga-linga sa paligid.
BINABASA MO ANG
Inlove with a Billionaire (EDITING)
RomansaShe's poor and his rich! Vanellope Von Santiago, a very simple woman with a simple dream. She has a simple life, simple family all around her was just so simple not until Troy Murphy Hemsworth came to her life. All the simplest things turned to an...