Chapter 43: The Past

264 4 0
                                    

Vons POV

"Hi" Hindi ako kaagad naimik sa kanya. Huli na din ng tanggapin ko ang inabot niyang kamay. Hindi ko maalis ang mga titig sa kanyang mukha.

"I-im sorry" Tinaggap ko ang kanyang kamay at bahagyang ngumiti.

"May dumi ba sa mukha ko?" Umiiling ako matapos siyang ayain na umupo.

"Sorry, you look someone i knew"

"Ohh. I get that a lot" Ngumiti siya sa akin. "So, uhmm lets begin"

"Yes please, what can i do for you"

I promise myself not to think of him. Ngunit hindi pala ganito kadali.
Gusto ko na lang sana mag focus sa business, sa family ko, sa mga kaibigan at kay Dykie. Pero bakit lahat na lang ng bagay ay naalala ko siya.
Bakit sa lahat na lang nag pagkakataon ay palagi ko siyang naiisip.
Simula nang malaman ko na nandito siya sa Pilipinas, lahat na lang ng tao napapagkamalan kong siya.

Am i being paranoid? I dont know what to do, what more kapag nakaharap ko siya.
We dont have a closure, marami akong tanong. Maraming gumugulo sa isip ko.
Do i still have to care?
He's getting married for got sake!! Why i am being like this?

"Miss Santiago?"

"Im so sorry. Youre saying..?





"May kailangan ka pa ba?" Tanong ko kay Micah. Nandito kami ngayon sa National Bookstore, sinamahan ko kasi itong bumili ng kakalanganin niya sa paaralan.

"May hinahanap pa ako ate. Sandali." Nagtatakbo siya paalis kaya napatawa na lang ako.

Habang naghihintay kay Micah at nag check ako sa mga bagong release na libro. Hindi naman ako book lover pero nakahiligan ko na din magbasa-basa. Lalo na yung mga Romance book.

Kumuha ako ng isang libro at binasa ang mga ilang page nito. Nang magsawa ay kumuha ako ulit ng panibago at nagbasa din sa iilang page.

"Hindi ko alam mahilig ka pala sa libro"
Agad akong napaangat upang lingunin kung sino ba ito.
Sa gulat ay malakas ko itong nahampas sa kanyang balikat.

"Ethan!"
Niyakap niya ako at nakipagbeso din.

"Kamusta ka na? Oh my god! Mas lalo kang tumangkad Ethan!" Sabay na lang kaming napatawa dahil sa sinabi ko.

"Sikat ka na ah!" Sinamaan ko siya ng tingin bago hinampas ulit.

"Mas sikat ka kaya sa akin no! Your an NBA player now" Kinurot ko siya sa tagiliran upang asarin.
Mahal talaga nito ang pagba-basketball, hindi din naman makakaila kung bakit palagi siyang MVP dati sa mga laro nila. At ngayon, dahil sa passion niya ay nakarating na din ito sa National Team.

"We should catch up. Do you have time?"

"Yeah. Sure!"
Matapos naming makabili ng gamit ni Micah ay pinasundo ko na din siya sa driver namin.
Galit na galit nga ito sa akin kung bakit daw sasama ako kay Ethan, e sinaktan daw ako nito.
Yung kapatid kong talaga! Natatawa na lang kami ni Ethan.

"So kamusta na nga?"
I think your all wondering kung bakit close ako kay Ethan. Well, hindi naman kasi nawala ang communication namin dalawa. And Ethan is one of those person na nag comfort sa akin noong mga panahon na lugmok ako kay Troy. He talked to me, asked for forgiveness and pinatawad ko siya. He felt sorry dahil magkasunod na lalaki ang nagpasakit sa akin.
Pinaramdam sa akin ni Ethan na hindi sa akin ang mali, na hindi ako nagkulang. Sabi pa nga niya ay sobra nga daw ako magmahal. Its just that we are still immature ng mga panahon na yun especially him as he stated.

"Ito, nagsisi kung bakit ka iniwan!"

"Baliw. Haha!"

"Hey, im serious"

"Huwag na Ethan. Hindi na tayo pwede. At tsaka ikaw walang girlfriend? Pssh! Maniwala ako"

"Grabe to! Sinaktan ka lang chickboy na agad. Pero kidding aside wala talaga"
Nag iba ang ekspreyon ng mukha nito. Napainom na lamang ako sa aking milktea bago iniwasan ang mga titig niya.

"Nasa huli nga siguro ang pagsisisi. Swerte ng magiging asawa mo!"
Napangiti na lamang ako kay Ethan.
Pero bakit biglanh nasagi na naman sa isip ko si Troy. Would he felt the same too kapag nagkita kaya kami?

"Salamat sa oras Von huh. Gawin natin ulit to!"

"Sure. Isama din natin yung ibang batch"

"Hatid na kita?" Pagyaya niya sa akin. Naglalakad na kami papalabas ng mall.

"Huwag na. Parating na din sundo ko"

"Sige. Samahan na lang kitang maghantay"
Tumango ako sa kanya bilang sagot. Naglakad patungo sa waiting area ng mapansin namin ang nagkukumpulang mga tao sa parking area.

"Anong meron?" Curious na tanong ko. Marami kasing kumukuha ng litrato at nagsisigaw pa ang lahat.

"I guess artista siguro"
Dahil sa kusriosidad ay hinila ko papalapit si Ethan doon.

Dahil medyo nakukumpulan na ang mga tao ay hindi ko makita ng maayos. Pansin kong babae ito. Naka-cap siya kaya medyo hindi kita ang mukha. Pero pansin mo sa pananamit at kutis nito na artista talaga siya.
Kumawat ito sa mga tao doon. Sinadya na din kunin ang suot na sumbrero upang makita ng lahat ang kanyang mukha.

Lalong nagsigawan ang lahat dahil sa nakita.

"Oh, si Steffi yan di ba?"
This is not my first time seeing her.
Alam ko namang maganda siya pero mas lalong gumanda si Steffi. Puberty hits her so hard. Napakaganda ng katawan nito, sobrang perfect ng vital statistic niya.
Ang mukha nito ay kumikinang. Sobrang ganda niya na animoy talo niya pa si Liza Soberano. Hinawi nito ang kanyang buhok kaya mas lalo akong namahangha.

"Tara na Ethan"
Pagyaya ko sa kanya. Sinundan naman ako agad ni Ethan ng mauna ako sa paglalakad.

"Wow. She looks amazing. Maganda na siya dati pa pero grabe, parang anghel yung mukha niya. How can someone be that pretty?"

Mapait akong ngumiti.

"Yeah"

Walang-wala ako sa kanya. And for sure, hindi mag aabalang isipin ni Troy kung bakit niya ako iniwan kung ganoon naman kaganda ang ipinalit.
Shit! Why am i being bitter?

But you cant blame me, nakaka-intimidate kapag siya ang ikukumpara sayo.

Talong-talo ako.



(8/20/20)
(This is a new added chapter sa story 😊 Supposedly hanggang Chapter 40 lang w/ Epilogue but magdadagdag ako ng mga bagong Chapters)

And, sorry sa matagal na update guys, busy talaga sa work. 😔
I will try my best to update one more Chapter this week. 💕

Ms. Glad 💚

Inlove with a Billionaire (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon